Nakaramdam ako ng tila ba may humihipan sa mukha ko...
"Kuya...mamaya na..." ungol ko at nagtakip ng kumot sa mukha
Hinila naman ng kung sino man ang kumot na nasa mukha ko, narinig ko din ang ang pag-slide ng kurtina kaya tumama ang ilaw sa mukha ko, nasisilaw ako gusto ko sumigaw
dahan-dahan kong idinilat ang mata ko kung si Kuya nga ba yun o minumulto na naman ako ng ka-praningan, may nakatayo sa harapan ko di ko makita kung sino ba talaga dahil nangingibabaw ang liwanag na galing sa bintana ko pero alam ko ang black, at kumikinang na buhok na ito...nanaginip lang ako, babangon na ako promise.
"Good Morning Baby!"
Nang marinig ko yun ay napabangon ako, tiningnan ko uli yung nagsalita nakangiti ito
"WHAT ARE YOU DOING HERE?" sigaw ko rito, nahihiya ako ano ba baka mamaya may tuyong laway ako sa bibig ko, maraming muta UGH kainis, agad akong tumakbo sa banyo ko at naligo na. tense na tense ako habang nagsha-shampoo, buti na lang at ang mga damit ko ay nasa loob din ng banyo, malaki yung banyo ko at hiwalay ang wet comfort room sa dressing room, nagmadali akong suotin yung uniform ko at lumabas, nakatayo siya sa harap ng pintuan ng banyo ko, inirapan ko siya at bumaba na nakita ko si Kuya Caleb na nagluluto, agad kong kinuha ang toasted bread sa plato at umalis na di ko hinintay ang reaksyon o ang pagpapaalam ni Kuya basta gusto ko na umalis at iwan si Samaniego naramdaman ko ang paglalakad niya sa likod ko, dinalian ko pa lalo naririnig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko di ako lilingon pero sa sobrang pagmamadali ay nadapa ako punyeta talaga oh!
Lumapit agad siya at tiningnan niya ang tuhod ko, gasgas lang naman daw
"Bakit ka ba kasi nagmamadali?" tanong nito sakin
"BAKIT KA KASI PUMUNTA SA BAHAY? NAHIHIYA AKO BAKA MAMAYA MAY MUTA AKO OR DI KAYA MAY TUYONG LAWAY AKO SA BUONG MUKHA KO! UGH!!!" sigaw ko sa kanya, nginitian niya ako.
"sus, kahit nga siguro magmukha kang octopus sa paggising mo haharapin pa din kita paano na lang pag kasal na tayo?" sabi nito at itinayo ako
"KASAL KA DIYAN! KAKASAGOT KO NGA LANG SAYO KAHAPON HMP!" sigaw ko uli na medyo kinikilig
"dadating din kasi tayo dun...anyway...Happy 1st Day Baby" bulong niya saka hinawakan ang kamay ko, hawak niya ang kamay ko papasok sa loob ng campus na naggawa ng ingay at usapan, nauna siyang pumunta sa room, samantalang papunta ako sa classroom, naramdaman ko ang pagtabi sakin ni Sheyn at Daile
"Good morning mga babaita!!!" hyper na sabi ko at inakbayan silang dalawa habang papalapit sa locker room
"di ka man lang nag-kwento" sabi ni Daile nang makaapak kami sa locker room
"sabi na in denial ka lang e, anyways sana man lang nag-kwento ka, umaasa na lang tuloy kami sa chismosa diyan sa tabi-tabi" sabi pa ni Sheyn
"sorry gabi na rin kasi nung sinagot ko siya, peace na tayo promise magsasabi na ako sa inyo" nginitian ko sila at niyakap
"Di kaya masyadong mabilis?" nagulat kami sa kung sino man ang nasa pinto, si Ivan pala nakasandal sa pintuan ng locker room, habang hawak ni Nico ang braso ni Ivan
"alam mo gurl shini-ship kita kay Papa Gezrael kaso parang ang bilis, seryoso ba yan, kayo? I mean kilala niyo na ba ang isa't-isa?" tanong ni Nico Bading saka lumapit sa amin
"basta pag ginago ka nun ako na bahala sa angkan niya" sabi ni Ivan at ang usual taas baba kilay niya
Masyado bang mabilis ang getting to know each other phase namin? 2 weeks? e basta nevermind we're dating
Medyo hindi normal ang araw na 'to kasi kung nakakapatay ang lang ang tingin ay siguradong kanina pa ako patay, Kanina papasok pa lang ako ng room ay may nalaglag na batya sa ulo ko hindi naman daw sinasadya okay teh sige excused yan. di naman ako mahilig sa away mukha lang pero hindi, may ibang tao na bumabati at como-congratulate sakin sa relasyon namin ni Gez , may iba namang umaabot sa kisame ang mga kilay lalo na ang fansclub neto.
"Heard about the good news?" bungad ng adviser namin, habang dala-dala ang stick niya at walang hawak na libro o class record, good news nga. walang klase.
Pinapadyak ko ang mga paa ko habang hinihintay ang magandang anunsyo ng teacher ko.
"Simula bukas kailangan na natin maghanda para sa parating na Foundation Day ng school natin, and gusto ko magtulong tulong kayo sa pagbuo ng different booths, we only have one week to prepare okay? that's all" pagkatapos nun umalis na ang adviser namin at nagsimula na magdiwang ang mga kaklase ko.
Tahimik akong nagsusulat ng listahan ng bibilhin para sa booth namin sa gitna ng field, di gaanong mainit at gusto ko lang talaga makahinga sa mga matang konti na lang ay may tumamang kutsilyo sa sobrang talas nila makatingin, akala ko ay matatahimik na ako ngunit may nagbuhos sa bukas kong notebook ng malamig na juice gawa neto ay napatayo ako dalawang babae na naging kaklase ko last year, sa lahat ng naging kaklase ko siya ang hindi ko nakausap at kung kakausapin ko naman siya ay tinuturing niya akong hangin, di ko alam kung bakit.
"Anong problema mo Shane???" bulalas ko habang pinupunasan ang mukha ko
"Hay Santos, you'll be in hell" sabi nito habang inaayos ang buhok, anong pinagsasasabi neto? nakakunot lang ako nang sinabi nya yun
"--said she, and sorry for the juice, she paid me to spill that and i feel sorry...for the juice. That's damn expensive" saka ito lumakad palayo, di ako makapaniwala na sa sobrang inosente neto ay may tinatago itong halimaw sa loob, pero sinong 'she'?
"A demon, someone you'd wish you didn't meet. sorry Ernestine" sabi ng kasama ni shane na si mikayla at inabutan ako ng tissue, mabait to pero pipiliin nya ang bestfriend niyang si shane kahit siguro anong kasamaan pa ang gawin nun ay siguradong susuportahan nya pa rin.
![](https://img.wattpad.com/cover/53752946-288-k164585.jpg)