Artunino Lim

10 0 0
                                        

Sumakay na ako sa tren papunta sa pinagtatambayan nila na magkakaibigan, sabay kaming mag-all nighters para sa exam. Pagkaapak ko sa loob may napansin na agad ako na pamilyar na mukha. Si Art naka-hoodie at maong pants. habang kumakain ng ice cream. Himala at hindi mamahalin ang suot niyang damit. Madalas kasi ay puro branded ang suot niya kahit saan siya magpunta.

Di ko siya tinawag. Tahimik lang akong sumunod sa kanya. Alam ko kasing iisa lang ang pupuntahan namin. Pagkababa namin sa tren napansin kong parepareho ang disenyo ng mga bahay na nakikita ko sa nilalakaran namin. Eto yung pabahay ng gobyerno kung saan pinapatira ang mga naapektuhan ng sakuna.

Tumigil ako ng tumigil si Art sa isang tapat ng bahay, kumatok siya sa pintuan at biglang may lumabas na dalawang babae na sa palagay ko ay kambal? at Isang binatilyo. Niyakap ng kambal si Art. Tuwang tuwa siya nang makita ang mga ito. Pero ang isang binata ay tiningnan lang siya. Para bang hindi siya welcome sa pamamahay nila.

"Bumili ako ng ticket sa ocean park para sa ating apat, pupunta tayo sa lunes. sa birthday ninyo" sabi ni Art na nakangiti habang inaabot ang ticket sa kambal.

"Talaga Kuya Art? pupunta tayong apat? Kuya Aris narinig mo yun? makakapunta na rin tayo ng ocean park." sabi ng isang kambal at tumingin sa binatilyo na nasa likod niya

"Kayo na lang ang pumunta, di ako interesado makasama yang tinatawag niyong kapatid natin" sagot ng binatilyo at pumasok na muli sa bahay

Teka, alam ko ay iisang anak lang si Art. kapatid niya ba ang mga ito? Hindi naman maipagkakaila dahil magkakamukha sila. May kaitiman nga lang ang isa.

Habang nagmumuni sa tinataguan kong likod bahay, bigla akong nakaapak ng matulis na bagay kaya natumba ako sa sakit. Ang wrong timing nakakainis.

"Lei? anong ginagawa mo dito?" Lingon sa akin ni Art at agad akong dinaluhan

"Bakit ka nandito? Ano nangyari?" tanong niya agad sa akin at hinahanap ang sugat ko, saktong tumingin siya sakin. Nakita ko ang mumunting luha na hindi pa bumabagsak.

Nagpaalam siya sa dalawang kapatid at Pumunta kami sa may park kung saan nakikita ang buong syudad at mga bundok.

Nakaluhod siya at ginagamot ang paa ko. Agad niya rin naman ito natapos at umupo sa tabi ko. Walang nagsasalita.

Siguro ay naapektuhan din ako sa nangyari sa kanya. Siguro hindi pa rin ako nagbabago. nandito pa rin yung dating Ernestine na kapag may nasasaktan ay nasasaktan din siya. I care. I still care.

"May gusto kang sabihin o itanong?" sabi niya. Alam kong nakatingin siya sa akin, pero di ko siya nililingon. Pinagiisipan ko kung tama ba yung ilalabas kong mga salita. Huminga ako ng malalim.

"May...mga kapatid ka?" tanong ko at nilalaro ang mga daliri ko.

Nakita ko siyang tumango

"Saang side?"

"Both" maikling sagot niya kaya tumingin ako sa kanya. Nalilito.

"Galing sa mayamang pamilya si Papa, Samantalang si mama naman anak ng taga-pangalaga ng rancho nila noon. Hindi, sang-ayon ang lolo at lola noon sa relasyon nila kaya pinalayas nila kami. Pero kailangan maipamana ni Lolo ang kompanya sa kanya kaya hinanap nila ang Papa makaraan ang apat na taon. Ikinasal si papa sa anak ng presidente noon. Kailangan ng heir ng pamilya ngunit hindi naman magkaanak ang step mother ko kaya kinuha nila ako at inayos ang mga papel ko para ako ang lumabas na anak nilang dalawa ni papa. Wala naman ako magawa noon ilang taon lang ba ako noon. Wala kaming nagawa lahat. Namatay pa si mama nang maipanganak ang kambal. Isang sikreto ang mga kapatid ko at ang totoong ina ko. My father even thought everyone's dead except me."

Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin, Naisip ko na sa tuwing may mga problema kami siya ang tinatakbuhan ng lahat. Siya ang yumayakap sa amin. Pero siya pala ang may sugat. tumayo ako sa harapan niya.

"Me, Ernestine Lei Santos. Promising Artunino Lim to keep his secret safe and sound until I die." sabi ko na walang pag-aalinlangan, Ngumiti naman siya. Unusual dahil ito na ata ang ngiti niyang umabot sa mga mata.

"And...I promise to protect you always. Like you always do...to everyone" pagtapos ko at inilahad ang kamay ko pero tumayo siya at hinila ako para yakapin.

Medyo nagulat ako kaya di ko agad siya nayakap pabalik.

"Thank you Lei. Thank you." bulong niya sa akin, kaya tinapik ko ang likod niya.

"Tara na, baka hinahanap na tayo nila Sur. Alam mo naman yun." sabi ko at saka sabay naglakad papunta sa estasyon ng tren.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kismet [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon