Ayun na nga hanggang sa nagpatuloy ang tutoring lessons galore namin every after class, medyo cool na rin ako sa kanya kaya medyo malapit na siya sa akin pag tinuturuan niya ako talaga nga namang Math Enthusiast ang papa mo dahil ang dali lang pala nung iba at nasusundan ko, minsan nga nauuwi na lang kami sa chismisan at tawanan, ang gaan sa pakiramdam pag kasama ko si Gezrael
"Sino ka?" tanong ni Nico pagka-upo ko, nasa cafeteria ako kasama sila, nag-pout ako ng sabihin niya yun
"What?" i asked
"ano, kamusta na kayo ng bago mong bff? ha?" halatang tampo na sabi ni Daile, niyakap ko siya habang sina Sheyn at Ivan ay marahan akong tinitignan.
"hmf kayo naman! alam niyo namang kailangan ko sumama kay Gez kasi kailangan ko makapasa sa mock exam natin sa math" dahilan ko at nangalumbaba sa mesa at tinitingnan sila
"WOW!!! GEZ!!! Gez na ang tawag mo sa kanya himala! closey closey na ang mga bakla" pang-aasar ni Nico sakin habang itinataas baba na naman ang kilay niya
"Psh" ibinato sa kanya ang tinapay na binili ko
Tumigil sila at kumain na lang, madalas ko na ngang kasama si Gezrael atsaka sabi niya kasi Gez na lang edi Gez, tsaka after nung first day of meeting namin ni Samaniego kinabukasan ay di ko na naamoy yung matapang na pamaho niya, these past weeks talagang siya na nga lang ang nakakasama ko magkatabi na nga kami ng upuan sa math class, minsan pa nga kaming napalabas kami dahil tawa kami nang tawa nang ikinabigla ng mga kaibigan ko. Na-realize ko lang kasi na di naman siya masama maging kaibigan, insecure lang ako. kahit nga ako naninibago sa sarili ko the heck diba.
Naglalakad na ako papunta sa sa Classroom 3-A, another patayan review in math with Mr. Gezrael Samaniego, tumingin ako ng diretso at nakita ko si Gezrael na papunta na rin sa classroom, tumigil kami sa tapat ng classroom, binigyan lang namin ang isa't-isa ng ngiti pero nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at kinaladkad ako, kaladkad na di naman ako nasasaktan, gentle na kaladkan kung meron man nun
"Hoy, saan mo ako dadalhin? baka hanapin tayo ni Ma'am Balubar ang hilig pa namang i-check out ako nun" sabi ko habang kinakaladkad niya pa din
"Wala si Ma'am ngayon, may gagawin daw siya ngayon sa kabilang school tsaka ayoko na sa classroom na yan kasi palagi kong nakikita yung whitelady na katabi mo" sabi nito nang hindi nakatingin sakin.
"Kapag yang white lady na yan nagkatotoo, papatayin talaga kitang lalaki ka!" pinalo ko ang balikat niya, paakyat na pala kami ng hagdan nang tumigil ay tinignan ko kung nasaan kami, nasa abandonadong floor kami medyo kinilabutan ako dahil eto yung floor na sinasabi nilang may namatay na janitor, naka-kadena ito at may padlock, medyo umatras ako pero hinawakan ng mahigpit ni Gezrael ang kamay ko.
"Ano ba Samaniego bumaba na kasi tayo" sabi ko ng medyo nanginginig ang boses
"You're with me, why scared?" sabi nito saka tinanggal ang kadenang nakapulupot sa gate ng floor, padlock kuno lang pala yun, saka kami nagpatuloy sa paglalakad medyo maaliwalas naman pero di ko maiwasan mangilabot dahil siguro sa tumatakbo sa isip ko na mga multo, engkanto at kung ano pang elemento na nakakatakot. tiningnan ko si Gezrael nakangiti pa din ang siraulo siguro may prank to sakin pero may kung ano sakin na gusto pa din sumama, yung tipong gusto ko pa din magpatianod basta siya ang hihila sakin kahit kinokontra ko at sinasabing ayoko na ay nandito pa din ako hawak ang kamay niya, kasi merong something, at nababawasan ang takot ko sa kamay niyang nakahawak sakin.
Nakarating kami sa dulo ng floor at nakita ang terrace nito, may nakalatag na mat at mukhang malinis, siguro ay hinanda niya to dahil nga sawang sawa na siya sa classroom 3-A, napangiti ako ng papalubog na pala ang araw di na rin maingay dahil nagsiuwian na ang mga tao, tumingin ako sa kamay naming dalawa.
"chansing ka na ah" sabi ko ng mahina, pagkabitaw niya rito ay para bang na-disappoint ako parang ayokong bumitaw, grabe what the hell Ernestine, anong sinasabi mo? nakita ko siya na nagkamot ng ulo at umupo
"Nilinis mo 'to?" tanong ko at nililibot ang paningin ko sa terrace, tumango lang siya
Nagkukwentuhan na naman kami tungkol sa buhay buhay, tungkol sa mga kaibigan at interes namin, may iba siyang kinukwento na paulit-ulit pero natutuwa pa din ako sa tuwing naririnig ko mula sa kanya, alam niyo yun? naramdaman niyo ba 'to? yung parang di ka nagsasawa basta siya yung kausap mo okay lang
"Hala, uy magdidilim na" napansin ko lang yun nang manahimik kami nakakatakot ang hallway dahil walang ilaw, tatayo na sana ako kasi pinigilan niya ako gamit ang paghawak sa kamay ko. umupo ako at nagtaka medyo lumiyad siya sa gilid niya at may pinindot something pagka-pindot niya nun ay may umilaw na maliliit na bumbilya sa gilid ng hallway na nagbigay ng liwanag, parang christmas lights. amazed na amzed ako sa nakikita ko
"Ang cute!!!" sabi ko na mukhang asong nakangiti
"can you stay with me now?" tanong nito
"sure" sabi ko na nakangiti pa din na nakatingin sa hallway
"no, i mean can you stay...in my life?" nawala ang ngiti ko sa mukha at tiningnan siya ng mabuti, inilalapit niya ang mukha niya sakin, naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko, i can go cliche with this pero parang na-kuryente ako, 5 seconds ang lumipas at inilayo niya ang labi niya sakin
"I like you Ernestine" sabi pa nito, ngumiti na lang ako siguro yun na lang din ang masasagot ko sa mga oras na yun. i like him. there is nothing to lose. sumandal uli kami sa bakal na nagmimistulang pader ng terasa, hinawakan niya ang kamay ko and i think this is it.
"I actually made this place just for us...baby" pagkasabi niya sa huling word ay pinigilan ko ang pag-ngiti, sinong hindi kikiligin after my in denial days here i am now, baby na ng isang Gezrael Leandro Samaniego.
"Hmm..baby" sabi ko na medyo may pang-asar
"Hey wag kang ganyan nahihiya ako" sabi neto na medyo tinakpan ang mukha
"arte mo" sabi ko at tinanggal ang kamay na nakatakip sa mukha niya
"Well Gez, paano ba yan I like you too" dagdag ko, ngumiti lang siya sinandal ko na lang ang ulo ko sa balikat niya.
Pag nalaman 'to nila Daile ay siguradong wala na akong pride, dahil lelechehin na ako nun ng pang-aasar at mga puro "sabi na e" spiel nila.
Pero bakit ko pa ba iisipin yun diba, basta ang alam ko ngayon ay masaya ako. sobrang saya.