Changes

24 2 2
                                    

Next Station; South City

Maganda ang sikat ng araw ngunit hindi biro ang lamig ngayon.

Bumaba na ako sa tren, maraming mga di magkanda-ugagang estudyante ang papasok sa South State University and Oo after ng moving up napagpasyahan ko na mag-college sa SSU, dalawang taon naman na ang nakalipas at masasabi kong naka-move on na ako sa mga nangyari, hindi naman dapat habang buhay ipagluksa yun. marami na rin siguro akong nabago sa sarili ko sa dalawang taon na yun.

Ngayon ang first day ko, pero dala-dala ko ang maleta ko at hindi nakasuot ng uniporme dahil wala pang available last week.

So, obviously dala ko ang maleta sa loob ng school.

Nakatayo ako sa labas at hinihintay ang co-op office na magbukas. Halos lahat ng estudyante ay may grupo ng kinabibilangan malamang galing na sila sa South kaya't magkakakilala na ang mga ito.

Naging agaw pansin naman sakin ang mga lalaking nasa gilid ko dahil sa mga asaran tungkol sa babae, napatingin ako sa lalaking light blonde ang buhok, naka-scarf na itim at naka-uniporme. Hindi matanggal ang paningin ko sa kanya hanggang sa nahuli niya akong nakatingin, dun lang ako nagising at lumapit sakin ang kasama niya

"Hi miss, Engineering ka?" tanong nito na di namam nakakatakot ang itsura, Umiling lang ako bilang sagot.

Magsasalita pa sana ito kaso dumating na ang tao sa co-op at pinapasok ako para bumili ng uniporme

Sa first day ko, inikot ko lang ang buong university at ang huling stop ko ay ang track field may mga runners na nagpa-practice sa harapan ko at sa katabi naman nila ay may nagbabaton.

Sinipulan ako ng naka-black na nagpa-practice, kinakantiyawan naman ako ng iba niyang kasama kung libre daw ba ako, at kung anong kulay ng underwear ko hindi ko 'to pinansin dahil alam kong ito ay isa sa mga problema ng bansa, ang mga gunggong na walang ginawa kundi mangbastos ng babae.

Magsisimula na ako lumakad paalis pero nakita ko ang pamilyar na mukha ng babae, kinuha nya ang baton na hawak ng babae at nanlaki ang mga mata ko ng ihampas niya ito sa lalaki.

"Bastos ka! alam mo bang hindi lang yan ang kaya kong gawin sa'yo? kaya kong putulin ang mga paa mo para di ka na makatakbo uli" sigaw neto sa lalaking hinampas niya, tiningnan niya pa ang mga kasama nito.

"Ano gusto niyo rin bang mahampas, o gusto niyong maputulan ng mga paa?" lumayo ang mga ito at tumakbo

"Ano uulit ka pa ba?" tanong nito sa lalaking nasa sahig at akmang hahampasin uli

"h-hindi na, hindi na" ngiwing sagot nito, halatang masakit ang ginawa ng babae sa kanya kasi nadugo ang ulo nito.

"magkita tayo sa guidance kasama yang mga gunggong mong team mates" tugon nito at ibinalik ang baton sa babaeng kinuhanan nito, masama niya akong tiningnan.

"sumama ka sakin" plain na sabi niya at nagsimulang lumakad.

Sumunod ako rito at nasa loob na kami ng guidance kasama ang mga 'gunggong'

Di pa naguumpisa ang klase ko, may kaso na agad ako sa guidance office, nakailang bugtong hininga na ako

"GUEVARRA! DI KA NA NATUTO SIMULA HIGHSCHOOL KAYO NA NG TEAMMATES MO ANG DINIDISIPLINA KO AT PATI BA NAMAN PAGLIPAT KO SA COLLEGE DEPARTMENT KAYO PA RIN?" sigaw ng matabang counselor sa nakaitim na lalaki na Guevarra ang apilido lahat sila ay nakayuko

"Ms. Nathalie Rakes? Ano po ba ang gusto niyong mangyari sa kanila?" malambing at nakangiting tanong ni Mrs. Roa na counselor

"Well, I think it's better to suspend them and cancel their competition in track and field." simpleng sagot nito

"ANO? MRS. ROA, BAKIT SIYA ANG TINATANONG NIYO DAHIL BA ANAK SIYA NG DEAN???" medyo galit at frustrated na sabi ni Guevarra

So, etong babaeng katabi ko na si Nathalie ay anak ng dean ng school na 'to? kaya pala malakas ang loob niyang manghampas at magtungo sa guidance, nakakatakot siya to be honest.

"Apologize to her and sa lahat ng nabastos niyo at baka magbago pa ang parusang maisip ko" sabi nito

Tumayo ang mga lalaki at humarap sakin at nag-sorry, tumayo na rin si Nathalie

"Ok, gusto ko kayo pumasok ng naka-boxer. 1 week. bawal magdala ng extra damit" she smirked, parang tuwang tuwa sa ideya niya.

Lumabas kami ng office at dun lang ako nakahinga ng ayos, sumusunod lang ako sa kanya na parang aso

"Do you remember me?" tanong niya at tinignan ako

"pamilyar lang pero--" di niya ko pinatapos

"I slightly bullied you in the poolside 2 years ago, I'm sorry about that. shit happens" sincere na paghingi niya ng sorry, saka ko naalala yung natapunan ko ng iced tea! tsaka yung lalaking sumalo sakin.

"Nakalimutan ko na nga yun e" sabi ko at ngumiti sa kanya, pero para mas maganda yung aura niya kesa noong 2 years ago.

Napadpad kami sa mukhang cafeteria unti lang ang tao, sa dulo ay may grupo ng magkakaibigan. May isang magandang babae sa grupo mukhang fashionista at model nakita ko na ata siya magazine, Yung apat na lalaki ay yung nakita ko sa labas ng co-op office.

Nang makalapit kami ay tumigil sila sa paghaharutan except sa lalaking nakatinginan ko kanina, naka-earphones 'to at walang pake sakin.

"Walangya Nathalie first day na first day nagpa-guidance ka" tawa ng lalaking naka-braces at hindi naka-uniform, siya yung nagtanong sakin kanina kung sa engineering department ba ako

"Bat di ka naka-uniform?" Tanong ni Nathalie

"Engineering department po ako mademoiselle, wala kaming uniform cause we're cool" sabi nito at itinaas ang kilay

"Oo nga pala, eto si---" tumigil siya at tumingin sakin, nagets ko namang di niya alam ang pangalan ko

"Lei, Lei na lang ang itawag niyo sakin" sabi ko at ngumiti

"So eto si Blaze, Accounting department siya at eto naman ang girlfriend niya na si Sur ikaw na lang bahala i-find out ang tunay niyang pangalan, nasa tourism department siya" si Blaze ay kulot at mukha talaga siyang matalino, etong si Sur ay mukhang maldita na mukhang mabait ewan

"Eto naman si Achilles, Engineering Department"

"Achi na lang Lei" sabi nito at kita ang mga ngipin niyang naka-braces nakaka-goodvibes ang taong ito nafifeel ko

"Eto naman si Art, Political Science ang kinukuha" turo niya sa lalaking singkit at mapanga feel kong siya ang pinaka matangkad sa grupo, tiningnan niya lang ako habang nakangiti sa akin.

"I'm Nathalie, Literature" pakilala naman ni Nathalie sa sarili, at ang huli niyang pinakilala ay ang lalaking naka-headset

"At yang kumag na yan ay si Zeke madalas siyang topakin minsan nangangausap madalas hindi" sabi nito na mukha inis binato niya ito ng hairclip na gamit ni Sur

Tinanggal niya naman ang headset pero tiningnan niya lang kami, ooooh that was cold, wala siguro siya sa mood tumingin siya sakin at tipid akong ngumiti pero di niya ako nginitian pabalik, kaya tumingin na lang ako kay Achi na sige ang daldal tungkol sa bakasyon niya sa Hawaii, Iniikot ko ang mata ko sa kanila nang magtama ang mata namin nung Art. Nakatingin lang ito sa akin para bang binabasa ako. Kaya nginitian ko siya para ma-realize niya na nakakakaba ang tingin niya sakin. 

gusto ko lang magkaroon ng matiwasay at masayang college life, magandang simula at sana makasama ko sila hanggang huli katulad nila Ivan, Daile, Sheyn at Nico.

I want great changes

Kismet [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon