CASS POV
"Are you sure?" Garnett was offering me a ride which I declined.
"May dadaanan pa kasi ako."
He sigh. "Okay."
Umalis na ako sa tinuluyan naming resthouse na pagmamay-ari nila. Actually, kasama namin ang buong team sa pagpunta roon. Kahapon pa sana ang alis namin kaso nagka aberya at kinailangan naming tapusin kundi wala kaming ip-present bukas sa meeting ng mga head of offices at dahil personal secretary na ako ngayon ni Garnett, nagsilbi akong anino niya.
Namiss ko masyado ang kambal. First-time kong mawalay sa tabi nila ng dalawang araw. Gusto kong ma guilty dahil feeling ko na abandona ko sila pero sabi ng konsensiya ko, tama lang ang ginawa kong bigyan ng sariling oras ang mag-ama.
Mag-ama.
I inhale sharply. Alam kong inalagaan ng maayos ni Dash ang kambal. Pero paano kung palabas niya lang ang lahat ng ito? Ugh! Erase! Paranoid lang ako masyado. Kung may galit man siya sakin hanggang ngayon siguro naman di siya mandadamay ng dalawang inosenting bata. Dalawang inosenting bata na anak niya.
Pumunta muna ako sa mall para bumili ng mga lulutuin para sa selebrasyon bukas. At siyempre pa, ang inaasam ng dalawa na remote car.
This is the twins first time to celebrate their birthday together with Dash. At kahit may issue pa kami sa ama nila walang pagsidlan ang saya na nadarama ko sa kaalamang masaya ang kambal dahil kilala na nila ang ama nila.
I know I made the right decision.
Dumiretso na ako pauwi pagkatapos kong bilhin ang mga kakailanganin bukas.
10:30pm na ako dumating. Buti gising pa ang isa sa tauhan ni Dash kaya nakapasok ako agad.
I made my way to the front door.
"Ba't ngayon ka lang?"
Napatalon at napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat.
"Supposedly, kahapon pa dapat ang uwi mo. Ba't ngayon ka lang?" Sabi niya na may halong pang-aakusa.
Ang kusina lang ang may ilaw kaya di ko masyado kita ang mukha niya dahil nakatalikod siya dito.
But I can sense his irritation and that made me anxious and guilty. Yung feeling na nahuli ka ng parents mo na walang paalam na gumala at madaling araw na nakauwi.
"It's none of your business." Gusto ko sanang sabihin but instead, "Sorry may aberya kasing nangyari. Err... Kumusta ang kambal?"
"They're fine." Mabilis na sagot nito.
"Okay... Umh sige, ilalagay ko muna 'tong mga binili ko sa kusina." With that I hurriedly goes into the kitchen wanting to walk away from him.
But to my dismay, sumunod siya sakin sa kusina.
"Why didn't you tell me bukas na ang birthday ng kambal?"
I gulp. Unti-unti akong humarap sa kanya fidgeting. "Err.. Akala ko alam mo na." Dang! Gusto ko batukan sarili ko.
Tinaasan lang niya ako ng kilay. Tapos dumako tingin niya sa mga pinamili ko. Tumalikod na ako sa kanya para ilagay ang mga ingredients sa fridge. Medyo dumukwang ako ng kunti para maiayos ang pagkakalagay ko ng mga pinamili ko sa loob ng fridge. Kukunin ko na sana ulit ang huling shopping bag kaya tumuwid ako ng ayos para lang matulos ako sa kinatatayuan ko ng maramdaman ko siya sa likuran ko. I stood still. Di ko man lang napansin na nakalapit na pala siya akin. Alam ko kahit nakatalikod ako sa kanya ga hibla lang ang distances namin.
Then I shiver! At di ko alam kung dahil ba iyon sa init na nanggagaling sa katawan niya sa likuran ko o sa lamig na ibinubuga ng refrigerator na nasa harapan."Anong lulutuin mo para bukas?" He whisper. His breath fanning in my ear and neck while he spoke. I close my eyes involuntarily at mas napahigpit ang hawak ko sa pinto ng refrigerator.
I gulp. "Fried chicken paborito nila." I can feel he were smirking behind my back. Medyo malayo ata ang naisagot ko sa tanong niya.
I stiffen ng inabot niya ang kamay ko na nakahawak sa handle ng pinto ng fridge at dahan-dahan niyang isinara. And I know how cliche it is pero naramdaman ko ang boltahe ng kuryenteng nananalaytay nung hinawakan niya ako. As far as I remember ngayon lang ata niya ulit ako nahawakan! For 5 long years! At Dahil nakaharang ang katawan ko, umusog ako ng kunti para maisarado niya ang pinto, which obviously is a mistake! I even stiffen more ng lumapat ang likod ko sa harapan niya. Hawak nga lang niya nenenerbyos na ako buong katawan ko pa kaya?
Siguro sa sobrang tuod ko sa mga oras na iyon alam ko pwede na akong mag apply na gwardiya sa statue ni Jose Rizal sa Luneta Park!
Ramdam ko ang malakas na pag pintig ng puso ko. I didn't dare move. Natatakot ako kumilos, I'm afraid my body will betray me.
And he stood still too.
None of us dare move.
Pareho ata kaming nagpapakiramdaman sa isa't-isa.
Pareho din kaming napatalon sa gulat ng may parang nahulog na bagay sa likuran namin. God! Magkaka sakit ako sa pamamahay na ito. Palagi nalang ba nanggugulat mga tao rito?
Para kaming binuhusan ng malamig na yelo ng makitang nakatayo doon ang driver ni Dash. Katulad namin mukhang gulat din siya. Para lang kaming sumali sa ice bucket challenge nito.
Nag-aalangang napakamot ang siya at kinuha ang nahulog na bagay sa sahig na sa kanya pala galing. "Sorry po sir. K-kunin ko lang po sana iyong.. iyong ano po-"
"Then kunin mo na. Nakakaistorbo ka sa loving-loving namin!" He snapped.
My eyes bulge! Hano raw?! At wala ng maipupula pa sa mukha ko sa mga oras na iyon.
BINABASA MO ANG
SHE IS THE PAYMENT
General FictionSomeone knocks into my room harshly kaya pagbukas ko ng pinto ay mahigpit akong napakapit sa knob nito ng mapagbuksan ko si Dash na amoy alak. "What are you d-doing here Dash?" Nauutal kong sabi sa kanya. Napaatras ako ng humakbang siya papasok. He...