32nd Purchase

18K 409 68
                                    

CASS POV

"Dash! Stop it!" Pigil ko kay Dash kahit huli na. Nasuntok na niya ang foreigner.

Kabadong napatingin ako kay Dash ng bumawi nang suntok ang kalaban. Mabuti nalang nakaatras siya kunti at naiwasan ang parating na suntok nito.

Hindi man gaanong matangkad ang foreigner pero well built rin eto katulad ni Dash.

Mali man, hinihila ako ng paa ko papunta kay Dash para saklolohan siya, hanggang sa hindi ko na namalayan na humahakbang na pala ako papunta sa kanila na para bang akmang aawatin sila ngunit naunahan ako ng takbo ng kambal.

Napadilat ako sa gulat nung nakita ang gagawin ng dalawa. "Vladimir! Lance!" Magkaundagagang sigaw ko sa kambal.

But it was a wrong move!

Gulat na lumingon si Dash sa likod niya na para bang nahihinuha na niyang susugod ang kambal para resbakan siya, kaya naman di na niya nagawang iwisan ang pangatlong suntok nung foreigner.

Mabuti nalang dumating ang gwardiya at ibang mga concern citizens at napigilan ang dalawa.

Pero di nagpapigil ang kambal.

"Isusumbong kita kay mama! Inaaway mo dada namin!" Hiyaw ni Vlad sabay suntok sa hita ng foreigner.

Kumakalas si Dash habang tinatawag si Vladi para sana pigilan eto ngunit di siya makawala sa higpit ng hawak ng dalawang lalaki sa kanya.

"Bad ka! Bad ka! You hurt my dad!" Sigaw naman ni Lance habang nakayapos sa isang hita ni Dash at hindi maipinta ang mukha kung iiyak ba eto sa inis at galit.

At parang dun lang napansin ni Dash si Lance na mahigpit palang nakakapit sa kanya kaya kumalma eto.

"It's ok Lance, dada's not hurt." He reassures Lance.

Dun naman tumingala si Lance at may namumuo ng luha.

I quickly grab my robe at pinuntahan si Vladimir bago kunin si Lance at iupo sa malapit na bench doon.

Hindi nagtaggal humupa rin ang init ng ulo ng dalawa at di na pumapalag sa pagkakahawak sa mga taong nagpigil sa kanila kaya naman they let the two guys go.

Dali-daling tumayo sa pagkakaupo sa bench ang kambal para salubingin ang dada nila, at dahil di nila abot ang upuan, para silang tumalon kung titingnan.

Mabuti nakatingin si Dash sakin bago paman siya nasugod ng yakap ng kambal.

Pero bago paman magyakapan ang mag-ama, nagsalita ako.

"Sa kwarto." Pinal na pagkakasabi ko at tumalikod na at dire-diretsong naglakad papunta sa room na ni rentahan namin. Di ko na narinig ang binigkas nitong, "lagot na!"

Pero bago iyon, di ko nakalimutang hingin ang first aid kit na provided ng hotel.

DASH POV

"Kanina pa ako dakdak ng dakdak dito, ngisi lang ang isasagot mo?!"

Sadly, di ako sure kung ano ang isasagot ko sa kanya. Naririnig ko naman mga pinagsasabi niya kaso walang rumerehistro sa utak ko.

Well, I'm not that stupid! Distracted will be the right word.
If ever kung kayo nasa posisyon ko ngayon, yung nakatingala lang ako kay Cassidy, tapos yung boobs niya malapit lang sa mukha ko, tapos yung pisngi pa niya kitang kita ko ang pamumula, damn! Paano ako makakapag-isip?

I am awed by her beauty, lalo na ngayon. She's seething infront of me and It's kinda hot.

"Pag di mo inalis iyang pagkakangiti mo, ako mismo bubura niyan!"

"By kissing me?" I taunted.

"Ah! aw!" Napangiwi ako ng diinan niya ang paglalagay ng yelo sa pisngi ko.

Narinig ko ang hagikgik ng kambal.

And just like that, binalingan ni Cassidy ang kambal by turning around na nakapamewang giving me access to scan freely her bumper.

Phew! Buti nalang na divert na ang atensiyon niya sa dalawa. I am saved!

Ang hirap pala pag nasa hotseat!

"At kayong dalawa, alam niyo ba na mali ang ginawa niyo kanina?"

"Sorry mama. Reresbakan lang naman namin sana si Dada." Naka pout na sabi ni Vladimir.

"Your mama is right buddies. Di niyo dapat ginawa yon okay? Tuturuan muna kayo ni Dada ng fighting skills--"

"Argh!" Napasabunot ng buhok si Cassidy sabay baling sakin.

"What?" Inosenting tanong ko.

"Noon, dalawa lang nagbibigay ng sakit ng ulo ko tapos ngayon dumagdag ka pa?"

I pout. "Ano bang ginawa kong mali?"

Tiningnan lang niya ako tapos napatingin rin sa kambal na naka nguso rin pala.

"So help me God! Mag-ama nga kayo!" Napahilamos si Cassidy sa inis.

"This conversation is over. Kakain muna ako sa baba. Ginutom niyo ako. Dito muna kayo kasama dada niyo, okay?" Instruct ni Cassidy sa kambal.

Tapos napatingin rin ang kambal sa gawi ko and I nod.

I smile inwardly. Di lang pala ako ang possessive kay Cassidy kundi pati sila.

Aware rin sila na maraming humahanga sa mama nila kaya, we made a promise noong first bonding namin sa beach, na hindi dapat hahayaang mapag-isa ang mama nila pag nasa public places.

"Kakain din ako. At gutom rin ang kambal. Gusto nilang uminom ng dutchmill sa baba."

Manghang napatingin siya sa kambal at dumukwang para i-baby talk ang dalawa.
"Pero kapapakain ko lang sa inyo ah. Hindi pa ba nabusog ang B1 at B2 ko?" Napahagikhik ang kambal dahil hinalik-halikan ni Cassidy ang kili-kili nila isa-isa.

I can't help pero napatawa rin ako. Nakakahawa ang tawa ng kambal.

And it was moments like this, and hopefully, many more upcoming moments like this with them, na talagang masasabi kong kuntento na ako sa buhay ko.

I am inlove with these three persons way more than I love myself.

"C'mon guys, let's head out at ng makakain na tayo para magkaroon naman kayo ng energy para sa pagpunta natin sa Underground River."

At pagkasabi ko nun, inunahan na nila akong lumabas ng silid.

But they abruptly stop in mid stride at lumingon sakin. "Bilis dada! Ang bagal mo maglakad." Vladimir said and giggles pero he extend both his hands para magpakarga.

I chuckles. "Oh? I thought mabagal ako maglakad?" But nonetheless, kinarga ko siya.

"Ako rin dada" Pangagaya rin ni Lance.

"C'mon sakin ka muna magpakarga Lance. Masakit ang katawan ng dada niyo dahil kanina."

At nakita ko ang concern sa boses ni Cassidy.

And I know deep in my heart it was genuine.

And with that, nakapagdesisyon na ako kung ano ang una kong gagawin pagbalik namin sa Manila.

SHE IS THE PAYMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon