DASH POV (Part 1)
"Nabuhay ko sila ng limang taong wala ang presensya mo! At mabubuhay kami sa darating pang mga panahon na wala ka."
Right after she said those words, I feel numb. I think I deserve those harsh words. I am expecting it from her pero nung sinabi na niya galing mismo sa bibig niya, it hurts more than I can ever imagine.
She turn her back to me pero napatigil ulit eto "Sa lahat ng pinagdaanan ko sa loob ng limang taon na yun, you don't have any idea ano-ano ang mga nagbago" Makabuluhan niyang sabi and walk away from me.
I've already consumed two bottles of the strongest rum I found in the mini bar. Just thinking those words felt like my heart were stabbed literally. Madami akong tanong, gusto ko alamin lahat kung ano yung mga nagbago? Did she found another man? Are they're already married? Did the last name na ginagamit ng twins we're from that I-dont-know-what's-the-name-of-the-man!
Her words keep haunting me for already damn two weeks now!
And that two freaking long weeks ay hindi ko nakita ang mag-ina ko. Damn! Matatanggal na ata lahat ng buhok ko sa kahihila nito dahil sa frustration! Gusto ko na sila ulit makita.
I put my glass aside at kinuha ko na mismo ang rum at tinungga.
I felt useless, stupid, irresponsible jerk.
Useless, dahil limang taon ko silang napabayaan pero ano? Sa lahat ba naman ng pagkakataon at paraan para makita ko si Cassidy eh kinakailangan pang mabundol ng driver ang anak ko! God knows I was looking for her the whole five years. Five fucking long years. I had money and resources but what? It took me Five?! At dahil pa sa isang aksidente?
Stupid, dahil sa pangit na paraan na ipinakita ko kay Cassidy sa ospital.
At Irresponsible jerk because It was my decision na pangit ang paraan na ipapakita ko sa kanya nung nasa ospital kami. I choose to be hard on her. I decided na sa ganoong paraan ko siya papatunguhan. Hindi dahil sa galit parin ako sa kanya dahil sa mga pangyayari sa nakaraan kundi dahil sa gulat, takot at pag-aalinlangan. Pero mas nangingibabaw ang takot. It was my freaking first time to be that nervous! And to be honest I dont know how to handle it so I choose the immature way. And that's blackmailing her.
At dahil dun gusto kong Iuntog sa pinakamatigas na bagay ang ulo ko.
Seconds later my head hurts. Hindi ko namalayang ginawa ko talaga ang naisip ko kanina.
I feel a hand on my shoulder. I sighed. Napapansin kong ang pagbubuntong-hininga na ata ang pinaka madalas kong gawin this past week.
"Hindi lang si Cassidy ang napabayaan ko sa limang taon na yun. Including my two sons! Dalawa!" I even made a number two sign when I face them.
Somebody who knows me as a cold businessman would really laugh at me now. I was here in my mini bar looking for comfort.
I am a mess right now infront of my three men. James, my personal assistant. Ethan, the secretary. And Luke the driver. And they happened to be my bodyguards too. Everybody would think na kuripot ako. But mind you, hindi ko sasabihin magkano sinesweldo ko sa kanila.
They just let me pour my hearts out for almost one week now. Sa totoo lang we didn't had the chance to talk like this before, really. I was cold and distant to everyone I know and they we're not an exception.
Last week nagulat nalang ako nung umupo sila bigla sa mini bar. Bubulyawan ko na sana sila pero hindi ko nagawa nung pinakita ni Luke ang isang address. Kasunod nun ang picture ng mag-ina ko.
"Do you think it's about time boss?" Ethan.
"Malapit na po matapos ang pinapagawang bahay nyo sir. Finishing na po ang kulang. Pwede na po ninyo silang sunduin." James.
BINABASA MO ANG
SHE IS THE PAYMENT
Aktuelle LiteraturSomeone knocks into my room harshly kaya pagbukas ko ng pinto ay mahigpit akong napakapit sa knob nito ng mapagbuksan ko si Dash na amoy alak. "What are you d-doing here Dash?" Nauutal kong sabi sa kanya. Napaatras ako ng humakbang siya papasok. He...