13th Purchase

18.1K 374 6
                                    

"Sir nandito na po ang Daddy niyo and Monique's on her way. You need to be already here sir" sabi ni James sa kabilang linya.

I hate to leave my family there but I had to. We had a "little celebration". A party kung saan ipakikilala ni Dad officially ang ika tatlong mistress nito. I need to be there not because I wanted to. Heck! I dont want to see them. Kung alam lang nila kung gaano ko sila gustong tirisin dalawa. Nasusuka ako sa kanilang PDA. My father should know na pera lang habol sa kanya ng isang kaka debut pa lang na dalagita! Goodness! Mas matanda pa si Monique sa babaeng yun! At kung alam lang ni Dad na ginapang ako once ng mistress niya! Jeez! I swear nanindig balahibo ko ng magising ako isang gabi na may humihipo sa braso ko. Trust me I almost want to wring her neck at ibalibag sa nakabukas na bintana! Pero kung malaman man ni dad ang eksenang ginawa ng mistress niya I wouldnt be surprise na ang babaeng gold digger ang papanigan niya! Love is blind ika nga, but for them malamang Lust is blind.

Kung di lang dahil nandun si Monique hinding-hindi ako pupunta dun. I will support her sa gagawin niyang pagtutol. Hindi ko tipo ang gagawin niyang mga eksena mamaya but I need to be there to protect her. Lumaki siya na may pagka bitch pa naman. Ang dami nga niyang kaaway dahil dito.

I look at the close door one last time, sighed and started the engine.

CASSIDY POV

"I LOVE YOU DASH" Sabi ko habang hinihingal na nakapatong sa ibabaw niya. I collapsed onto his warm sweat body after our hot and intimate moment in his bed. I feel him stiffening. I even notice that he stops breathing. And then in next seconds I just realize he was shoving me away from him. And it almost break my heart nung narinig kong sinabi niyang he want me to leave the room immediately. Hindi ako makatingin sa kanya habang pinupulot ang mga saplot na nagkalat sa sahig. I was still In a dazed. Bakit ko ba kasi sinabi sa kanya ang mga katagang yun? Perfect na sana eh. Yung ramdam mo na parehong gusto ng mga katawan namin ang nagaganap. We were inseparable in bed. Hindi man namin sinasabi sa isat-isa but we know we were already comfortable with each other in doing those things na ginagawa ng mga couples. Namalayan ko nalang na tumulo ang luha ko. I realize ang sakit pala kung katawan lang ang habol sayo ng taong mahal mo, nakakahiya! Hindi ko alam paano ko nagawang lumabas ng room na yun.

Then it was like a movie na naiba ang scene at napunta ako sa scenario na kumakalat yung video ko. Nanariwa lahat ng sakit. Yung sakit na tila hindi ka makahinga.

And then I open my eyes. Naririnig ko ang pagtawag ni Lance. I look at him in awe. He's a light sleeper at siya madalas gumigising sakin. And I'm proud of him for that. Hindi katulad ng kambal nito na tulog mantika. Dont misunderstood me, pareho kong mahal ang dalawa at pareho kong mahal ang mga opposite nilang katangian. Nang tila nakapag concentrate na ako sa paligid, bigla ako natauhan. Ang ingay sa labas at ang pagyugyug ng malakas sakin ni Lance ang nakapagpa aware sakin.

"Mama! Sabi nung kapitbahay natin may sunog!"

As soon as his words enters into my system napabalikwas ako ng bangon.

DASH POV

"Kuya! I'm glad you showed up! Kala ko di mo na ako susuportahan saking little show ngayon" naka pout niyang sabi habang nakapulupot ang dalawa niyang kamay sa leeg ko habang naka lagay ang kamay ko sa magkabilang bewang nito. Kung may hindi nakakakilala samin malamang pagkakamalan kaming love birds.

I smirk. "Papalampasin ko ba naman ang importanteng gabi na tu?" Sarcastic kong sagot.

"Yeah! Right!" She giggles like a teen age girl but cut off ng dumating ang isang pares na couple na inaabangan talaga namin.

"Oh! speak of the devil and surely he will appear" Bulong ni Monique sa tenga ko. I smile secretly.

"Hi guys! Im glad youre both here!" Plastic na bati ng mistress ng Dad namin. And motion na makipag beso samin. But as bitchy as Monique is, she snob it. At mukhang hindi naman nahiya ang pobreng dalagita.

SHE IS THE PAYMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon