Ang ingay ng paligid ang nakapagpa gising sakin. Inaantok pa ako, hindi ako nakatulog agad kagabi pagkatapos kong mapanaginipan ang ama ng kambal ko. Napapapikit pa akong tumingin sa maliit na orasan.
6:30am?
Oh no!
Dali-dali akong bumangon at ginising ang kambal. Alas 8:00 ang pasok nila sa Day Care--na laking tuwa ko lang na nakapag Day Care na sila para naman makapagta-trabaho na ako ng maayos knowing na may magbabantay sa kanila kahit half day lang.
4 na taon na ang kambal pero matatalino sila at sa tingin ko mas mature sila sa mga bata na ka edad lang nila.
Nagluluto ako sabay tingin maya't maya sa kambal na sabay naliligo. Isang maliit lang na kwarto ang nirerentahan ko. Walang division iyon dahil mas magpapasikip lang yun. Sa kabilang side nandun ang medyo makapal-kapal na foam na nasa sahig lang. Sa paanan malapit nun, ay ang CR.
"Mama!" rinig kong sigaw ni Lancelot.
Dinig na dinig ko ang sigaw niya dahil iniwan ko ang pinto ng CR na nakabukas. Pagharap ko nakita kong sinasabuyan ng tubig ni Vladimir ang kambal nito.
"Vladimir!" Sita ko sa kanya.
"Siya po nauna mama! Ayaw kasi niya po ako pansinin" Mabilis na turo niya kay Lancelot.
I sigh. Papaliguan ko talaga sila kung ayaw kong mas ma late ako sa trabaho ko.
"Magso-sorry ka o hindi?" Malumanay na sabi ko sa kanya habang sinasabonan ko na siya.
"Hindi po mama" kalmado na sabi nito.
"Ah okay. So si Lance lang ang bibilhan ko ng Mcdo pagkasweldo ko mamaya"
"Di mo na ako love mama?" naka pout na sabi nito na halatang nagpapacute.
"Love ko kayo, kaso may kasalanan ka sa kapatid mo kaya siya lang bibilhan ko ng Mcdo, ayaw mo namang mag sorry diba?"
He sighs. May sasabihin sana ito ng pinutol ni Lance.
"Mama kahit di na mag sorry si kuya Vlad, kami po dalawa bilhan mo ng Mcdo, hindi ko naman maeenjoy kung di kami sabay kumain eh"
Tumingin ako kay Vladimir. Nakita kung ngumiti ito sa kambal. Yung ngiti na may halong pagmamahal.
"Thank you Lance" at niyakap ang kapatid. "Pero di ako magso-sorry sayo" and he even smirks.
"Vladi!" i warn him
"hindi po muna ako magso-sorry mama, kukulitin ko pa po siya mamaya kaya mamayang gabi nalang ako magso-sorry, iipunin ko pa po" pilyong sagot nito
I just shook my head with his no-where-to-be-found ideas.
Si Vladimir ang opposite kay Lancelot. Ubod ng kulit si Vladimir at ubod naman ng pagka seryoso si Lance. Si Vladimir ang short tempered habang si Lance ang snober type. Kaya siya kinukulit ni Vladimir kasi hindi ito nagsasalita and in that way too, papansinin ni Lance ang attention seeker na kambal nito.
Pagkatapos namin sa mga morning rituals we're heading to the school, ihahatid ko sila bago ako pupunta sa pinagtatrabahoan ko ngayon.
PAGDATING namin sa school ng kambal sakto namang pagdating ng Teacher nila, si Teacher Grace. Ang kaisa-isang kaibigan ko.
"Good morning tita ganda!" Sabay na bati ng kambal.
"Ayy! Kaya ko kayo favorite na pamangkin eh!"
"Wala naman po kayong ibang pamangkin maliban samin tita eh" singit ni Vladimir.
"Oo nga. Kaya nga kayo yung favorite ko kasi wala akong choice diba?" She said to the twins in a duh tone. Pinisil pa niya ang pisngi ng dalawa. "Sige na punta na kayo sa room"
BINABASA MO ANG
SHE IS THE PAYMENT
Ficção GeralSomeone knocks into my room harshly kaya pagbukas ko ng pinto ay mahigpit akong napakapit sa knob nito ng mapagbuksan ko si Dash na amoy alak. "What are you d-doing here Dash?" Nauutal kong sabi sa kanya. Napaatras ako ng humakbang siya papasok. He...