"Let's talk."
Kalalagay lang ni Dash kay Vladimir sa magiging kama niya when I approach him.
"Sure thing" Sagot niya habang nakatingin sa natutulog na pigura ng dalawa. "Follow me" This time tumingin na siya sakin before exiting the room.
"By the way this is my house. Dito ta- I mean kayo titira." Naglalakad kami ngayon sa hallway.
"I figured." Matipid kong sagot.
Nakasunod lang ako sa kanya. I had the full view of his back and I must admit mas matikas ang pangangatawan niya ngayon, but not the bulky type though. I wonder kung nagg-gym ba siya araw-araw.
He leads me to a massive bedroom, which I assume is the master's bedroom.
"I prefer na sa living room tayo mag-uusap." Sabi ko sa kanya habang tuloy-tuloy lang siya sa loob at pumasok sa isang walk-in closet. Maya-maya lumabas siya dun and hands me some clothes. "Pinapakuha ko pa ang mga gamit nyo."
Tiningnan ko ito. It was his old PE tshirt and a boxer short. Kinuha ko na iyon at tumalikod patungo sa livingroom. I can sense he was following me kaya binilisan ko pa ang lakad. All I really wanted at that moment eh ang masabi ko ang gusto kong sabihin sa kanya. I wanna retire to bed ng makapagpahinga na, nakaka stress masyado ang presensiya niya!
I may hate this idea of mine right now but this is what I see is the right thing to do, not for me but for the twins.
When we arrive, hinarap ko siya agad. "I wanted to talk about the twins, about this whole situation, about u-us." I stuttered. Di ako makatingin sa kanya when I spoke the last words.
He nods then motion me to sit down but I decline. "No need. This will be quick-" I inhaled loudly. "-Ipakikilala kita sa kambal.-" I purposely stop at tumingin sa kanya, bigla siyang natigilan, then nung mukhang na sink-in na sa utak niya ang sinabi ko he gasp. His face screams relief and happiness. He try to speak pero I signaled him to stop and I continue talking. "Ipakikilala kita di dahil karapatan mo iyon bilang ama nila-" I crinkle my nose a little disgusted sa word na AMA "-kundi dahil karapatan iyon ng kambal. They deserve all the rights as an Evangelista." I spat. Hindi ko man direktahang sinabi na karapatan ng kambal na magkaroon ng ama pero it was the closest sentence na naisip ko. Atleast in that way meron pa din akong pride na natitira.
"I don't care. Just the thought of them knowing that I am their father already mean so much to me." Seryuso niyang sabi. May galak pa rin ang mukha niya pero di na iyon kagaya kanina.
"Pero ako ang magsasabi kung kailan dapat sabihan ang kambal about this."
He smiles. "No problem with me"
"And one more thing." Mas pina yelo ko pa ang tinig ko pagkasabi ko nun.
He swallows first. "What is it?" He nervously ask.
"May karapatan ka sa kambal. Pero wala kang karapatan sakin." Di ko na hinintay ang sasabihin niya at nagsimulang lumakad.
Pero di pa man ako nakaka dalawang hakbang he calls me.
"Cassie." He calls my name in a way na hirap na hirap siyang bigkasin ang pangalan ko.
I just stood there with my back facing him. Nung na realize niyang hindi ako haharap he spoke with so much heartbreak.
"Please... Don't let our wicked past ruins the sunshine in you."
Napabuntong hininga ako to calm myself. How dare him! How dare him speak to me like he's not the one who broke me years ago! Hindi ko alam kung ano dapat ang reaction na ipapakita ko sa kanya. But one thing is for sure ang kapal ng mukha niya!
I slowly face him. I mask my hatred with my cold stares again.
"Kasasabi ko lang di ba? Walang pakialamanan!"
"Sorry I just-"
But I cut him again. "Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo." Sabi ko sa kanya na puno ng sarcasm. It's obviously a one sided agreement but who the hell cares!
Mabilis akong tumalikod at pumunta sa direksyon sa kwarto ng kambal. Ugh! Feeling ko drain na drain ako emotionally and physically!
Oh! How can Cassidy be so HEARTLESS?!
NP. HEARTLESS by The Fray
BINABASA MO ANG
SHE IS THE PAYMENT
Genel KurguSomeone knocks into my room harshly kaya pagbukas ko ng pinto ay mahigpit akong napakapit sa knob nito ng mapagbuksan ko si Dash na amoy alak. "What are you d-doing here Dash?" Nauutal kong sabi sa kanya. Napaatras ako ng humakbang siya papasok. He...