Paglabas ko ng building ng SMent, naglakad ako pauwi. Wala akong dalang pera kundi 16800 Won or kung sa dollars, $15. Malapit lang din naman ang bahay namin dito, siguro mga 25-30 minutes na lakad lang.
Malakas ang simoy na hangin. Maaliwalas ang pakiramdam dahil 9 AM palang. May mga sasakyang dumadaan at may mga taong naglalakad. Malamang sa oo eh mga nage-exercise lang tong mga to. Wala naman akong ibang choice kundi maglakad kasi kung magtataxi ako, maghihirap ako ng isang linggo. Isipin niyo nalang na NAGTITIPID ako ganon. Mas madaling sabihin kesa sa WALA AKONG PERA or HINDI NA AKO BIBIGYAN NINA MAMA AT PAPA. Pag sinabi mong nagtitipid ka, hindi masyadong nakakahiya.
Makalipas ang 15 minutes na paglalakad eh nakakita ako ng nagtitinda ng 붕어빵 [Korean Fish-shaped waffles]. Narinig ko ang pag-iyak ng sikmura ko pero di ko masyadong ininda. Nakakagutom kasi nagluluto palang yung nagtitinda kaya amoy na amoy sa kinatatayuan ko ang amoy ng bagong lutong Bungeoppang. Hindi pa ako nag-aalmusal. Umalis kasi ako ng bahay ng 6:30 tapos nakalimutan kong magluto ng almusal.
O_O OH.MY.GAS Nakalimutan kong magluto ng almusal? SYETEKANANGBATAKA! Patay na naman ako nito =="
Nakarating ako ng bahay namin ng pasado 9:30 na. Pag bukas ko ng front door eh naghubad muna ako ng sapatos. Bigla ko nalang naramdaman ang isang malakas na sampal na lumanding sa pisngi ko. Napahawak ako sa mukha ko sa sobrang sakit. Pag tingin ko....
.
.
.
Si Mama pala. Di na nakakagulat. "San ka galing?" galit niyang tanong
Yumuko ako sa kanya at sinabing "Sorry po Mama, nagpunta lang po---"
bago pa man ako matapos eh sinampal niya na ako agad. "Wala akong pakialam kung saan ka nagpunta, ang problema dito eh bakit walang almusal!?" Di ako nakasagot kaya ayun, sampal na naman "Binibigyan lang kita ng bente minutos para magkaroon ng pagkain sa mesa." pagbabanta ni Mama. Di niyo kilala ang nanay ko. Pag sinabi niyang 20 minutes, in 10 minutes dapat meron na. Sinuot ko ulit ang sapatos ko at nagtatakbo sa malapit na kainan sa amin. Medyo malayo yung kainan, mga 3 minutes na takbo rin ang ginawa ko.
Pagdating ko sa kainan eh binati ko yung nagtitinda dahil ninong ko siya. Bumili ako ng 6 na kainin worth 1100 Won each tapos 3 ulam worth 3350 each so bale ang nagastos ko eh 6600+10000=16000 Won kaya ang natirang 800 won nalang ang budget ko for a week. Wala pang one dollar. Binili ko nalang ng biscuit yung 800 Won. Hayaan mo na na wala akong pera for the week, aalis na rin naman ako bukas eh.
Tumakbo ako agad pauwi ng bahay para ihain ang pagkain. Naghanda ako ng tatlong plato, tatlong pares na chopsticks at tatlong kutsara. Kung nagtatanong kayo kung bakit tatlo, yun eh dahil tatlo SILANG kakain.
Unang nagpunta sa hapag ang kuya kong busyng-busy sa pagtetext gamit ang bago niyang handphone na kahapon lang binili. Ewan ko kung nagtetext siya pero basta may ginagawa siya sa phone niya "Alin dyan ang ulam ko?" tanong niya
BINABASA MO ANG
[HIATUS][EXO & OC] I AM EXO'S THIRTEENTH
FanficAko si Kim Chi Hoon and I AM EXO'S THIRTEENTH