" Last na to Veron, kung ayaw mo pa rin sa kanya, wala na akong maibibigay sayo, "
Kinuha ko ang folder na inilagay ni Rizalyn sa table ko, binuklat ko iyon, Larawan ng isang lalaking puno ng tatoo ang tumambad sa akin, napangiwi ako pagkakita nun, isinara kong muli ang folder at ibinalik sa kanya.
Itinaas nya ang kanyang kamay, tanda ng pagsuko.
" Ayaw ko na Veronica, ikaw na ang maghanap ng sarili mong model."
" Your fired then." sabi ko.
" Thats bullshit! Veron ang lakas ng loob mong sabihin yan porket alam mong hindi kita kayang iwan pero nauubos din ang pasensya ko, sinasabi ko sayo, wala ka ng choice kundi tanggapin sya, Next month na ang fashion show, kailangan na nating mag photo shot next week para sa catalogue, kaya sya ang kukunin kong model sa ayaw at sa gusto mo." Puno ng determinasyong sabi nya.
"Pero nakita mo naman ang katawan nya puro tatoo, mas mapapansin pa ang mga tatoo nya kaysa sa damit na imomodel nya."
" Lead vocalist sya ng sikat na sikat na international boy band sikat sila hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo, ano ka ba.?"
Halat ang iritasyon sa kanyang tono.
" Ilang milyon ang TF nya.?"
" A night with you."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Rizalyn.
" Pinagtitripan mo ba ako.?" Nakataas ang kilay na sabi ko.
"Sa palagay mo may oras pa ako para dyan, shit Veronica malapit na ngang matuyo tong pekpek ko dahil hindi na nadidiligan sa sobrang busy ko mantitrip pa ako."
"Rizalyn, yang bunganga mo." Saway ko sa kanya.
Hindi pa rin kasi ako nasasanay sa sobrang kabulgaran ng EA ko.
"Nagsasabi lang ako ng totoo, "
"Magkano nga talent fee nyan.?" Imwenestra ko ang larawan ng lalaki na nasa folder.
"Isang gabi nga sa piling mo."
"Shut up... di ba sabi mo pumayag man ako o hindi sya ang kukunin mong model, so wala na akong choice, kaya dapat alam ko kung magkano ang kailangan kung ilabas na pera, para dyan sa human canvass mo."
"Under negotiation pa, nong tinawagan ko kasi sya sabi nya, ikaw ang gusto nyang makausap, wala raw syang hihingin na kabayaran sayo na hindi mo kayang ibigay."
Doon ako kinabahan.
"That's a piece of shit, sino ba sya.?" naiinis na ako.
"Ayan ang profile nya basahin mo."
Muli kong kinuha ang folder, yung mga tatoo nya talaga ang mas napapansin ko kaysa mukha nya, halos mapuno na kasi ang buong katawan nito. Oo nga hanep ang katawan nya, sya na yata ang pinaka magandang katawan ng lalaki na nakita ko, pero hindi ko talaga ma appreciate yun kasi puno ng tatoo, kadiri lang, pero in fairness gwapo sya as in supper gwapo, and he looks familiar.
"Oh di ba natulala ka rin sa kagwapohan nya."
" Develuz Griffin,... ang sama ng pangalan parang sa demonyo,"
" demonyo talaga, demonyo sa kagwapohan at ka machohan, "
" Nationality nito,?"
Napansin ko kasi na mukhang ibang lahi ito.
" Half Pilipino, half American"
"Ibigay mo sa akin yung folder ng ibang applicant, baka may magustohan ako sa kanila." Muli ay hirit ko.
BINABASA MO ANG
I FALL IN LOVE WITH THE DEVIL
Roman d'amourAddict po ako sa Maroon 5 kaya nabuo ang kosepto ng kwentong ito. Kwento po ito kung papanong ang isang Bokalista ng isang banda ay nagmahal sa isang babae, kahit pa kalaban nya ang mundo. Si Develuz Nag mahal kay Veronica ang babaing itinuturing ny...