Chapter14= Sister's Brothers

47 0 1
                                    

(Park's P.O.V.)

"Komawo, Park Zoey.."

"Komawo, Park Zoey.."

"Komawo, Park Zoey.."

"Komawo, Park Zoey.."

"Komawo, Park Zoey.."

Dug. Dug. Dug. Dug.

WAAAAAAAHH!! Tama na!! Naloloka na ko dito! Letche! 2weeks na nakakalipas ng mangyari yun! Malapit na nga exam eh! Pero heto, lagi nalang nage-echo sa isip ko =_____= nakakabaliw.

Tapos, everytime na maiisip ko yun biglang.. Dug. Dug. Dug. Dug. Waaaaahh! Whats with me?!

Well, anyway. Nag tataka kayo kung ano ang pagtrato sakin ni Ivan matapos yon? Well, araw araw na niya ako binibwisit. Like "Hoy! Bili mo nga ko nito.", "Hoy! Libre mo ko.", "Hoy! Pakopya ng sagot.", "Hoy! Penge pagkain.", "Hoy! Kopyahin mo nga, tinatamad na ko eh."

Oha! Ganda ng tawag sakin no? HOY! Hoy there, Hoy here, Hoy everywhere! Letche!

At laking pasasalamat ko nalang ngayon at di ko siya makikita dahil Sabado ngayon! ^o^ horay!

Pero ang boring dito sa bahay. Wala akong magawa. Kaya eto, nakakulong sa kwarto kong pagkalakilaki =____= waley, nakahilata lang ako sa kama ko.

Sila Kuya? Ahhh--

*BOOOOGGSH*

Oh, ayan na pala eh.

"PARK!!" Kuya Vem/ Kuya Cem

At dahil yung ulo ko nakalitaw sa kama, basta. Yung ulo, nakalawit, like that? Just imagine it. Tinignan ko sila Kuya Kambal ng pabaliktad habang nakahiga. Eh sa pabaliktad yung paningin ko eh.

"Po?"

"Paaarrkk!!" Kuya Vem/ Kuya Cem

At nagtatatakbo sila papunta sa may kama ko =____= wiredo!

"Ano ba yon?" And umayos ako nagpagkakaupo.

"Park, nakakaboring." Kuya Cem

"Oo nga, tsaka nakakawalang gana mabuhay kapag ganto." Kuya Vem

Teka, nagtataka kayo kung bakit ko alam kung sino nagsasalita sa kanila? At kung pano ko nalalaman kung sino sila? Simple lang, pareho silang gwapo! Joke!

Kasi si Kuya Vem, blonde ang kulay ng buhok at si Kuya Cem naman, plain black lang.

Anyway. Sino mas matanda? Si Kuya November, 12seconds ang tanda kesa kay Kuya December. At bakit November and December pangalan nila? Si Papa, November ang birthday. Si Mama naman, December. Ayun. At ang pangalan ko? Ewan ko kung san nila napulot o nahalungkat -.- ayos lang, atleast may pangalan ako!

"Ahh. Ako din, nabobored eh. Teka, wala kayong date?"

At bigla naman silang napayuko. Ah! Alam na! Mga kuya ko talaga.

"Don't tell me, Kuya Vem break na kayo ni Ate Kim?"

"Park! Di naman kami nun eh! Nagdedate lang." Kuya Vem

"Aysus! So wala kayong date ngayon?"

"Wala, nagbabakasyon sila ngayon." Kuya Vem

"Ayun! Eh ikaw Kuya Cem? Wala na kayo ni Ate Maxine?"

"Park! Hindi!" Kuya Cem

"Oh! Defensive much?! Oh ano?"

"Busy siya sa school.." Kuya Cem

"Ayun! Okay!"

Ayun, humiga ulit ako. Magaling akong bata eh. At yung Kuya Kambal ko, di pa ako tinantanan, tumabi pa sila sakin. Pero nakaupo lang. Sa kanan si Kuya Vem, sa kaliwa si Kuya Cem.

I'm In Love With This Bully (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon