(Park's P.O.V)
"Claire? Claire? Claire, wake up." Ivan
At niyugyog niya si Claire. Tsss, medyo bad boy.
Anyways.. Andito na kami sa tagaytay! Wooooh!! Timecheck: 8:12am. Sakto lang!
"Baba muna tayo." sabi ko kay Ivan. Tulog mantika kasi si Claire eh.
Hahawakan ko na dapat yung pintuan ng pigilan niya ko.
"Wait!" Ivan
Then bumaba siya ng kotse. Wow? Paunahan? Pero umikot siya sa pintuan ko at binuksan.
"Baba na." Ivan
Okay? Kanina, galit yan! Buong byahe di namamansin kaya nagsoundtrip ako. Di rin kasi ako makatulog eh.
Tinignan ko lang siya.
"Bababa ka ba? O hahatakin kita pababa?" Ivan
Automatic naman na bumaba ako ng sasakyan.
"Ano bang nangyayari sayo? Ang gentleman mo naman ngayon."
Umiwas siya ng tingin. Kita mo 'to! Medyo nagblush yung mukha niya. Pffft! Bading talaga!
"H-hindi kaya." Ivan
"Anong hindi? Ikaw ha?"
"Heh! Ayaw ko lang na hawakan mo yung kotse ko!" Ivan
Then sinara niya ng malakas yung pinto at ginising si Claire. Letche! Bipolar ata talaga 'to eh! Kukutusan ko na talaga siya! Ako nabibwiset sa kanya! Sabi niya kanina, walang pansinan? Fine! Ayaw niya mamansin? Sige, patagalan kami! Bwiset siya!
Tinitigan ko siya ng masama habang panay parin ang gising kay Claire. Kung nakakapatay lang ang pagtitig, patay na siguro 'to? Nakakainis talaga siya! Kaya di kapanipaniwalang kapatid niya si Claire!
"Oy Park?" nagulat naman ako ng may biglang kumalabit sakin. Paglingon ko si Kei nanaman?
"Uh, Kei."
"Ahaha, asan gamit mo? Tulungan na kita." Kei
"Kei.."
*FLASHBACK*
"Bakit ang sweet ni Kei sayo?" Ivan
*END*
Naalala ko nanaman yung sinabi ni Ivan sakin. Bakit nga ba? Para sakin walang malisiya yun. Si Kei lang naman 'to. Pero dahil sa sinabi ni Ivan, medyo nailang na ko. Pero di dapat di ba?
"Bakit? Asan na gamit mo?" Kei
"Nasa kotse."
"Tara, kunin natin." Kei
Then sabay kami pumunta sa kotse. Andun parin si Ivan. Sumilip ako kung gising na si Claire. Buti naman gising na, inaayos lang ni Ivan yung itsura ni Claire. Gulo kasi ng buhok eh.
"Bro, gamit ni Park?" Kei
Napatingin samin yung dalawang Fernandez.
"Unnie!" Claire
Dali daling bumaba ng kotse si Claire at niyakap ako sa hita.
"Hahaha! Buti ka pa Claire, MASAYAHIN AT DI BIPOLAR! Hahaha!" sarcastic kong sabi habang nakatingin kay Ipis. Nakatingin di naman siya sakin eh. Pero inirapan nanaman ako ng bruho at tumingin kay Kei. Tsss.
"Bakit?" Ivan
"Papatulong ako sa kanya. What?"
Tinalikuran niya lang kami at sinimulang kunin yung mga gamit.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With This Bully (Ongoing)
Teen FictionMeet THE BULLY and THE AMAZON. World War III na ata kasunod kapag nagkaharap na sila FOR THE FIRST TIME. Well, may matatalo, at may tatanga tanga -____- SMALL WORLD NGA DAW KASI!! Property of Aerielle Dacanay (JopzNineteenity) © All Rights Reserved...