Chapter17= Phobia & Being me 2

45 0 0
                                    

(Ivan's P.O.V.)

Okay. Pause. Shawn. Tama, Shawn ang narinig niyo. Yan kasi kadalasang tawag sakin ng relatives ko since bata ako. Shawn. Okay. Play. Back to reality.

"H-h-hoy?" medyo naiilang kong tawag sa kanya "U-u-umiiyak k-ka ba?"

At dahan dahan kong hinawakan yung balikat niya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko! Oo nga, andami ko ng napaiyak, pero.. Si Park 'to eh!

"Park.." mahinahon kong sabi. Tapos inalog alog ko siya ng dahan dahan. "Park.."

Di nagtagal, dahan dahan naman niyang inangat yung ulo niya at tumingala sakin.

Nagulat ako lalo sa itsura niya. Ngayon ko lang napansin na nakataas yung tuhod niya sa sofa, at yung paa niya, parang di mapakali. Yung mga mata niya, puro luha at namumula dahil sa kaiiyak. Namumula pati yung ilong niya. Yung lower lip niya naman kagat kagat niya. At.. Mukha siyang.. Hindi siya si Park Zoey.

Si Park na palaban.. Si Park na di nagpapatalo.. Si Park na nakangiti kahit nabibwiset.. Si Park na amazona.. At si Park na sobrang masiyahin at.. Matapang..

Kung titignan yung itsura niya ngayon, duwag na duwag siya. Halatang takot na takot. Parang batang tinakot.. Tinakot ng mga kaibigan niya.

"I-I-I-v-va-n.." Park

Bulong niya sakin.

Sa totoo lang.. Kahit madami na akong napapaiyak na babae, ayokong nakikita silang umiiyak. Kapag may napapaiyak ako, aalis agad ako. Iiwanan kong nakahandusay yun dun. Kahit sa totoo lang, ayoko.. Ayoko sa ginagawa ko.. Hindi ako masaya sa pambubully at pagiging mayabang.

Di na ako nagdalawang isip pa at.. Niyakap ko siya.. Niyakap ko ng mahigpit si Park.

Wala akong pakelam kung magisip siya ng kung ano ngayon, basta.. Napalapit na talaga siya sakin at.. Ayokong, umiiyak din siya.. Tulad ni.. Mama..

"*hik* I-Ivan.. *hik* n-na-natatakot a-ako.." Park

Lalong napahigpit yung yakap ko sa kanya.

Nahihirapan na din siyang huminga, kakaiyak.

"Shhhhh.. Tahan na. Andito ako. Tahan na."

Humiwalay ako sa yakap at humarap sa kanya.

Hinawakan ko yung mukha niyan takot na takot at pinunasan ang basa niyang pisngi.

"Wag ka ng umiyak.. Wag ka ng matakot ha? Andito ako.. Poprotektahan kita."

Pagkatapos kong punasan yung luha niya, pinatay ko na yung TV at tinanong si Park.

"Kaya mo bang maglakad?"

At dahan dahan siyang umiling. Tuloy parin agos ng luha niya.

"H-hindi ko m-magalaw *hik* y-yung paa k-ko *hik* s-sa t-takot. *hik*" Park

"Sshhhhh.. Osige sige."

Honestly, hindi ko alam ang ginagawa ko ngayon.

Hindi.. Hindi ako 'to.. Mali, ako pala 'to. Ako'to.. Dati.

Binuhat ko si Park na parang pangkasal. Iyak parin siya ng iyak. Wala siyang tigil sa paghikbi. Nakasandal lang yung mukha niya sa dibdib ko.

Tatanungin ko nalang siya mamaya kung bakit siya umiyak, eh hindi naman drama yung pinanood namin no.

Lumabas kami ng Movie Room.

Nakasalubong ko yung isang yaya dito. Oo, may yaya ako. Masyado akong alaga ni Mama eh.

"Sir?.." Yaya

Siguro nagtataka siya kung bakit may buhat buhat akong babae -.- di naman kasi ako nagdadala ng babae dito sa bahay eh. Barkada lang. The Nightmare.

I'm In Love With This Bully (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon