(Park's P.O.V.)
Lecheng 'to!! Ako na nga nakikipagkaibigan eh >__<
Tumayo ako at tumalikod, bago pa ko makapaglakad, naramdaman kong hinawakan ni Ivan yung wrist ko. Huh?
Napalingon ako sa kanya. Siya, diretso lang ang tingin.
"B-bakit?"
"Wag mo ko iwan." Ivan
O____________O
A-ano ba mga pinagsasasabi nito?! Hala? Teka!!
Hindi kaya dahil kay Allison? Siguro iniisip niya si Allison? Pero what's with 'Wag mo ko iwan?' duh?
Kelangan siguro nito ng kausap.
Binitawan niya yung wrist ko. At umupo ulit ako sa tabi niya.
"Oh game."
Nakita ko sa gilid ng mata ko na napatingin siya sakin.
"H-ha?!" Ivan
"Game."
"Ano?" Ivan
"Game. -_____-"
"Mag babasketball tayo?" Ivan
"Tungaw!!" napalingon ako sa kanya.
"Tungaw ka diyan?! Leader mo ko!" Ivan
Bakit ang bobo bobo niya? Grabe, namaster niya ang pagiging bobo. Nakakaleche ah? =___=
"Okay. Diretchuhin na muna kita ah? Kasi nakakadugo ka ng utak."
"Huh?" Ivan
"Ang tanga mo." sarcastic kong sabi.
Nakita ko naman na napakunot yung noo niya.
Autistic nga ata talaga 'tong nilalang na 'to. Dakilang dakila sa pagkabobo =____=
"Binibwisit mo ba ko? Ha? Ha?!" Ivan
Ayan, ayan na. Kumukulo ulit dugo niya sakin. Sows! Always naman, since kahapon dahil sa kalechehang ginawa niya sa strap ng bra ko. Eh?! Ayoko alalahanin! =____=
Bangungot yun para sakin. Yearight!
Anyway. Magulo talagang kausap 'tong si Ivan eh.
"Heh! Anyway, yun nga, Game!"
"Eh ano ba kasing Game yan?" Ivan
"Magopen ka sakin ng mga problema mo."
Biglang nanglaki yung mga mata niya. Okay, halatang nagulat nga siya.
"A-ano?!" Ivan
Lumingon ulit ako sa harapan ko.
"Tungkol kay Allison, right?"
Bigla siyang napatayo. Okay, di ko nalang pinansin, instead nakaharap parin ako sa harap ko.
"P-PANONG?!!" Ivan
"Wag mo na tanungin, nahalata na kita kanina na siya ang tinititigan mo."
"H-HA?!" Ivan
"Bingi mo naman! Leche ka!"
Lokoloko eh! Ano ko, parot? Isa lang alam na salita kaya paulit ulit?
"Teka nga! Napansin mong si Allison?!" Ivan
"Gagu!"
*PAK*
"Aray!" Ivan
"Masakit? Inulit mo lang sinabi ko eh!"
Tapos hinihimas niya yung ulo niya. Binatukan ko eh.
"Hindi! Ang sarap nga eh, gusto mo try--" Ivan
"Manahimik ka! Gagayahin pa ko -.- walang origynality!"
"Aba't--" Ivan
"Heh!"
Ayun, di na siya naimik. Wala palang panalo sakin 'to. Yun, nanahimik nalang din ako. Like duh, alangan namang magingay pa ko diba? Mas ginusto ko nalang na tumulala sa malayo. Yung pinakamalayong matatanaw ng mga mata ko.
After 5mins siguro yun? Ng katahimikan, nagsalita na siya.
"Si Allison, ang babaeng sinaktan ako." Ivan
Napatingin ako sa kanya. Huh? Sinaktan siya? Eh binully niya nga? DUH!
"Niligawan ko siya. Sinagot naman ako." Ivan
Nanlaki yung mga mata ko sa mga pinagsasasabi ni Ivan. Anong?!
Sinagot siya ni Allison? Diba sabi ni Kei, niligawan niya si Allison pero di sinagot? Teka! Ang gulo ha?
"S-Sinagot ka ni Allison?!"
Tumungo tungo siya, bilang sagot na oo sa tanung ko. Nakatingin parin siya sa harap niya. Emotionless. Pero makikita mo sa mga mata niya na malungkot siya.
"Sinagot niya ko para lang gawing.. Rebound." Ivan
Tumango tango ako na parang wala sa sarili, "Ahh, talaga naman. Ba-- ANOOOONG SINAAAABI MOOO?!!!!"
SINAGOT NI ALLISON JANE SMITH ANG KUTONG LUPA NA 'TO PARA LANG GAWING.. GAWING.. GAWING.. Uhg? Huh?
"REBOUND?!!!!" tanung ko ulit.
Like duh! Nakakagulat kaya! Loko pala 'to eh! Biglain daw ba ako ng ganun. Letche!
"Ano ba?! Ang ingay mo! May makarinig sayo! Bunganga naman diba?!" Ivan
Tapos lumapit siya sakin at tinatakpan yung BUNGANGA ko daw -.- ako?! Ako pa ngayon? Eh gulatin daw ba ko ng ganun?! DUUH!!
Tinulak ko nga yung kamay niya sa bibig ko. Sisihin pa ko?!
"Ano?! Eh loko loko ka eh!! Binigla mo ko! Binigla! Letche!"
"Sensya! Eh ikaw din naman eh, agad agad nagtatanong. Kaya sinasagot ko lang!" Ivan
Actually may point siya. Napatigil naman ako. Huminga ng malalim at tinignan yung mga mata niya. And yea, nakita ko naman na, halo halo yung emotions niya. Halata ko. Galit? Malungkot? Masaya? Basta!
"Fine. Aish, dahil naaawa ako sayo, kasalanan ko ulit -.-"
"Wag mo nga ko kaawaan! Bully ako, hindi pulube!" Ivan
Tapos umakmang susuntukin ako! Aba gago 'to ah! Hinawakan ko agad yung wrist niya. Ambahan daw ba ko.
"Ano?! Kaya mo?! Hinayupak ka din ano?!"
"Oo! Kaya ko!" Ivan
"And so?!-- teka teka nga! Puro away eh, mukang tanga lang! Tantanan na nga!"
Ibinaba naman niya yung fist niya. Aish! Kumalma nalang ako. Hooooo.. Tapos nagsalita na siya.
"So like what i'm saying, yun nga, sinagot niya ako." Ivan
"And then?"
"Para gawing rebound.. At 5months din yun ng iniwan ako sa ere. Ang alam ng TN (The Nightmare), nililigawan ko lang si Allison sa loob ng 5buwan. Di ko sinabi sa kanila dahil sabi ni Allison, wag ko nalang daw sasabihin. Ewan ko kung bat ako um-oo. Basta, at after 5months ng pagiging kami.. Ha! Sabi niya, binalikan na daw siya nung ex niya at rebound nga lang ako.. Nakakagago lang ano? Natawa pa nga ako nung nakipagbreak siya eh, kala ko joke lang. Haha!" Ivan
Tinitigan ko ng mabuti si Ivan. Nakangiti.. Nakangiti ng napakalungkot.
Si Allison Jane, di ko alam na kaya niya pala gawin ang ganung bagay. Ang makasakit ng iba para lang sa sarili niyang kagustuhan.
Sa kabila ng maamo at maganda niyang mukhang anghel, may pagkademonyo din pala siya. At itong inaakala kong demonyo dati pa, may pagkaanghel din pala. Mas lalo ako nagiging interesado sa isang Shawn Ivan Fernandez.
Gusto kong makilala siya. Siya na kinikilalang bully.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With This Bully (Ongoing)
Novela JuvenilMeet THE BULLY and THE AMAZON. World War III na ata kasunod kapag nagkaharap na sila FOR THE FIRST TIME. Well, may matatalo, at may tatanga tanga -____- SMALL WORLD NGA DAW KASI!! Property of Aerielle Dacanay (JopzNineteenity) © All Rights Reserved...