Chapter21= Men's talk, Appa and Vacation?!

33 0 0
                                    

(Ivan's P.O.V.)

Umalis si Claire sa yakap namin.

"Oppa, come! Puntahan po natin si Appa." Claire

Nawala yung ngiti ko sa mukha. Kelangan ko pa ba talaga harapin yung lalaking yun?

Readers, sorry ha? Pero malaki talaga ang galit ko dun.

Pero sige, haharapin ko siya.

Tumango ako kay Claire at ngumiti. Bumaba siya sa lap ko at tumayo, tumayo na din at ako hinawakan ko yung kamay ni Claire.

"Tara."

Then ngumiti siya at naglakad kami. Pagkalabas namin ng kwarto, pumunta kami sa may hagdan at bumaba. Sa taas palang ng hagdan, nakita ko na siya..

Nakaupo sa sofa at naka-dekwatro. May hawak siyang tungkod, pangsuporta din sa nanghihina niyang tuhod. Nagbabasa din siya ng diyaryo.

Habang pababa kami ni Claire, nakatingin lang ako sa kanya.. Nakatingin ng masama. Eto na, nakababa na kami ng hagdan. Huminto kami sa paglalakad.

"Appa! Oppa's here!" Claire

Napalingon siya samin. Tumingin ako kay Claire. Lumuhod ako sa harap niya para naman magkalevel kami. Tumingin siya sakin.

"Little Sis, nagugutom ka ba? You want some icecream?"

"Woah! Ne! Ne!" Claire

"Sige, punta ka sa kitchen, andun si Manang. Hingi ka ha?"

"Arasso Oppa! Komawo." Claire

(A/N: Arasso means I understand. Komawo means Thanks.)

At ginulo ko yung buhok niya then tumakbo siya papuntang kitchen. Ayokong nakikita ni Claire na nakikipagsagutan ako sa Ama namin, natatakot akong baka gayahin niya ko, bata pa siya.

Anyway, hinarap ko yung lalaking matanda. Siya si Patrick Fernandez ang ama ko. Lumapit ako sa kanya at tumayo siya then ngumiti. Seryoso lang ako.

"My Son!" Appa

Umakto siya na yayakapin ako, pero hinarang ko agad yung braso sa kanya at lumayo ng onti. Nakita kong medyo nagulat siya kaya binaba niya yung braso niya at ngumiti sakin.

"Ohh~." Appa

"Bakit mo naisipang umuwi?"

Walang gana kong tanong sa kanya.

"Hahahaha! Namimiss ka kasi ni Claire. Grabe, binata ka na talaga." Appa

Buti pa si Claire. Nagikot siya sa sala. Sinusundan ko lang siya ng tingin habang nakakunot yung noo ko.

"Kamusta ka naman?" Appa

"Ayos lang.. Nung di pa kita nakikita."

Napatingin siya sakin. Lalong lumapad yung ngiti niya.

"Nagiging harsh ka na ata Shawn?" Appa

"Wag na wag mo kong tatawaging 'Shawn'."

"Bakit? Yun--" Appa

"Wala kang karapatan."

Nawala yung ngiti niya sa mukha, nagpatuloy siya sa paglilibot sa sala.

"Ano bang gagawin mo dito?"

"Uhm.. Babalikan ko yung FPA." Appa

Nagulat ako sa sagot niya. Ano bang nakain niya at naisip niya yun bigla!? Nahihibang na ba siya? Ha?!

"Ano?!"

Medyo pasigaw ako kaya naman, napatigil ulit siya at tumingin sakin.

"Babalik ako sa pagtatrabaho sa FPA. Bakit?" Appa

I'm In Love With This Bully (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon