Chapter 1- Gleon

4.8K 161 1
                                    

Nagawa ko ng isulat ang next chapter dahil wala na akong masyadong ginagawa kaya nakapag-update na rin sa wakas. Enjoy this chapter and check my other stories:

My So Strict Boss - Romance

My Snobbish Heart - Teen Fiction

Do vote, comment and follow me.

**********************

Ang bayan ng Gleon ay isang mahirap na bayan. Dito pinapatapon ang mga taong walang ability ng konseho. Sinasabing sumpa ang hindi biyayaan ng abilidad na gumamit ng anumang kapangyarihan kaya hiniwalay nila sa karamihan ang mga ito at dinadala sila sa Gleon. Ang bawat taong mapunta sa Gleon ay may marka na pagkakakilanlan nila. Ang konseho naman ang nagtatakda ng mga pagsusulit para sa mga tao upang malaman kung meron bang ability o wala.

Kapag natatakan ka na bilang isang 'sleis' ay hindi na ito mawawala sa pagkatao mo. The mark will remain in your body until you die that's why the people in Gleon need to endure the criticism of others.

Sa bayang ito ako nakatira. Kahit mahirap ang buhay ay alam mong totoo ang mga taong nakakasalamuha mo araw-araw. Hindi man mayaman ang bayan namin pero mayaman naman kami sa bond na meron ang bawat isa sa amin.

Ito ang maipagmamalaki ko sa ibang bayan. Hindi ko ipagpapalit ang bayang ito sa iba. Kumuha ako ng palaso at pinatamaan ang mansanas. Nalaglag ito kasama ang bumaon kong palaso sa gitna nito. Nandito ako sa gubat. Dito ako nagsasanay para pumana at gumamit ng iba't ibang patalim. Walang istorbo dahil mapanganib ang sinumang pumasok dahil rito naninirahan ang iba't ibang halimaw at nilalang kaya walang nagbabalak na pumasok dito.

Narinig kong may kaluskos na nagmumula sa likod ko kaya hinanda ko na ang patalim ko kung anuman ang lumabas at atakihin ako. Biglang lumabas si Anna na hinihingal pa. Anong ginagawa niya rito?

"D-Dana....Dito l-lang pala k-kita m-makikita!" Hindi na nga makahinga ng maayos at nagsasalita pa.

"Anong kailangan mo?" I used my cold voice.

"H-Hinahanap ka na ni Mother Delia d-dahil hindi ka pa daw kumakain mula k-kaninang umaga."

"Hindi ka dapat pumunta dito." I ignored her and continue what I am doing before she came here.

"Kailangan mong kumain kaya naglakas loob akong pumunta rito." Nakayuko siya habang sinasabi ito sa akin.

"Nagpapakamatay ka kung ganon" hindi siya nag-iisip na posibleng hindi na siya makalabas ng buhay sa gubat na to.

"Hindi ko na naisip iyang sinasabi mo kasi nag-aalala ako sayo. Lahat kami ay inaalala ka. Kaya sana huwag mo naman kaming ipagtulakan palayo." Napatingin ako sa kanya. Alam kong masyado ko ng inilalayo ang sarili ko sa ibang tao pero nasanay na akong sarilihin ang lahat. Hindi ko kailangan ang tulong ng iba.

"Umalis ka na. Pasabi na lang kay Mother Delia na kumain na ako." Pinagpatuloy ko ang pagsasanay at hindi ko na siya pinansin. Bahala siya kung anong gagawin niya. Nakailang round pa ako ng pagpapatama ng palaso ko sa katawan ng puno. Tiningnan ko kung nandoon pa rin si Anna pero wala na siya. Mabuti ay umalis na siya ng biglang may narinig ako sumigaw.

"TULONG!" Narinig ko ang boses ni Anna kaya mabilis na kong hinanap saan nagmumula ang boses niya.

Kaya kong makapunta sa kanya agad pero hindi ko alam kung nasaan siya ngayon dahil hindi na niya inulit ang pagsigaw na ginawa niya. Shit! Where are you!

"TULONG!"Nang marinig ko ulit ang sigaw niya ay alam ko na kung nasaan siya.

Nakita ko siyang nakasandal sa puno na may papalapit sa kanyang 'snaris'. Isa itong malaking ahas na may patusok na sobrang talim sa katawan nito. May lason ang patusok sa katawan nito kaya madikit ka lang ay mahihiwa ka at papasok sa sugat mo ang kamandag.

The Black ArcherWhere stories live. Discover now