Chapter 15 - Sleirion

2.4K 129 15
                                    

Sorry sa late na update. Sana patuloy pa rin ang pagsuporta sa mga stories ko. May nakakita ng error dito kaya itinama ko lang. 😊

My So Strict Boss - Romance

My Snobbish Heart - Teen Fiction

~¤💞¤~

Dumaan muna kami sa ospital para mapatingnan ang bata. Ayokong lumala pa ang lagay niya. Bawat kilos nito ay dumadaing ng sakit at umiiyak. Tama lang ang ginawa ko sa namamahala ng Desre na hingan ng pampagamot sa bata. Siya ang may kasalanan kung bakit ganito ang kalagayan ng bata.

May fracture ito at may mga gamot na dapat inumin. Hindi ko na sinabi sa doctor kung sino ang may gawa nito sa bata. Nagtagal rin kami sa ospital pero pinayagan rin kaming umuwi pagkatapos ng lahat ng kailangang mapatingnan sa bata.

"Ate, saan po tayo pupunta?"

Tumingin ako sa bata na karga ng kapatid niya. Malapit na rin kami sa bahay at kaunting lakaran na lang ay makakarating na kami doon.

"Sa bahay. Mas mabuting doon kayo tumira kaysa sa kalsada o madidilim na lugar mapahamak pa kayo."

Mabuti na lang at walang masamang tao ang nakakita sa kanila at baka ano pa ang gawin nila. Sa tingin ko pa naman sa mga ito na madali lang silang mapaniwala sa mga sasabihin ng iba kaya gusto kong mahanap sila.

"Ate, ano po ba ang pangalan niyo? Kanina ko pa po iniisip iyon kung nasabi niyo na po ba o hindi."

Madaldal na bata. Kahit ayokong magsalita, hindi ko naman makayang hindi ito pansinin at sinasagot ang mga tanong niya. Ayokong sumama pa ang loob nito at malungkot ngayon. Marami na siyang pinagdaanan kaya pagbibigyan ko ang mga ginagawa niya.

"Dana."

"Ang ganda naman po ng pangalan niyo. Ang pangalan ko po ay Dareen at ito po ang ate kong si Faye."

Natanaw ko na ang bahay at pinasunod sila sa akin. Binuksan ko ang gate at demeretso sa bahay. Nakasunod pa rin sila at tumitingin sa dinadaanan namin. Marami rin kaming nakakasalubong na mga bata. Nagpunta kami sa kusina at nakita si Mother. Napansin niya ako at napatingin sa mga kasama ko.

"Nakauwi ka na pala, Dana."

"Hinatid ko lang po si Anna. May gusto po sana akong sabihin tungkol sa mga kasama ko po."

"Ano iyon, anak?"

"Pwede po bang dito na sila tumira? Nakita ko po sila sa Desre at naisip ko pong isama sila dito."

Ngumiti si Mother at hinawakan ang kamay ko at tumingin sa dalawa, "Pwede kayo dito mga anak. Mabuti na isinama kayo ni Dana at bukas ang bahay na ito sa inyo."

Pinasama sila ni Mother sa tutuluyan nila. Umakyat ako at pumunta sa kwarto ko. Sinarado ang pinto at tinanggal ang balabal ko. Umupo ako sa upuan malapit sa malaking salamin at sinuklayan ang buhok ko.

Nakalimutan kong gawin ito at natuyo na lang ang buhok ko ng kusa. Hindi naman mahirap suklayan ito kahit may kahabaan ng konti. Natural na malambot at maayos. Hinayaan kong nakalugay.

Hindi ko pa nakikita si Kira pagkapasok ko. Nasaan na siya? May kumuskos sa binti ko at nakita ang hinahanap ko. Lumaki na naman ito at hindi na magkakasya sa bag na ginagamit ko kung gusto ko siyang isama.

Sobrang bilis ng paglaki niya at kailangan kong pumunta ngayon sa library para makahiram ng libro tungkol sa kanya. Inayos ko ang buhok ko at tinakpan ulit ng balabal ko.

Lumabas ako ng bahay at sumakay papunta sa library ni Lolo Warren. May trabaho ako bukas sa kanya. Itong araw na ito ay dapat malaman ko kung ano ang tungkol sa mga sleirion.

The Black ArcherWhere stories live. Discover now