Salamat sa unang nagcomment sa story na to. I really like your comment about Dana. 😊
My So Strict Boss - Romance
My Snobbish Heart - Teen Fiction
~¤💞¤~
Malayo na rin ang nilalakad ko at hinayaan ko ng lumabas si Kira dahil alam kong nakalayo na kami at hindi na maabutan ng mga kawal ng palasyo. Masaya itong nakalabas at tumatakbo sa gubat. Hindi ako natatakot na bigla na lang aalis si Kira dahil instinct niya ang mamalagi sa gubat.
Napansin ko ang paglaki nito noong una ko siyang nakita. Ngayon ko lang natitigan ang mabilis niyang paglaki sa mga nakalipas na araw. Napatingin ako sa mga buntot niya. Isa sa mga iyon ay alam ko na ang kayang gawin. Fire. Kayang sumunog sa isang tira lang.
Wala pa rin akong makitang ilog. Naubos na ang dala ko at nauuhaw na sa mahabang paglalakad. Tumigil ako sa paglalakad at pinakinggan ang paligid. Huni ng mga insekto lang ang naririnig ko kaya naglakad muli ako. Kailangan ko ng makahanap kung hindi ay hindi ako magtatagal dito. Kaya kong hindi kumain ng buong araw basta may tubig akong maiinom.
May narinig ako sa bandang kaliwa ko kaya doon ako nagtungo. Habang papalapit kami ay lumalakas ito. Hinawi ko ang mga naglalakihang mga dahon na nadadaanan ko. Ang sukal ng daanan ng tinatahak ko. Wala namang problema si Kira dahil sa liit nito ay sumusuot lang sa mga dahon. Nauna ng makapunta ito.
Nakita ko na rin sa wakas ang hinahanap ko. Isa itong ilog na may malinis na tubig. Ibinaba ko ang mga dala ko at kinuha ang lalagyanan ko para sumalok. Napakalalim nito dahil sa hindi mo na maaninag ang ilalim at nagkukulay itim na ang bandang gitna.
Tiningnan ko muna kung may kakaiba sa tubig. Baka may mga naninirahan dito at bigla na lang lumabas sa paggambala ko sa tirahan nila. Sigurado akong meron dahil karaniwan na gustong tirahan ang mga ganitong ilog ng mga nilalang na nabubuhay sa ilalim ng tubig.
Tinanggal ko ang takip ng inuman ko at nilubog para pumasok ang tubig. Napakalinaw ng tubig habang nalalagyan ito at ligtas inumin. Konti na lang at mapupuno na ng biglang may humila sa tali nito at tuluyan ng lumubog sa tubig.
Nakikita ko itong papunta sa malalim na bahagi ng ilog at parang may humihila rito. Nakita ko ang kulay asul sa tali na humihila dito. Kailangan ko yon at wala na akong gagamitin. Hindi ko naman tatalunin ang ilog para lang sa bagay na yon at hindi ko naman alam kung ano ang nilalang na yon. Mapapahamak pa ako.
Tinititigan ko lang kung saan na napunta ito ng kusa ito huminto. Mas dumami ang kulay asul at pinaligiran na ang gamit ko. Unti-unti na itong lumutang at nakita ko na rin kung ano ang asul na nakikita ko. The Blue Preis. Isa itong nilalang na maliit na tao na may pakpak ng paruparo. Maraming katulad nila pero iba iba ang kakayahan nila depende sa kulay nila. Ang mga Blue Preis ay matatagpuan sa mga lugar na may tubig. Ang buong katawan nila at pakpak ay kulay asul. Madali silang magalit at malimit na gawin nila ay kumuha ng mga bagay na pagmamay-ari mo. Hindi sila nananakit at iyon lang ang ginagawa nila sa paggambala sa kanila.
May lumalapit sa akin pero nanatili sila sa ibabaw ng tubig. Lumapit si Kira sa tabi ko. Ano pa ba ang gusto ng mga ito? Hinayaan ko ng kunin nila ang gamit ko.
Bumubuka ang bibig nila pero hindi ko maintindihan. Ang naririnig ko lang ay tunog ng maliit na bell kapag nagsasalita sila. Tumayo na ako at pinuntahan ang mga gamit ko. Napakamalas ko naman ngayon. Nakahanap nga ng ilog, kinuha naman ang gamit ko.
Sumandal ako sa katawan ng puno at pumitik. Inaantok ako at gusto ko munang magpahinga. Kasama ko naman si Kira kaya alam kong ligtas ako kung may mabangis na hayop na mapapadaan dito.
YOU ARE READING
The Black Archer
Fantasía"You can't take me down by a single blow but I can kill you in an instant without you knowing it" -The Black Archer-