Chapter 23 - Evidence

1.9K 187 49
                                    

Akala ko walang nagbabasa nito. Konti lang kasi ang nakikita kong nagbabasa. Salamat sa mga nagtry na basahin ang fantasy story ko. Sana magcomment kayo tungkol dito para mapaganda ko pa kung may suggestion kayo.

My So Strict Boss - Book 1
You're Still The One - Book 2
My Snobbish Heart - Teen Fiction

~○~

Kumikirot ang balikat ko habang tumatakbo palayo sa kanila. Hindi ako pwedeng mahuli. Tumingin ako sa paligid kung may nakasunod sa akin. Bakit ba nandito rin ang prinsipe?

Dumeretso ako sa Desre para maibalik na ang pera nila. Naramdaman ko na may dugo na rin ang kamay ko. Kailangan matapos ito ngayon para makauwi na ako. Narinig kong may taong naglalakad malapit sakin kaya nagtago ako sa madilim na eskinita.

Habang hinihintay kong makaalis kung sinuman ang taong palapit sa  lugar ko. Nakarinig ako ng sasakyan na dumating. Dinaanan ko ang madilim na eskinita para makalabas ako sa dulo at mapuntahan ko kung sinuman ang dumating ng ganitong oras.

Nakita ko ang sasakyan ng mga nangongolekta ng buwis. Bakit sila bumalik ng Desre? Kasama kaya nila ang prinsipe at si Zero?

Lumabas ang taong sakay nito. Hindi ako nagpahalata at sinundan sila. Pumasok sa building ng nangangasiwa sa buong Desre. Kailangan kong malaman ang nangyayari sa loob. Wala ng taong nagbabantay sa paligid ng building kaya nakasunod ako sa kanila. Pumasok sila sa isang pinto.

Lumapit ako sa pinto at sinubukang marinig ang mga pinag-uusapan sa loob. Mahina lang ito pero may naiintindihan naman ako sa mga sinasabi nila.

"Mga wala kayong kwenta! Ilang beses na kayong naiisahan ng pesteng black archer na yan!"

"Boss, hindi naman po namin kasalanan na talagang malakas siya. Napakaliksi niya at nawawala rin siya sa paningin namin kaya ang hirap niyang talunin."

"Wala akong pakialam sa mga sinasabi niyo! Ang lalaki ng mga katawan ninyo, hindi niyo mapatumba ang isang tao."

"Nahihirapan po kaming mahuli siya. Hindi rin namin siya napigilan kahit nakasama pa namin ang commander ng palasyo at ang prinsipe."

"Yon na nga ang problema, kasama niyo na sila pero nakuha pa rin niya ang pera ko! Wala na naman akong makukuha sa mga siningil ko ngayon! Hindi ko kayo binabayaran para hayaan lang siyang kunin ang pera ko!"

Nagpatuloy pa ang walang kwentang pag-uusap nila. Kapag nakakuha ako ng ebidensya laban sa kanya, matitigil na ang pagpapahirap ng sa mga tao dito. Dahil sa mga katulad niya, ginagawa kong magnakaw at ibalik sa mga taong pinagnanakawan niya. Wala akong pakialam kung makilala pa akong masamang tao basta ang mga taong natutulungan ko ay naniniwala sa akin na mabuti akong tao.

Narinig kong pabukas na ang pinto. Makikita nila ako. Saan ako magtatago nito? Umatras ako para makatakbo ng may matamaan ako sa likod ko. Kinapa ko ito. Sumunod rin si Kira. Bumukas ang pinto at huli na para tumakbo. Naunang lumabas ang boss nila at sumunod ang mga lalaking nakalaban ko.

"Boss, huwag na kayong magalit. Susubukan namin mahuli si black archer para kayo na ang bahalang gumanti sa kanya."

"Puro kayo salita wala naman sa gawa! Nasaan na pala ang prinsipe?"

"Iniwan namin sa kagubatan. Hinahanap pa rin nila si black archer."

"Bakit niyo iniwan?! Bumalik kayo!"

Nagtaka ako na hindi sila tumingin lang sa akin. Sigurado akong makikita nila ako. Umalis na sila. Nagpakita si Kira sa akin.

"Ikaw ba ang dahilan kung bakit hindi nila ako nakita?"

The Black ArcherWhere stories live. Discover now