Guys support niyo naman yung ibang stories ko. Alam kong may pagkukulang ako sa pag-update. Pasensya na. Magcomment naman po ang mga silent readers ko dyan, pwede ba?
My other stories;
My So Strict Boss - Romance
My Snobbish Heart - Teen Fiction
Do vote, comment and follow me.
*~♡~*
Mabilis ko ng hinanap ang dalawang prutas. Hindi na pwede akong umabot pa ng isang araw sa gubat at paniguradong mag-aalala sila sa bahay. Isang araw lang inaabot ko kapag kumukuha ako ng mga ganito.
Iniisip ko rin ang snaris na sinabit ko sa puno. Baka makita ito ng tatlong lalaki kanina. Napagawi ako sa mga mapunong bahagi ng gubat.
May napansin akong puno na may kaliitan kumpara sa iba. Pinuntahan ko at nang makalapit ako ay napansin ko na may mga bunga ito. Dahil sa hindi ito katulad ng mga puno ay pwede ng mapitas ang bunga ng punong ito, kaya ng abutin ito.
May kahabaan ang bunga nito at kulay berde. Kinalog ko ito para alamin kung may tubig ito sa loob. Kahugis ito ng gelon na hinahanap ko at kung may tubig ito ay ito na nga ang hinahanap ko.
May tubig nga sa loob. Kumuha ako ng tatlo at nilagay sa bag ko. Mabuti na lang ay pinababa ko na si Kira. Hindi na siya kasya sa loob ng bag ko.
Isa na lang na prutas at maaari na akong kumuha ng fiscen. Pumunta ako sa likod ng puno ng gelon at sa hindi kalayuan ay natanaw ko na ang mga delir. Hindi ito nakukuha sa mga puno pero makikita sila sa gilid ng mga naglalakihang puno. Pumitas ako ng sampung delir.
Kumpleto na ang mga kailangan ko at pupunta na lang ako sa ilog para kumuha ng huling kailangan ko.
Malapit na rin sa labasan ang ilog na dapat kong puntahan. Binilisan ko na ang paglalakad para makalabas na ako ng gubat. Pwede ko namang takbuhin para mas mabilis akong makakapunta kaso may kasama ako, si Kira. Hindi pa nito kayang kumilos ng mabilis.
Narating ko na rin ang ilog. Binaba ko muna ang mga gamit ko at lumapit na sa ilog para manghuli ng fiscen. Maliliit na isda ito pero kulay itim ito. Kinuha ko sa bag ko ang net na panghuli sa kanila. Nilagay ko sa bote at naglagay rin ako ng tubig sa loob nito para mabuhay pa ang mga nahuli ko.
Nagtungo na ako sa pinagsabitan ko ng snaris. Mabuti naman ay nandoon pa. Hindi nila napansin dahil tinaasan ko ang pagkakasabit dito.
Hinatak ko na ito at nagsimula ng maglakad papalabas ng gubat. Hindi nagtagal ay nakalabas na rin ako. Tiningnan ko muna ang paligid at baka makita ng ibang tao na may kasama akong sleirion.
Tiningnan ko ang bag ko at mabuti naman ay may space na pwede pang pagtaguan ni Kira. Nilagay ko si Kira sa loob at hindi ko masyadong sinara para makahinga siya sa loob.
Hinatak ko ang snaris hanggang sa daan. Kailangan ko ng sumakay ng kalesa dahil hindi ko kakayanin na hatakin ito mula rito hanggang bayan.
Nakahanap na ako ng masasakyan. Sinabit ko sa likod ang snaris at umalis na kami. Nakarating na kami. Nagbayad na ako at nagtungo ako sa acceptance room.
Lumapit ako sa taong nangangasiwa sa mga bagay o hayop na makukuha ng sinumang tumanggap ng mga request.
"Nagawa ko ng makuha ang mga dapat kong kuhanin sa gubat."
"Nasaan na ang mga ito at ibigay mo sa akin ang magpapatunay na kasulatan sa mga kinuha mo?"
Binigay ko na sa kanya ang mga kailangan niya, "Nasa labas ang hayop na nakuha ko at nasa akin pa ang iba."
YOU ARE READING
The Black Archer
Fantasía"You can't take me down by a single blow but I can kill you in an instant without you knowing it" -The Black Archer-