Chapter 13 - Black Archer

2.2K 120 8
                                    

Pwede bang magrequest? Madagdagan yung comment? 😊 May nakarecognize na sa inyo kay Dana. Sana suportahan niyo rin ito.

My So Strict Boss - Romance

My Snobbish Heart - Teen Fiction

~¤💞¤~

Mabilis akong pumunta sa mga gamit ko. Hindi sana lumabas si Kira at marami ng taong makakakita sa kanya. Sinilip ko kung saan ko siya nilagay. Nakahinga ako ng makita ko siya. Hindi rin siya nag-iingay.

"Ano ang laman ng dala mo?" hindi ko napansin na sumunod pala siya.

"It's none of your business, mister."

Binuhat ko ang dalawang bag na naglalaman ng Aven. Inilagay ko sa pinaglalagyan ko ng dalawang Blue Preis ang bulaklak para hindi malanta. Hinawakan nila ito para hindi mahulog.

"Bakit may kasama kang Blue Preis? Ang alam ko walang nakakalapit sa kanila at mailap sa mga tao." sabi nito.

"Now, it proves you wrong."

Nauna na akong naglakad para makauwi na ko. Nasasayang lang ang oras ko sa pakikipag-usap sa kanya. Matagal rin bago sila umalis dahil kailangan pa niyang asikasuhin ang mga kasama niya. Hihintayin ko na lang sila sa labasan at ihahatid ko pa itong dalawa sa tirahan nila.

Ayoko rin na sumabay sa kanila baka hindi matagalan ni Kira na nakakulong at hulihin nila kapag nakita siya. Marami pa naman ang interesado sa isang sleirion. Baka ano pa ang magawa ko sa kanila kapag nangyari yon.

Nakarating ako sa ilog. Lumipad na ang dalawa ng makita ang tirahan nila. Hindi muna sila umalis at nagtagal pa sa harap ko.

"Salamat sa tulong niyo."

'Walang anuman iyon. Salamat rin sa binigay mong prutas sa amin. Ngayon pa lang kami nakatagpo ng taong katulad mo.'

"May nakalapit na rin ba sa inyo?"

'Hindi kami lumalapit sa mga taong may masamang kalooban. Nakikita namin iyon sa tubig na dumadaloy sa katawan ng isang tao.'

Hindi ko sila maintindihan sa sinasabi nila. Siguro nga ay ganito sila kung kumilatis ng tao. Bumalik na sila. Umalis na ako. Baka makasalubong ko rin yung lalaking yon dahil sa pag-iba ko ng daan at hinatid pa ang Blue Preis.

Hindi nga ako nagkamali at nakikita ko na sila. Nanatili ako sa likod ng huling kawal na kasama niya. Wala akong balak na sumama sa samahan nila. May nakita akong matandang natumba. Isa siya sa mga tao ng Seran na sumama sa paghahanap ng bulaklak. Naghihina na ito dahil sa mahabang paglalakbay.

Natigil sila at tiningnan kung ano ang problema nito. Kasalanan rin kasi ng commander na yon, kung hindi niya sinabi na may reward at dapat hindi na pinasama ang mga matatanda, hindi sana sila ngayon nahihirapan.

Lumapit ako at mukhang hindi alam kung ano ang nangyayari. Nasanay kasi sa mga kawal niyang malalakas at hindi na naisip ang ibang sumama sa kaniya.

"Tumabi ka."lumingon siya at nakita na ako ang nagpapatabi sa kaniya.

"Ako ba ang kausap mo, miss?" hindi ito makapaniwala na inuutusan ko siya.

"May tao ka bang nakikita na nakaharang sa harapan ko? Kung wala ka naman magagawa para tulungan ang mga taong sumama sayo, tumabi ka." Umalis ito at kinausap ang matanda.

"May masakit po ba sa inyo, manong?"

"Masakit na ang mga paa ko at napapagod na ako sa mahabang paglalakad, iha." nahihirapan na rin siyang magsalita dahil hinihingal na ito.

The Black ArcherWhere stories live. Discover now