Chapter 4 - Rosen

2.2K 115 2
                                    

Ang tagal ko mag-update sa story na to pero sana bigyan niyo ng chance ito. Gusto ko talagang magsulat ng fantasy.  May mga naiisip pa akong guatong gawin kaya suportahan niyo rin sana ito.

My other stories:

My So Strict Boss - Romance

My Snobbish Heart - Teen Fiction

Do vote, comment and follow me.

*************

Pagkatapos kong ilagay siya sa bag na dala ko ay tiningnan ko ang wala ng buhay na snaris sa harap ko. Mahaba at may kalakihan rin kaya mahihirapan ako kung dadalhin ko rin ito habang hinahanap ko pa ang mga dapat kong hanapin.

Naghanap ako ng bagay sa paligid ko na pwede kong gamitin para maitali ko ito. Nakakita ako ng baging kaya kinuha ko ang kutsilyo ko para maputol ito. Binalikan ko kung saan ko iniwan ang wala ng buhay na snaris at nakita ko ang sleirion na nakalabas ang ulo sa bag ko at tinitingnan ako. Itinali ko na ito isinabit sa isang sanga para hindi makuha ng ibang hayop na nakatira rin sa gubat.

Nang matapos ako ay kinuha ko ang mga request sa bag at kumuha ng panulat para lagyan ng palatandaan na nakuha ko ang isa sa hinahanap ko.

Kinuha ko na ang bag ko at nagsimula ng umalis para hanapin pa ang iba. Ihuhuli ko na lang ang fiscen dahil kailangan na sariwa ito. Ang tatlong prutas na hinahanap ko ay hindi madaling hanapin. Kaya kailangan kong nahapin ang isa man lang sa tatlo para mabawasan ang mga dapat kong kunin.

Magdadalawang oras na akong naglalakad pero wala pa rin akong makita isa man sa hinahanap ko. Napapagod na rin ako sa paglalakad mula pa kanina. May nakita akong ugat ng puno na pwedeng upuan kaya pumunta ako at binaba ang mga gamit ko sa tabi.

Kumuha ako ng tubig sa bag ko para uminom at bigla na lang lumabas ang sleirion sa bag ko. Ang akala ko ay tatakbo ito palayo pero naglalakad lang ito sa harapan ko at nang tumingin ito sa akin ay tumakbo ito papunta sa akin at umupo sa mga hita ko.

"Para sa isang sleirion ay napakaamo mo at hindi bayolente ng hawakan kita."

Hinahaplos ko ang katawan nito. Ang haba ng balahibo nito na kulay puti pero ang dulo ng tenga nito ay kulay itim at maging ang apat na paa nito ay ganoon din ang kulay. Tiningnan ko ang buntot nito. Katulad rin ito ng tenga niya na kulay itim ang mga dulo nito.

Inangat ng sleirion an ulo nito at tumingin sa akin, "Hindi naman kita pipigilan kung gusto mong umalis." Hinawakan ko ang ulo nito at pumikit ito.

Nang imulat nito ang mga mata ay nag-iba ang kulay nito. Mula sa kulay dilaw na mga mata ay nagkulay asul ito. Nagulat ako ng magbago ito. Katulad na nito ang kulay ng mga mata ko. Wala akong gaanong alam sa mga sleirion pero kapag natapos ko na ang dapat kong gawin sa gubat na to ay maghahanap ako ng impormasyon sa library ni lolo Warren tungkol sa kanila.

Dinilaan niya ang pisngi ko at nakita kong nagtaasan ang mga buntot niya sa likod niya. Nakita ko kung gaano kaganda ito.

"Gusto mo ba talagang sumama sa akin?" Hindi ko alam kung bakit ko pa ito kinakausap na alam ko naman na hindi niya ako maiintindihan. Siniksik niya pa ang sarili nito sa akin kaya napangiti ako. Ngayon lang na may hayop na nahawakan kong ng ganito.

"Kailangan kitang bigyan ng pangalan. Ano kayang magandang ipangalan sayo? Sali? Haren? o Kira?" Sa huling sinabi ko ay dinilaan niya ang kamay ko.

"Gusto mo ang pangalang Kira? Iyon na ang ipapangalan ko sayo, 'Kira'."

Tumayo na ako at itinabi ang tubig sa bag pagkatapos kong painumin si Kira. Hindi ko na pinapasok ito sa bag at naglakad na rin ito. Bumalik na rin ang lakas niya sa nakalipas na dalawang oras.

Naghahanap pa rin kami sa loob ng gubat at habang tumatagal ay lalo kaming lumalayo sa labasan nitong gubat. Tumitingin ako sa paligid kung makikita ko na ang hinahanap ko.

Nagawi sa tingin ko sa gilid ko at napansin ang malaking puno. Lumapit ako dito at sumusunod rin si Kira sakin. Tiningnan ko ang tuktok nito at napansin ang kulay pulang maliit na bunga nito. Umikot ako sa puno para maghanap ng sanga nito na mas mababa na may bunga para makita ko kung anong klase ng bunga nitong puno.

May nakita ako at nang lapitan ko ay napansin kong rosen ito. Ang mga rosen ay kasing pula ng mga rosas. Hugis bilog ito na maliliit. Ang mga ito ay ginagamit ng mga taong pumupunta sa mga gubat dahil sa epekto nito kapag kinain. Kung ang mga rosas ay may mga tinik pero ang prutas na ito ay kayang magparalisa ng tao o hayop na kakain nito.

Nagtaka ako kung bakit isa ito sa mga request na hindi kinukuha ng ibang katulad kong umaasa rin sa reward kapag natapos ang mga ito.

Bakit wala man nagbalak na kunin ito? Hindi naman ako katulad nila na gumagamit ng ganitong prutas kapag pumapasok ako sa gubat. Mga patalim at pana ko lang ang kailangan ko para makapaglibot sa gubat.

Kailangan kong akyatin ito para makakuha ako. Isang tangkay lang ang kukunin ko dahil wala naman sinabi kong gaano karami ang dapat kong kuhanin. Lalapit na sana ako sa puno ng mapansin kong may ilang bubuyog ang nakapalibot sa puno.

Hindi muna ako lumapit at tiningnan ko muna kung bakit merong mga bubuyog sa punong ito. Pagkapunta ko sa likod nito ay nakakita ako ng mga bahay ng mga bubuyog na nakasabit sa sanga ng puno. Kung may mga bubuyog na sa lugar ko ay mas marami sila kung aakyatin ko ito.

Hindi ko na magagawa ang pag-akyat dahil baka sugurin ako ng mga bubuyog. May kahabaan pa naman ang puno bago ako makapunta sa mga sanga nito. Siguro kaya walang kumukuha ng mga rosen dahil sa mga bubuyog na nakatira dito.

Nilapag ko na ang gamit ko sa tabi ni Kira. Inalis ko ang pana ko na nakasabit sa balikat ko at kumuha ako ng palaso. Kung hindi ko pwedeng akyatin ay kaya ko namang patamaan ang sanga para malaglag ang mga rosen. Hindi kailangan puro nakasanayan lang ang dapat gawin sa pagkuha nito sa pamamagitan ng pag-akyat pero kailangan mo rin mag-isip ng ibang paraan para makuha ito. Hindi nila naisip ito kaya pinabayaan na lang nilang sa iba ang pagkuha.

Inasinta ko na ito at nang matamaan ko ay isang tangkay ang nalaglag. Binitawan ko muna ang pana ko at sinalo ang mga prutas. Nang makuha ko na ito ay kumuha ako ng dahon upang balutin ito.

Napansin kong inaamoy ni Kira ang ilang rosen na nalaglag kaya tinawag ko ito para hindi niya makain. Nagugutom na siguro ito kaya kinuha ko siya.

"Nagugutom ka na kaya umalis na tayo at maghanap ng makakain."

Nilagay ko na sa bag ang rosen na nakuha ko at kinuha ang mga gamit ko para makaalis na. Napansin ko dumidilim na ang dinadaanan ko dahil sa mga punong natatakpan na ang sinag ng araw. Alam kong maliwanag pa pero habang naglalakad ako ay lalo lang nawawalan ng liwanag sa dinadaanan ko.

Tumitingin ako sa paligid para maghanap ng prutas para makain namin. Hindi naman ako natatakot sa gubat na to dahil mula pagkabata ay lagi na akong pumupunta dito. Alam kong mapanganib ang lugar na to pero dito lang ako nakakapagsanay.

Nakakita ako ng puno ng mansanas kaya lumapit ako dito. Karaniwan ng makakita ng ibat-ibang prutas sa gubat kaya alam kong pwede itong kainin at walang rin itong lason.

Binaba ko si Kira at umakyat na sa puno para kumuha. Pagkatapos kong makakuha ay bumaba na ako at binigyan si Kira. Mabuti na lang ay kumakain ito ng prutas.

May ilan ring hayop ang napapadaan sa lugar namin kaya hinahagisan ko rin ng mansanas na nakuha ko. Kinukuha naman nila. Nakakapagod ang maglakad at kailangan ko munang magpahinga para mapagpatuloy ko ang paghahanap.

Sumandal ako sa puno at pinikit ang mga mata ko. Gusto ko munang umidlip at lumapit rin si Kira sa akin. Ipinatong nito ang ulo niya sa hita ko at pumikit rin ito. Sa paggising ko ay panibagong paghahanap ulit ang gagawin ko.

The Black ArcherWhere stories live. Discover now