Chapter 22 - First shot

2.2K 157 24
                                    

Nakapag-update na rin. Don't forget your comment.

My So Strict Boss - Book 1
You're Still The One - Book 2
My Snobbish Heart - Teen Fiction

~○~

Maingat akong  pumasok sa bahay. Mabuti na lang na wala pa ang dalawa. Kailangan kong mauna sa kanila. Wala pa akong nakakasalubong habang paakyat sa kwarto ko.

Nakapasok na ako at sinarado. Mabilis akong pumasok ng banyo. Naligo at nagpalit ng damit. Tinago ko ang balabal at damit kong nakita ni Zero na suot ko. Mas mabuting hindi muna ako lumabas dito. Hindi ko pa rin maiwasang isipin ang nangyari kanina. Muntik na akong makita ni Zero. Sa lahat ng taong pwedeng makakita sa akin, siya pa.

Nanghihinayang ako sa lugar na iyon na pwedeng tirhan ni Kira. Maganda ito dahil may tubig at madaling makakuha ng pagkain.

Narinig kong may kumatok sa pinto. Inayos ko ang pagkakatago ng buhok ko. Binuksan ko at nagulat pa si Anna.

"Kanina ka pa ba dyan?"

"Oo."

"Kumatok ako sa kwarto mo pero hindi ka sumasagot. Akala ko nagpunta ka sa gubat kaya iyon ang sinabi ko sa taong kasama mo dating nakitulog dito. May kasama pa siyang isang lalaki at hinahanap ka."

"Natutulog ako kaya hindi ko napansin ang pagkatok mo."

"Kailangan kong abangan ang mga lalaking iyon sa labas para alam nilang nandito ka lang."

Umalis agad siya at sinarado ko ang pinto. Kahit masamang magsinungaling pero kailangan kong gawin para na rin sa sarili ko. Bakit hindi pa kasi umuwi yung dalawa at tigilan na ako. Hindi na dapat ako nakialam sa pagsasanay ng prinsipe para hindi niya ako ginugulo ngayon.

Nagbabasa ako ng libro ng kumatok ukit si Anna, "Dana, nandito na yung naghahanap sayo. Bumaba ka na para kasing galit yung isa."

Sigurado akong yung Zero na yon ang galit. Wala namang ginawa ang isang iyon kundi magreklamp o magalit. Kung hindi lang niya kasama ang prinsipe, hindi ako bababa at hahayaan siyang maghintay.

Una nakakita sa akin ang prinsipe, "Magandang umaga, prinsipe Dreiron."

"Walang maganda sa umaga kung ikaw naman ang hahanapin."

Hindi ko pinansin ang sinabi ng katabi niya, "Magandang umaga rin."

"Bakit niyo ako hinahanap?"

"Hindi ba nagpapaturo ako sayo? Ako na lang ang pumunta sa bayan niyo para maturuan ako."

Hindi ko na pwedeng tanggihan siya ngayong siya na mismo ang nagpunta dito sa bayan namin.

"Sige. Kumain na ba kayo?"

"Hindi pa dahil sayo."

"Kumain ka na muna, prinsipe Dreiron at iwan mo na lang ang kasama mo dyan at maghanap ng sarili niyang pagkain."

"Aba't-"

"Tumigil ka na, Zero. Nagbibiro lang siya."

Dinala ko sila sa kusina. Nandoon si Anna at naghuhugas ng pinggan. Nakita niya kami at ang mga kasama ko.

"Kakain na ba kayo, Dana?"

"Oo."

"Umupo na kayo at ipaghahain ko na kayo."

"Tutulong ako, Anna-"

"Huwag na. Samahan mo na lang ang mga bisita mo."

Mas gusto kong tumulong kaysa umupo lang dito. Ayoko pa namang manatili sa presensya ng dalawang taong nasa harap ko.

The Black ArcherWhere stories live. Discover now