Sana po ay suportahan niyo ang story ko sa ibang website katulad ng pagsuporta niyo sa story ko dito sa wattpad. Gumawa ako ng story sa inkitt. Every reads niyo don makakatulong sa akin kaya sana bigyan niyo ng chance at pwedeng rin bang magcomment kayo kung nagustuhan niyo. 😊
My So Strict Boss - Book 1
You're Still The One - Book 2
My Snobbish Heart - Teen Fiction
CURSED - Romance posted in Inkitt.~○~
Nakarating na kami sa training area. Binaba ko ang basket sa tabi at lumapit sa prinsipe. Binigyan ko ng instructions habang naghahanda sa pagsasanay. Inisip ko na lang na kaming dalawa lang ang nandito para hindi pa lalo masira ang araw ko.
"Tama ba ang pagkakahawak ko, Dana?"
"Oo. Gawin mo lang ang sinabi ko para masanay ko sa posture at pagkakahawak sa pana."
Pinanood ko siya habang nagsasanay siya. Hindi na nila kailangang magtagal dito. Mabilis lang matuto ng prinsipe at pwede na niyang ipagpatuloy sa palasyo basta susundin lang niya ang mga sinabi ko. Kinuha ko ang basket at tiningnan ang nilagay ni Anna. Sandwich ang laman nito. Lumapit sa akin ang prinsipe at binigyan ng isa. Kinuha nito at tumabi sa akin.
"Salamat sa sandwich."
Narinig kong may umubo. Nagmumula iyon sa bandang likod ko pero tuloy lang ako sa pagkain ng sandwich.
"Hindi mo ba ako aalukin ng sandwich, Dana?"
"May narinig ka bang nagsalita, Prince Dreiron?"
Natawa ito sa sinabi ko. Ang lakas ng loob niyang manghusga kanina. Wala kasing kaalam alam na yung mga taong may katungkulan pa ang gumagawa ng masama. Hindi sila nag-iimbestiga sa mga tao kaya nakakalusot sa mga pinaggagawa nila. Binigay ko kay Prince Dreiron ang isang sandwich.
"Kung gutom ka pa pwede mong kainin yan o ibigay. Baka ano na naman ang lumabas sa bibig ng iba dyan dahil hindi lang nabigyan."
Natawa ito sa sinabi ko at inabot kay Zero. Ayoko ng pinagkakausap ang taong sarado ang isip sa mga bagay na hindi niya alam. Pagkatapos kumain ay iniwan ko muna sila para mapakain si Kira. Kahit nagtatago ito, hindi pa rin ako mapapanatag dahil may kasama akong malakas ang pakiramdam at hambog na tao at bigla na lang magtanong.
Hindi ko na kinuha ang mansanas sa basket. Maghahanap ako ng iba para hindi sila makahalata. Nang makalayo na ako, nagpakita na ang alaga ko at sumasabay sa akin. Nilalapit niya ang ulo sa likod ko.
"Gutom ka na ba, Kira?"
"Opo, master."
"Hindi kita mabigyan dahil may kasama ako. Pasensya na kung ngayon ka pa lang kakain."
Nakakita ako ng puno ng prutas at kumuha. Dinagdagan ko na para makabawi sa kanya. Mas lumalakas na siyang kumain dahil sa bilis ng paglaki niya. Halos umabot na siya sa taas ko at lalaki pa siya dahil bata pa ito.
Bumalik na kami at ginamit niya ang kakayahan ng buntot niya para pwede pa rin niya akong mabantayan. Nagsasanay na muli ang prinsipe. Umupo ako sa malaking bato sa gilid. Pinagmamasdan ang ginagawa nito. Mabilis siyang matuto hindi tulad ko na nahirapan at halos sumuko noon dahil wala akong kaalam-alam sa mga dapat kong gawin. Sinimulan kong magsanay noong 12 years old ako.
May nabasa akong libro na ang babae sa kwento ay marunong pumana. Nagagawa niyang ipagtanggol ang sarili at ang mahal niya sa buhay dahil kaya niyang labanan ang ibang tao. Bumili ako ng pana at kahit walang patnubay ng sinuman, ginawa ko ang lahat para matuto. Kahit delikado ang lugar na pinagsasanayan ko at maaari akong mamatay sa ginagawa ko, iniisip ko si Mother Delia na gusto kong protektahan.
YOU ARE READING
The Black Archer
Fantasy"You can't take me down by a single blow but I can kill you in an instant without you knowing it" -The Black Archer-