Prologue: Hello Vita!

23 1 0
                                    


"Listen to me, Sky. Kapag nalaman ni Mommy yang nangyari sa iyo ipalilibing kita." Sabi ni Kuya Zeus, habang naglalakad ng pabalik-balik sa harapan ko. Yeah, kapag nalaman ito ng parents ko, for sure hundred percent, double dead ako.

To be honest kahit ako hindi ko alam kung papaano ito nangyari, ang natatandaan ko lang. Nakipag-break ako sa boyfriend ko dahil nakita ko siyang mayroong kahalikang lalake, tapos pumunta ako sa Cube (isang bar), syempre uminom ako hanggang sa hindi ko na alam kung anong nangyari sa akin at pag-gising ko kinabukasan nasa isang hotel na ako, walang saplot, masakit ang buong katawan, at hindi pa diyan nagtatapos dahil after two weeks nagkaroon ako ng parang morning sickness, my feels sore and tender, well actually hindi ako sure at hindi ko din kasi sukat akalain na mabubuntis ako, kaya naman binalewa ko lang siya pero after a month wala parin yung period ko, kaya medyo nag-panic ako, kaya naman kahit nakakahiya sinubukan kong bumili ng pregnancy test, at ayun na nga.

Confirm! *sabog confetti*

At first hindi talaga ako naniniwala, kasi sorry guys hah, pero putangina hindi ko nga sure kung meron nga ba talagang nang-yari sa amin nung bwisit na hinayupak na iyon, kaya naman kaagad akong pumunta sa kapatid kong doctor na nag-tratrabaho sa isang pribadong hospital. I undergo a lot of medical tests bago pa tuluyang na confirm na I'm pregnant, bwala just like that at hindi ko man lang alam kung may tatay ba itong bata sa sinapupunan ko. Talagang papatayin ako ng nanay at tatay ko, no doubt.

"Paano kung ipa-abort ko kaya ito?" Tanong ko sa kanya, habang turo-turo ko yung tyan ko. Sorry little kid. Napahinto naman si kuya at tinignan niya ako na para bang nakatingin siya sa isang basura. Come on.

"Napaka heavenly ng pangalan mo kaya gusto mong magkaroon ng heavenly sin?" Sarcastic niyang tanong, with disgusting look with his eyes.

"Come on kuya, paparusahan ako ng diyos kapag namatay pa ako, pero sila mommy papatayin ako sa oras na nalaman nilang nabuntis ako at hindi ko man lang alam kung sino ang tatay ng dinadala ko, make sense naman, ipapanganak ko siya sa mundong ito pero wala siyang magulang?" Matapang kong sagot sa kanya, kahit sa totoo lang natatakot talaga ako dahil 20 years old pa lang ako murderer na ako. Wow grabe ito.

"Kung ayan naman ang problema mo, I am willing to adopt the baby. So please die already." Ouch ah, napaka talaga ng bunganga ng lalakeng ito. Tss. Pero nakapagdesisyon na ako, I am sorry little kid, wala akong future na maibibigay sa iyo. I am sorry. Kasalanan ko itong gawin, kaya sana mapatawad mo ako, hindi ko naman sinasadya ito eh, sorry talaga.

"Kuya, nakapagdesisyon na ako. Ipapalaglag ko yung bata meron ka bang doctor na kakilala?" Sagot ko naman sa kanya, habang kumakain ng potato chips. Pagkain lang talaga may forever. Napabuntong hininga naman si kuya, tapos naupo na din siya sawakas.

"Walang legal na abortion dito sa pilipinas." Sagot niya, sasagot pa sana ako kaso nagsalita na siya ulit eh, "Meron akong kilalang obstetrician na nakapag-abort na noon, kaso nasa bakasyon siya ngayun. Kakausapin ko muna siya. Umalis ka muna sa harapan ko." Sabi niya, kaya naman kaagad akong tumayo at lumabas sa opisina niya.

Simula ng mabuntis ako, lagi na lang akong gutom kaya naman dumerecho ako sa isang fastfood chain para kumain. Pero habang nasa pila nakasabay ko yung bestfriend kong si Patricia kaya naman nag-sama na kaming dalawa sa iisang lamesa. Nagkamustahan kaming dalawa, and then ikinuwento ko sa kanya yung nangyari sa akin at kagaya ng reaksyon ni kuya gulat na gulat din siya sa katangahan ko, pinagkakaltukan niya pa nga ako sa harap ng madaming tao, well sanay na ako, ganyan talaga ugali niya.

"Grabe ka, porket bakla si Jules mapapabuntis ka na lang kahit kanino? Nakapa desperada mo naman. Nakakainis kang tignan." Mahina niyang bulong sa akin, habang kumakain ako ng favorite hamburger ko. Tss. Wala ba akong kakilalang understanding? Or kahit hindi understanding pero atleast yung merong care, grabe mga bunganga nila oh, buntis ako uy!

Love You, Maybe?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon