Chapter 8: It's been a long time

2 1 0
                                    

July 18, 2016

"Three days na lang, lalabas na si little kid." Sabi ni Red, habang nagluluto sa loob. Ngumiti lang ako, habang hinihimas ko yung sobrang laki ko tyan. Tss. Sana normal delivery ako, ayoko mag-cs nakakatakot kasi.

Nagtataka siguro kayo, bakit kasama ko yung kapatid ni Black noh? Actually pagkatapos mag-usap ni Black at ng nanay niya hindi na siya bumalik at pagkatapos ng isang linggo umalis na din yung mga kaibigan ko at si kuya sa Vita kaya naman kaming dalawa na lang ni Peter ang naiwan, pero pagkatapos ng isang buwan dumating si Miss Red na mayroong dalang papel na pinabasa niya kay Peter. Isang linggo lang si Peter naman ang umalis kaya ako na lang ang natira dito sa bahay, laking pasasalamat ko na lang at sinasamahan ako ni Aling Belen at Martha. Isang buwan pa ang lumipas bago bumalik ulit si Miss Red at nag-volunteer siyang samahan ako hanggang sa panganganak ko, kaya hanggang ngayun siya pa rin ang kasama ko.

Siya kasama ko pagpunta sa hospital, panonood ng mga movies at cartoons, pati sa pagkain magkasundo kami, mukha na nga kaming mag-ate eh, napakabait niya sobrang opposite siya ni Black.

"Red, saan ako manganganak?" Tanong ko sa kanya, habang naghahain siya ng pagkain.

"Well, kung cesarean ka. Syempre sa Hospital pero kung hindi naman okey lang kahit dito na lang sa bahay, if you want. It depends on what you want." Sagot niya naman tapos naupo na siya at nagsimula na kaming kumain. Nakakatuwang isipin na inakala kong fiancée siya ni Black, tapos ngayun ako yung pinagsisilbihan niya. Naalala ko tuloy noon nung tinanong ko siya bakit niya ginagawa ito, at sinabi niya na nahihiya siya sa akin dahil nadamay pa kami ng anak ko sa gulo ng pamilya nila, naalala ko din na pinipilit niya ako na wag iwan si Little Kid, kasi ayaw niyang lumaki yung pamangkin niya sa magulong pamilya na walang nanay. Sa totoo lang nagguilty ako sa ginagawa namin ni Black, kasi paniwalang paniwala sila na kamag-anak nila si Little Kid kahit hindi naman talaga, mas naawa ako sa kanila kesa sa akin eh. Kasi sa una pa lang gusto ko na talagang mahiwalay dito sa bata. Shit, think positive sky, positive please.

"Tinawagan ko si Black, sinabi ko na malapit ka ng manganak." Sabi ni Red, out of the blue kaya naman nasamid ako bigla. Nataranta din siya kaya kaagad siyang tumaya at pinainom ako ng tubig. "Wala siyang sinagot sa sinabi ko, pero pinasasabi niya na Lance Kevin Carter daw ang napagdesisyunan na pangalan ni Little Kid." Sabi niya habang pinupunasan yung mukha ko. Wow, so big deal na ngayun si little kid sa pamilya nila. Lance Kevin? Akala ko color din ang magiging pangalan ni Little Kid, pero mukhang pinutol na ni Black yung color naming sa henerasyon nila. Hahaha.

"Bakit natatawa ka? Akala mo siguro color din pangalan ni Little Kid no? Hahaha iniisip ko nga baka pagsamahin pangalan niyo eh." Sabi naman ni Red kaya lalo akong natawa.

"Black Sky? Pangit naman, hahaha dark vader na lang kung ganoon din." Sagot ko naman habang humahalakhak ako sa sobrang tuwa.

"Malay mo nimbus." Sagot naman ni Red, medyo nag-buffering ako nung una hindi ko kasi nagets, tapos nung naintindihan ko na natawa ako na parang tanga, pumapalakpak pa ako, hahahaha nimbus clouds, hahaha witty.

Nagtawanan lang kaming dalawa habang kumakain, pagkatapos kumain dumerecho na ako sa kwarto ko para matulog, pero bigla namang nag-ring yung phone ko at unknown number yung lumabas. Nung una nagdadalawang isip pa ako bago sagutin, hanggang sa tumigil siya sa pagriring pero after five minutes nag-ring ulit kaya naman sinagot ko na.

Me: Who's this?
Ang tagal bago nagsalita yung tumawag, pero nung nagsalita na siya kinilabutan ako. "It's me, Black. How are you? Is everything okey? I heard the news, pero asks the doctor again kung pwede kang mag-normal delivery...." He sounds so tired.
Me: I'm okey, tinanong ko na din yung doctor at sinabi niya na baka daw pwede naman pero kailangan ko ng magdesisyon baka daw kasi mag-c-section kami sa kalagitnaan.
Napabugtong hininga naman siya, "Uuwi ako sa 21. Inayos ko na lahat, kaya andyan ako sa 21."
Me: hindi ko itatakbo si Lance, no need to worry.
"Shut up, I am the father natural lang na andiyan ako. Stupid."
Me: No you're not.
"One more stupid word, pasasabugin ko pamilya mo."
Me: tss. Whatever. Yeah may I ask bakit hindi color ang pangalan ni Lance?
"Wala ka ng pake dun."
Me: okey bye
"Don't you dare to cut the line, I want to talk to my son." Binuksan ko naman yung loudspeaker nung cellphone ko.
Me: Okey na. Magsalita ka na.
"Son, how are you? It been a long time since the last time I talked to you. I'm really sorry, but always remember that I always love you. Malapit na din tayong magkita, hindi na ako makapag-antay. Lance, baby---" pinutol ko saglit si Black.
Me: Wait lang, kanina masakit yung likod ko tsaka yung beywang ko. Natatakot na ako..
"What!? Stay calm okey, ibaba ko na ito tawagan mo si Red. At wag na wag kang tatayo. Wag kang tatayo tawagan mo siya hah, wag kang tatayo. Sige na bye."

Love You, Maybe?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon