Chapter 3: Little Kid

7 1 0
                                    

I woke up the moment I smell the seductive aroma of the holy baconness. Kaya naman kaagad akong bumangon at nag-ayos ng mukha at bunganga ko and then I immediately ran to the dining table.

"Good Morning." I greeted him with a big smile in my face. Syempre goodvibes ako ngayun eh. Pero hindi siya sumagot kaya I knew that he's not in the mood. Tss, sino ba talaga ang buntis sa aming dalawa?

Lumapit siya sa lamesa para ihain yung mga niluto niya, naka-ayos na kasi ang lahat ng mga kubyertos. Dahil good mood ako today, hinayaan ko na lang siya sa silent treatment niya sa akin, at alam ko din namang di kami close, kaya dapat di ako nag-aassume. Well whatever.

Kumuha na ako ng tinapay, itlog at syempre bacon. Wahh~ bacon is forever.

"After you eat, uminom ka ng mga vitamins mo. Inayos ko na yung lalagyan, kaya iinumin mo na lang." He said in a very very very cold tone. Tinitigan ko siya ng masama ng maramdaman niyang hindi ako okey sa inuugali niya, pero ano pa ba aasahan ko? Tss feeling ko talaga super napipilitan lang siyang kausapin ako. What the hell is wrong with this man? The other day 40% normal na siya, specially kahapon sa mall, mukha siyang normal na tao na marunong makipag-socialiaze, pero today parang mas lalong lumala ang pagiging cold niya. Pwede na niyang palitan si Elsa sa pag-le-let it go. Geez, whatever Patuloy lang ako sa paglamon, dahil sobrang sarap talaga ng itlog with matching bacon. hurhur this is heaver. Yung hari naman ng north pole busy sa pagbabasa diyaryo.Sigh, to tell you the truth, kahit ganyan ugali niya. Okey lang sa akin, kasi at least I know na meron akong kasama, meron akong karamay kahit na medyo bipolar siya. Okey lang kasi iba yung feeling kapag magigising dahil sa amoy ng lutong ulam sa umaga tapos tuwing kakain ka merong kang kasama, tapos mag-kkwentuhan kayo sa nangyari sa araw niyo. Yung typical family setting, kasi aanhin ko ang yaman na pinagpapaguran ng mga magulang ko kung hindi ko naman sila nakakasama o nakakausap dahil super busy sila sa trabaho. Makakausap ko ba yung debit card? mapagluluto ba ako ng passbook ni mama? hindi diba? kasi kahit na sabihin niyong mabibili ako ng katulong o ng chef ng perang iyon, iba pa rin yung aruga ng taong mahal mo eh.

It's sound stupid and hypocrite but I prefer the normal life, the middle class family. Yung walang katulong, walang kotse, walang kwarto, tapos minsan itlog at noodles lang ang pagkain namin at least di ba magkakasama kami at higit sa lahat masaya kaming nagtatawanan.

Hindi din yung nangyari sa buhay namin ngayun, yumaman nga kami. Guminhawa nga naman ang buhay namin pero di naman kami masaya. Hahabulin at iiyakan ko ba si Jules kung sapat yung pagibig na nararamdaman ko sa pamilya namin? Pupunta ba ako sa bar para uminom kung andyan namam si mama at papa na handang makinig sa akin?

I don't want to blame them because they are my family, kaya lahat ng sama ng loob at galit binubuhos ko sa pera na pinagpaguran nila sa pera na mas higit nilang pinagtuunan ng pansin kesa sa akin. Kung hindi namin kailangan ng pera di aalis si papa para magtrabaho sa ibang bansa at hindi siya maghahangad ng malaking bagay, na ngayu'y dahilan kung bakit minsan na lang kami magkita.

Ay nako, past is past. Che. Dedma.

"Ang saya ng ganito noh." Oops, kinausap ko nanaman siya!! Tss badtrip nga pala siya. Wala namang sasabihinh maganda itong lalakeng ito. Now he's looking at me, and he look disgusted. Yeah what i've said was really disgusting.

"I'm not actually happy with this." He replied while staring at me with his cold and intimidating eyes. Yeah halata ko naman, pwede bang maki-ride ka na lang? Napaka unsocialize talaga ng lalaking ito, nakakainis. Nabebeastmode ako eh. Tinitigan ko naman siya ng masama habang nginunguya ko ng mabuti yung tinapay na kinagat ko.

Hindi niya naman inalis yung mga mata niya sa akin kaya nagtitigan kaming dalawa na para bang kapag narinig namin yung tunog ng bell, magsasapakan na kami. Little kid, pag-laki mo wag kang pasaway ah, wag ka ding makikipag-away! Bad yun.

Love You, Maybe?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon