Chapter 5: Look who's here

7 1 0
                                    

{12/21 }

Asan nanaman ako? Bakit ang dilim dito? Sinabi ko na kay Peter na, umiihi ako palagi kaya wag isasara yung ilaw eh. Binubuksan ko yung lampshade pero ayaw bumukas kaya naman tumayo na ako sa kama ko at naglakad ako papunta sa banyo ng kwarto ko pero ayaw namang bumukas ng pintuan kaya't lumabas na ako para pumunta sa banyo na malapit sa kusina. Tahimik ang paligid at syempre madilim dahil madaling araw palang at mukhang brownout din. Sigurado din ako na tulog pa si Peter sa taas kaya siguro hindi bukas yung generator.

Nang papalapit na ako sa banyo, nakarinig ako ng iyak ng bata kaya naman kaagad akong pumunta sa pinangagagaling ng tunog at nang nakarating ako sa harapan ng pintuan lumalakas na yung iyak. Nag-dadalawang isip ako kung bubuksan ko ba yung pintuan o hindi, syempre tao lang ako natatakot din ako, lumakas pa lalo yung iyak nang bata kaya naman dahan-dahan kong binuksan yung pintuan at tsaka ko nakita yung bata na puro dugo at iyak siya ng iyak habang nakadapa sa lapag. Lalapitan ko sana siya ng bigla siyang humarap sa akin. W-wala siyang mukha kaya naman napaatras ako kaso bigla akong nakaramdam na parang merong tumutulo sa binti ko kaya naman kaagad kong tinignan kung ano iyon at nagulat ako nang nakita kong dinudugo nanaman ako.

A-anong nangyayari?

L-little kid?

Patuloy sa pag-iyak yung bata sa harapan ko.

uhwaa.. uhwaa..

ma...ma.. s-stop hurting me, mama stop *sobs* p-please.

Nanglaki yung mata ko sa takot ng narinig ko yung batang mag-salita habang nakadapa sa lapag at umiiyak.

L-little kid? Stop crying

Ma..ma.. it hurts, please stop. Please stop hurting me, it hurts so much. uhwaaa.

Stop crying.

it hurts. ma.. it hurts.. it hurts so much..

ma.. please stop hurting me.

"Miss.. Miss." Nagising ako sa pag-aalog ni Peter. That dream again? Seriously? This is the third time na napaginipan ko iyon, but it still scares me to the moon and back.

Napahawak ako sa tiyan ko, hindi ko alam kung dapat ba akong mag-sorry or dapat ko siyang sisihin dahil ilang araw na din ako hindi nakakatulog ng maayos.

Little kid, I'm sorry. I won't hurt you anymore.

"Miss, are you okey? Nag-aalala na po ako sa inyo. Sobrang putla niya nanaman po." sabi naman ni peter, habang pinupunasan niya yung pawis ko. Yeah, this is the third time na napaginipan ko iyon, hindi ko alam kung nagsisigaw ba ako o kung ano, pero thankful talaga ako na nandito siya everytime na gigising ako. Dahil kung ako lang ang nandito, baka magka-mental breakdown ako.

"Kelan, uuwi si Haze?" tanong ko naman sa kanya, at hindi nanaman siya makatingin sa akin ng derecho. Ano two days nanaman?

"Tinignan ko po yung schedule niya, at mamaya po baka nasa manila na siya para sa last meeting niya p-pero meron po kasi siyang mahalagang event kaya baka mag-stay po siya sa manila for another day or two." paliwanag ni Peter, habang inaayos yung breakfast in bed. Wow Spam and egg tapos meron nanaman caesar salad. Wah, this is the life talaga. Kahit naiinis ako sa pa two days-two days ni Haze sa pag-uwi, nawawala talaga yung inis ko dahil sa mga masasarap na pagkain ni Peter.

Love You, Maybe?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon