A/N: So ito na nga, chapter four nako. So according to TSL Calendar, today is December 8, 2015. Seven week pregnant na si Sky. Yay~
#SilverLiningMC
--
Pagkamulat ko ng mga mata ko si Aling Marta ang una kong nakita. Kaagad naman siyang lumapit sa akin nang nakita niya akong dumilat.
"Ano ineng, kamusta ka na? Haba ng tulog mo ah. Halos isang araw ka din natulog ah." Tanong niya sa akin, pero mukhang wala pa ako sa kaayusan, parang wala pa akong energy at wala din akong maalala pagkatapos kong himatayin pagkapasok namin sa hospital.
"Si Little-- yung baby? O-okey lang po yung baby?" Kaagad kong tanong sa kanya pagkabalik ng lakas ko. Sasagot pa lamang si Aling Marta ng biglang sumulpot si Haze sa likuran niya.
"Pwede ko ba siyang sampalin?" Seryosong tanong ni Haze kay Aling Marta, nanglaki naman bigla yung mata ko sa tanong niya. Hard ah, sampal talaga ang bungad sa akin, hindi ba pwede kiss or hug?
Sinapak naman ni Aling Marta sa sikmura si Haze, "Itong damuhong ito, wala ng magandang sinabi. Muntikan ka ng mawalan ng anak oy, magbago ka na." Sermon naman nito, kaya nag-away nanaman sila.
Muntikan? So ibig sabihin hindi siya nawala? Oh my God. T-thank you po. Thank you po talaga.
"H-hey, ano? Bakit ka umiiyak? Meron bang masakit? Tandang hukluban tumawag ka nga ng dok--" hindi ko na pinatapos si Haze at niyakap ko siya ng mahigpit sobrang higpit. "S-sorry. Sorry." Bulong ko sa kanya, habang pilit ko pinipigilang umiyak. Naramdaman ko namang niyakap niya din ako, kaya medyo kumalma yung pakiramdam ko.
"Hoy, damuho. Lalabas na muna ako at magpapacheck-up. Patigilin mo iyang asawa mo sa pag-iyak." Sabi naman ni Aling Marta, at tsaka niya sinarahan yung pintuan.
Umalis ako sa pagkakayakap niya, "S-sorry, h-hanggang ngayun kasi hindi ko parin tanggap yun--" hindi nanaman niya ako pinatapos, hindi siya nagsalita, wala siyang sinabi, pinunasan niya lang yung mga luha ko. Nakakainis, feeling ko tuloy ang sama-sama ko, mag-salita ka. Laitin mo ako, sabihin mong ang tanga-tanga, please.
"Tumigil ka na sa pag-iyak, hah. Y-you promised to give that child to me right? So please stop crying, please stop over thinking, please forget him, just for the baby's sake, please. Kasi every time na umiiyak ka nasasaktan siya, every time na nalulungkot ka nasasaktan siya." He said to my face, while trying his best not to cry. Little kid, nagseselos na ako sa iyo, buti pa sa iyo, merong nagmamahal ng sobra-sobra. "Sky, look at me. The doctor said that you are rejecting the child, and your uterus is not comfortable for the baby anymore and If this continues, mawawala na sa ating si baby and I don't want that to happen. I need baby more than you need him. So please, kung masama pakiramdam mo, kung meron kang gusto, or anything na makapag-papasaya sa iyo ibibigay o gagawin ko. Please." Wow, so ako pala kontrabida? Sorry naman, sorry kasi pagkagising ko buntis na ako, sorry kasi hirap na hirap akong tanggapin iyon, sorry na hanggang ngayun hindi ko pa rin matanggap na wala na si Jules sa akin. Little Kid, alam kong napaka sama ko sa iyo, I'm so sorry, hindi ko alam kung ilang sorry na ang nasabi ko sa iyo, pero alam kong hindi iyon sapat sa lahat ng ginawa ko kaya, sorry talaga.
"S-sky, what do you want?"
"I want love and attention." Sagot ko sa kanya, habang nakayuko ako at hinihimas yung tyan ko. "Haze, love me please. Kahit nine months lang. Love me, look at me. Kasi gusto ko lang kumain na merong kasama, gusto kong umuwi sa bahay na merong babati sa akin o yung kakamustahin ako, gusto kong matulog na merong nag-ggoodnight sa akin. Gusto ko ng normal na pamilya. Sawang-sawa na akong mag-isa, ayoko ng mag-isa." Sagot ko sa kanya, habang umiiyak ako sa balikat niya. Siya naman pilit akong pinatitigil sa pag-iyak pero ayaw tumigil ng luha ko. Kasi nasabi ko na yung gusto ko..
BINABASA MO ANG
Love You, Maybe?
RomansaHave you experience a series of bullshits in your life? Like Sky Mendez, who found that her long time boyfriend was a gay and she's freaking pregnant and what worse is she have no idea who the hell is the father. Her life was completely messed up a...