Chapter 2: Lovely Day

10 1 0
                                    

Buti naman, hindi masyadong malamig ngayun. Happy morning.
Tatayo na sana ako ng bigla kong nakita si Haze sa tabi ko, so dito siya natulog kagabi? Ang gwapo niya talaga, yung buhok niya parang clean cut dati na humaba na at medyo curl ang dulo, tapos yung eyelash niya ang haba dinaig pa yung akin at wag ka, hindi lang kita ngayun pero ang mga mata color gray, at ang nose matangos halatang foreigner talaga, wait there's more ang mga lips talagang namumula, kissable talaga. However hindi siya ganern kaputian, medyo moreno siya at the muscles ohmygod, dream body talaga. Arf. Ohh ang height, 11 inches ang tangkad niya sa akin, at 5' 1'' ako. Oh diba, kaya nga yukong-yuko siya nung niyakap niya ako eh. Haha naalala ko tuloy yung getting to know each other namin kagabi, ang hirap pasagutin ng lalakeng ito. Talaga basic information lang ang nalaman ko sa kanya.

Well if my memory serves me right, he is Haze Keiser, hindi niya kinunpirm pero feeling ko half german siya. 24 years old na siya, so apat na taon ang tanda niya sa akin. Hindi niya sinabi kung ano trabaho niya but he said that he can give everything I want. Rich kid, diba. Wala din siyang sinabi about his family, at madami siyang ayaw; kagaya ng maingay, makalat, pakielamera, maanghang, at etc. masyado kasing madami kaya nakalimutan ko na yung iba. Ohhh naalala ko din na metikuloso siya pagdating sa mga gamit niya kaya binalaan niya ako na huwag makielam, at gusto niya bago mag-ten tulog na ako, ayaw niya din na aakyat ako sa taas pwera na lang kapag sinabi niya. Wala din daw siyang pakielam sa kakainin ko basta, hindi iyon makakasama sa baby. Tapos every end of the month pupunta kami sa doctor sa bayan para icheck-up yung kalagayan ko, at every wednesday merong cleaning lady na dadating kaya hindi ko daw kelangang maglinis o maglaba. Ibinigay niya din yung cellphone number niya para hindi ko na siya tatawagin, ittext ko nlng daw yung kailangan ko at siya na ang bahala.

Yung lang ang napag-usapan namin kagabi, kakaunti lang yung sinabi niya about sa sarili niya pero ako ikinuwento ko ang buong buhay ko sa kanya. Pero wala siyang pake, ouch diba sayang ang effort.

Naalala ko tuloy si Jules, tuwing nagkkwento ako sa kanya lagi na lang siyang nag-rereact kaya minsan nagtatalo kami, pero kahit ganun masaya kaming dalawa. Kaya dinamdam ko talaga ng sobra yung ginawa niya, malelessen siguro ng ten percent yung sakit nararamdaman ko kung babae yung pinalit niya sa akin, pero hindi eh. Ang dami naming blueprint para sa future, gusto niya pa ng madaming anak tapos biglang ipagpapalit niya ako sa isang bakla, woooo. Hirap talagang tanggapin.

"Hey, what's the problem?" Tanong ni Haze, kaya naman kaagad akong tumalikod sa kanya. Anubayan baka isipin niya tinitigan ko siya. "Hey, di ba sabi ko sa iyo wag kang iiyak dahil bawal maistress ang buntis." Paalala niya sa akin, tapos tumayo naman siya at pumunta sa side kung saan ako nakatingin.

"Remember Jules? My ex-boyfriend?" Tanong ko sa kanya, at tumango naman siya.
"I still love him." Naiiyak kong sagot sa kanya.
"But he's a gay, right?" Tanong niya naman sa akin, habang pinupunasan yung luha sa pisngi ko.

"You know, I just imagined kung anak siguro ni Jules itong bata na ito, siguro hindi kita iniistorbo. Kasi masakit sabihin pero it's okey kahit bakla siya, kahit meron siyang ibang lalake, okey lang. As long as he's beside me every morning or night." Sagot ko sa kanya at tsaka ko itinakip yung unan sa mukha ko. Nakakainis. Ayokong aminin yun dahil kahit papaano meron parin akong pride. Huhu nakakainis talaga.
"Hey, stupid lady. That kid is not yours anymore, so stop crying and wash your face. Magluluto na ako." He said in a very rude tone, kaya naman tinanggal ko kaagad yung unan sa mukha ko para tignan siya, habang naglalakad siya palabas ng kwarto. Did he call me stupid? Well whatever, sanay na ako sa bullying. Naghilamos lang ako saglit tapos lumabas na ako, kasi nakakaamoy na ako ng pagkain.

"Seat here." Sabi niya sabay turo sa upuan sa tabi niya, oo alam kong iyo na yung baby noh, grabe siya. Tse. Pero sumunod parin ako sa utos niya, well dapat behave lang.
"Pang ilang weeks na iyan?" Tanong niya habang kumukuha siya ng kanin at itlog.
"Uhm, ninth week na ata?" Sagot ko naman, habang hinahalo ko yung gatas na tinimpla niya. Ang swerte na malas ng mapapangasawa ni Haze, gwapo at macho na magaling pang mag-alaga, bipolar nga lang.

Love You, Maybe?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon