Nakalabas na kami ni Lance sa Hospital. Kaya umuwi na kaming tatlo ni Black sa bahay, pero unlike before medyo iwas kami sa isa't isa. Mag-uusap lang kami kapag mayroon kailangan si Lance.Naghati din kami sa gawaing bahay, siya na daw bahala sa lahat ng gawaing bahay ako naman bahala kay Lance, pinakiusapan niya din ako na tatapusin niya yung isang manuscript ng bago niyang libro kaya tuwing gabi dun siya sa taas.
Halos isang linggo na kaming ganito, minsan dumating sila Aling Martha kaya nagpapanggap kaming okey ang lahat, well actually okey naman ang lahat eh. Ako lang talaga yung hindi, kasi bukod sa nagsisisi ako, napapamahal na din ako kay Lance... Tapos naguguluhan din ako sa nararamdaman ko para kay Black.
"Oh, pupunta pala tayo sa Hospital bukas. Check-up ni Lance." Paalala ni Black, habang kumakain kami ng tanghalian.
"Kayo na lang dalawa, ayokong sumama." Sagot ko sa kanya, habang nilalaro ko yung pagkain. Kinuha niya naman yung kutsara ko at tinapon sa lapag, kaya sa sobrang gulat ko nasigawan ko siya. "What the hell is your problem!? Baka magising yung bata!"
"You! you are my problem? I understand kung bakit mo ako nilalayuan, pero ang hindi ko maintindihan bakit kailangan idamay mo si Lance?" Sigaw niya din sa akin. Naguguluhan ako? Anong idinadamay ko si Lance?
"Black, you do not understand my situation. I hate that child so much I almost killed him, but I still carried him to my womb for nine months. I almost died giving birth to him and now, every fvcking night I was awake because of him, hindi ko gagawin yun kung hindi ko mahal yung bata *sobs* kaya ayoko ng mapalapit sa kanya kasi mahirap, mahirap makalimot. Intindihin mo ako please." Sagot ko sa kanya, habang patuloy sa pagtulo yung luha ko.
"Then marry me and you don't have to leave him anymore."
"No, I know you love Lance so much but you don't have to do this, you still deserve to love someone you really love."
"Are you stupid or what? Sa tingin mo ba aayain kitang magpakasal kung hindi kita mahal? After all diba sinabi mo hindi mo ako iiwan?"
"Eh diba ikaw din ang nagsabi noon na wala akong karapatan kay Lance?"
"Sky, I love you? I guess? I don't know how, why, and when I just .... This is stupid."
"Yeah, you look so pathetic Black. I'm so sorry but I don't believe your words. Let's stop this conversation." Sagot ko sa kanya, tapos tumayo na ako at dumerecho sa kwarto namin ni Lance.
Arggggh. I hate your father so much.. Hate him so much baby. So much that I started thinking to accept his proposal.
---
Kinabukasan.. Sumama pa rin ako sa check-up pero mas lalong tumindi yung awkwardness sa amin ni Black, before nag-uusap pa kami ng mga random things pero ngayun, miski tingin hindi ako makatingin sa kanya.
Habang patagal ng patagal, palaki ng palaki yung agwat namin ni Black. Nawawala din ng kaunti yung nararamdaman ko para sa kanya, kasi naging busy kami sa pag-aalaga kay Lance.
Kahit hindi kami masyadong nag-uusap nagpapakiramdaman pa rin kami, kaya medyo nagkakaintindihan na kaming dalawa.
Isang linggo na lang at matatapos na yung tatlong buwan.
Nanonood kami ni Lance ng Charlie the Bear ng biglang pumasok si Black sa kwarto namin dala yung kumot at unan niya.
"Ceasefire. Isang linggo na lang, let's act like we are one big happy family." Cheerful na sabi ni Black, tapos binato niya sa lapag yung dala niya at binuhat niya si Lance at nahiga siya sa kama habang yung ulo niya ay nasa binti ko. "Starting today, I'll call you mommy and you will call me daddy, hindi ito pakiusap. Utos ito na kailangan mong sundin, tandaan mo malaki ang utang mo sa akin." Sabi niya naman habang kinikiss ng kinikiss si Lance, kaya naman sinampal ko si Black.
"Daddy, stop kissing him. Baka magasgasan yung mukha niya sa balbas mo." Sabi ko naman kaya, tumayo si Black at inilagay sa crib si Lance.
"Okey, diyan ka muna baby bear ah, mag-aahit lang si daddy." Sabi niya kay Lance sabay kiss nanaman. Tss "Mom! Samahan moko." Utos niya tapos lumapit siya sa kama at binuhat ako papunta sa banyo.
"Deja vu?" Tanong niya
"Bakit ang hyper mo?" Tanong ko naman sa kanya.
"To be honest? I'm horny." Sagot niya naman sabay kiss sa akin, kaya sinampal ko siya kaagad. Pero walang pake si mokong at patuloy sa pagkiss sa akin hanggang sa tinatanggal na niya yung damit ko.Weird, ilang buwan din kaming hindi nagpansinan tapos bigla siyang lalapit sa akin kasi he's horny? Well ako rin naman. Let it be, sorry baby.
---
Pinandigan naming tatlo yung utos ni Black, kaya this whole week we pretend like we're a happy family. Eating together, laughing together, sleeping together, and meron pa kaming night session ni Black. Nakakainis sabihin pero masaya, masaya ako na kahit isang linggo naranasan ko ulit na magkaroon ng pamilya, masaya kasi kahit papaano nararamdaman ko sa bawat hawak ni Black na importante at mahal niya ako, kahit alam kong hindi naman totoo, napaka comfortable sa pakiramdam. Kaya sobrang nakakainis, kasi pagdating ng umaga tapos na ang pagpapanggap namin.
"Sky, I really love you." he said while looking to my eyes. Nagtitigan kaming dalawa, matagal ko ng nakikita itong mukhang ito pero ngayun ko lang narealize na mayroon pala siyang nunal sa ilalim ng kanan niyang mata. I love you? Hahaha why? Why me Black? You don't even know me?
I'm a sinner. I'm a dirty woman. I don't deserve you.
But I love you too.
"Black, wake up."
End of Arc 1
BINABASA MO ANG
Love You, Maybe?
RomantikHave you experience a series of bullshits in your life? Like Sky Mendez, who found that her long time boyfriend was a gay and she's freaking pregnant and what worse is she have no idea who the hell is the father. Her life was completely messed up a...