Chapter 6: Room

3.9K 200 15
                                    

Cassia's PoV


"Omyghad! I kennat! Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang hinalikan ka ni Blaze! Kyaaahh!" Malakas akong hinampas ni Eurice dahilan upang magising ako sa katotohanan.

"Ano ba!? Bwiset kang bakla ka! Duon ka nga!" Mataray kong saad nang maka-get over ako sa pag-iisip ng nangyari kanina.

Ang hayop na blaze na 'yun! Kinuha na nga niya ang first kiss ko pati ba naman ang second kiss ko!? At ang worst pa ay kinuha niya ang second kiss ko sa harap ng maraming tao! Paniguradong headline nanaman ako bukas!

"Hoy! Nandito na tayo sa building ng condo mo!" Hiyaw bigla ni Eurice. Tiningnan ko siya ng masama. Bakit ba ang hilig-hilig netong manigaw? Napupunyeta na ako sa totoo lang.

"Namo, Eurice! Ang lapit-lapit lang natin sa isa't isa! Tapos grabe ka manigaw diyan! Gusto mo sungalngalin ko 'yang bunganga mo?" Asik ko. Hinanap ko ang aking lipstick sa bag ko para 'yun sana ang ipapasungalngal ko sa kaniya pero mabilis naman siyang humingi ng sorry.

"Sorry na! Huhuhu." Umakto siyang umiiyak at saka nag-peace sign. Halatang nagpapa-cute. Hindi naman cute kasi nakakatakot siya sa mukha niyang 'yan. Naiimbyerna ako. Hays.

"Oo na! Kingina ka. Bukas na lang, Eurice. Bye." Nakipag beso-beso ako kay Eurice bago tuluyang bumaba ng kaniyang van at saka naglakad papunta sa entrance ng building kung nasaan ang condo ko na naging condo na din ni Blaze. Psh.

Mabilis akong nakapunta sa condo ni Blaze at saka dali-daling pumasok nang ma-swipe ko ang card kung saan iyon ang ginagawang susi para makapasok ka.

"Hey." Natigilan ako sa paglalakad papunta sa sofa ng condo nang biglaang may magsalita sa aking likod. Huminga muna ako ng malalim bago siya tiningnan.

"Ano nanaman?" Naiinis kong tanong sa kaniya. Palagi na lang ba ako guguluhin neto? The last time I check maayos pa ang buhay ko, pero ngayon? Kengene. Gumulo! At dahil sa kaniya iyon!

"Ang tagal mo 'yatang umuwi?" Napansin ko ang pag-salubong ng kaniyang kilay. Umismid ako dahil sa tanong niya. Ano naman sa kaniya?

"Oh tapos? Tsk. May ginawa lang ako kasama si Eurice. 'Yung mga gamit ko sa kwarto mo, nailagay mo na ba sa isang kwarto?" Mataray kong tanong sa kaniya. Aba! Alangan namang ako pa ang maglagay ng mga gamit ko sa isang kwarto sa taas? Neknek niya!

"Kung hindi pa. Pwede namang ikaw na lang ang mag-lagay ng mga gamit mo sa isang kwarto. Ikaw na lang ang mag-adjust. Tsk." Sabi ko sa kaniya bago naglakad papunta sa kusina upang kumain ng sardinas. Nanaman. Hays.

Seducing the SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon