Chapter 11: Cousins!?

3K 173 10
                                    

Cassia's PoV

"Goodness!" Malakas kong sigaw nang magising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.

"Hangover. Sinusumpa ko talaga itong hangover na 'to." Tumayo ako mula sa pagkakahiga at naglakad papunta sa bathroom ng kwarto ko, nang mapansin kong iba ang amoy ng kwarto ko.

Kumunot ang noo ko at ipinalibot ang aking paningin sa kwarto. "Shit!" Mura ko nang mapag-alaman kong hindi ko kwarto ang tinulugan ko.

"Paano ako napunta sa kwarto nu'ng hayop na Blaze na 'yon?" Naiinis kong pinadyak-padyak ang aking dalawang paa dahil sa sobrang inis.

Ang tanga-tanga mo talaga, Cassia! Pumapasok ka na lang biglaab sa kwartong hindi mo naman kwarto! Singhal ko sa sarili ko.

Inayos ko ang buhok kong sabog at naglakad papa-alis sa kwarto ni Blaze. Mukhang hindi naman 'yata umuwi si Blaze, kaya okay lang na duon muna ako natulog sa kwarto niya.

Pero saan kaya iyon nag-stay kahapon? Sa condo ni Gwyneth? Edi sila na! Sila na talaga! Bagay silang maging love team.

Hindi naman siguro sila nagkainan ano?

Ay ano ba itong mga pinag-iisip ko! Ano namang pake ko kung nagkainan sila? Edi magkainan sila! Tutal bagay naman sila, eh.

Seriously, Cassia? Bakit ang boses mo ay parang nag-seselos?

Whatever. Pinihit ko ang door knob ng kwarto ni Blaze, at laking gulat ko nang bumulaga ang kaniyang gwapong mukha na nakangisi sa akin. Naramdaman ko agad ang pamumula ng aking pisngi. 

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya.

"Malamang. Condo ko ito." Bumaba ang kaniyang paningin sa aking dibdib. Pinamulahan naman agad ako. Malakas ko siyang tinulak at sinigawan.

"Bastos!"

"Ako pa ang bastos? Ako na nga ang tumulong sa'yo kahapon para makatulog kang mabuti." Nanlaki ang aking mata dahil sa sinabi niya. Ano daw?

"Excuse me? Hindi ko naman sinabing tulungan mo ako, eh. Che!" Nanggagalaiti kong saad. Nakakainis talaga itong si Blaze! Dapat mag-sama sila ni Gwyneth, eh.

"Babye na at may aalis pa ako." Inirapan ko muna siya bago dumiretso sa aking kwarto. Kahapon, merong nag-offer kay Eurice na ako daw ang mag-model ng isa nilang product. Nagulat nga ako, kasi bakit ako ang gusto nilang gawing model, eh hindi naman ako sikat.

Bayaan na nga! Buti nga at may trabaho ako ngayon, eh. Keysa naman dati na walang-wala.

※※※

"Excuse me?" Pinakita ko ang ngiti ko sa isang cameraman na nandito sa pinagdarausan ng pagpo-photoshoot. Mabilis naman itong lumingon sa akin.

Seducing the SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon