Chapter 22: Near

2.6K 117 10
                                    

Cassia's PoV

Nakangiti akong naglalakad pababa ng hagdanan. Pwede ko nang matawag ang 21 na pinakamasayang araw ko! Unang-una dahil kay Blaze at ang kaniyang nakakakilig na mga gestures. Pangalawa ay 'yong kay Eurice naman!

Tumawag kasi sa akin kanina si Eurice at sabi niya ay may bagong trabaho daw ako ngayon. 'Yung ay pag-model sa mga bagong design ni Ate Crizhella. Ang galing lang niya! Photographer slash designer siya!

"Hoy Blaze! Pupunta lang ako sa building na pagmamay-ari niyo, ah? Pinapapunta ako duon ni Ate Criz. Bantayan mo itong condo. Bye!" Mabilis kong pamamaalam kay Blaze nang makababa ako sa hagdanan.

Umangat ang aking paningin kay Blaze dahil sa kaniyang itsura. Bakig parang bihis na bihis 'yata siya? Anong meron?

"Sasama ako sa'yo. I'm your partner slash boyfriend kaya sasama ako."

Nagkibit balikat ako saka pumunta sa kaniyang harap. "Tara na pala. Ayokong ma-late. Nakakahiya kay Ate Criz, baka sabihin pa-special ako."

Umalis ako sa kaniyang harapan at nag-umpisa ng maglakad. "Special ka naman talaga..." Mabilis akong napatigil sa paglalakad nang marinig ko si Blaze na bumulong.

"May sinasabi ka?" Hindi ko kasi narinig! Bakit ba kasi ang bingi ko? Baka mamaya sinabi na pala niyang mahal niya ako. Ay puta! Ano ba itong nasa isip ko, susme.

"Sabi ko hindi naman ganuon 'yung gorilla na 'yon kaya huwag kang matakot."

Tumango-tango ako bago naisipang maglakad na ulit. "Sasakay na lang ako. Baka makita pa tayo ng media." Saad ko nang maalala ko ang mga media. Nasa harap na ako ng pintuan ng maramdaman kong may humawak sa aking kamay.

"No. Let the media discover our relationship, babe." Saka niya binuksan ang pintuan ng kaniyang condo at saka ako hinila upang makalabas ako.

Tiningnan ko siya habang sinasarado niya ang pintuan ng condo at tumikhim na lamang dahil nahihiya akong sabihin ang gusto kong sabihin. Babe.

Shet talaga mga bhes. Pwede na akong himatayin! Tinawag niya akong babe! Pwede na talaga akong tumambling up and down habang nagsp-split dahil sa kilig. Shet naman kasi. Ang lakas magpakilig netong si Blaze.

Nabalik ako sa reyalidad ng hilain ako ni Blaze palabas sa elevator. Huh? Nasa baba na agad kami? Ilang minuto ba akong nag-isip na kinikilig ako at nasa baba na agad kami? Hindi ko man lang napansin, like ugh ugh.

"Oh my shit! Nakikita mo ba ang nakikita ko!?"

"Putangina girl! Si Baby Blaze at Cassia! Like oh my goodness! Picturan mo! Kyaahh!"

Seducing the SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon