Chapter 1: First Meet

4.7K 260 36
                                    

Cassia's PoV


"Hi." Nakangiting bati niya sa akin. Feeling ko dumikit ang aking mga paa sa sahig dahil hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan.

Futayna. Nu'ng nakita ko siya sa picture na nasa phone ni Eurice ay gwapo na talaga siya. Pero iba pa rin talaga ang feeling kapag kaharap mo na.

Feeling ko, dapat ipakulong 'yung picture na 'yun dahil wala pa 'yata sa 50% ang itsura niya duon sa picture kesa ngayong real life.

Ang gwapo-gwapo niya! Mahahabang pilik-mata, matangos na ilong na talaga namang kapansin-pansin, 'yung labi ni- wait? Ano ba ang pinagsasabi ko!? My gosh! Erase erase!

Tinaas ko ang aking kilay saka siya tiningnan at hindi pinahalata na nagwa-gwapuhan ako sa kaniya. Mas lalo lang naman siyang ngumiti pero ngayon kakaiba na.

"Anong ginagawa mo po dito?" Tanong ko sa mataray na boses. Nawala ang pagkaka-ngisi niya at bigla na lamang pumasok sa aking condo na talaga namang ikinagulat ko.

"Hoy!" Singhal ko sa kaniya at saka dali-daling tumakbo papunta sa kaniya. Naglalakad siya papunta sa sala ng aking condo at saka prenteng umupo sa isang sofa duon. Aba, feel at home itong gagong 'to. Hindi nga kami close, eh. Tsk.

"Umalis ka nga sa condo ko! Bakit ka ba nandito ha!?" Galit na galit kong tanong sa kaniya. Malakas kong hinampas ang aking kamay sa kaniyang harap kaya nawala ang pakakangiti niya at napalitan ng hinsi ko malamang emosyon.

"Condo mo? For your information Ms. This condo is now mine." Nanlaki ang aking mga mata dahil aa kaniyang sinabi.


Ano daw!?

"Anong pinagsasabi mo diyan? Akin itong condo'ng 'to! Kaya pwede ba? Umalis ka!" Sigaw ko sa kaniya. Talaga namang nangigigil na ako sa punyetang lalaking 'to.

"Nabili ko na ito kaninang umaga, at sa mismong may-ari ko pa binili. Ang sabi niya hindi na daw kasi nagbabayad ang nakatira dito kaya naman ipinag-bili na niya sa akin ito. Ano? Lalaban pa?" Ngumiti siya ng nakakaloko. Napaawang ang aking labi dahil sa sobrang gulat. Nabalik ako sa reyalidad ng may bigla akong maalala.

"Saan ako titira?" Tanong ko sa kaniya saka tinuro ang sarili ko. Tumayo siya mula sa pagkakaupo kaya naman ay inangat ko ang aking ulo para makita ko siya. Ang tangkad niya, infairness.

"Aba malay ko sa'yo. Pero...." Tumigil siya sa pagsasalita saka siya naglakad papalapit sa akin. "Pero pwede ka din namang tumira dito, kasama mo ako, mas maganda." Kasabay nu'n ay ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking labi na talaga namang labis kong ikinagulat.

Malakas ko siyang itinulak nang maka-get over ako sa ginawa niya saka siya sinamaan ng tingin.

"How dare you! Bastos! First kiss ko 'yun!" Naiiyak kong saad saka hinawakan ang aking labi. Tumaas ang kaniyang kilay, na mas lalong nagpapadagdag ng kaniyang ka-gwapuhan. "Edi mas maganda."

Seducing the SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon