Chapter 36.1: Interview pt.2

1.7K 92 7
                                    

PROPERTY of hanaiagrfx
All rights reserved 2016

Cassia's PoV

"Ngayong kayo na ni Blaze. Paniguradong dadami ang iyong bashers, Ms. Cassia. Anong gagawin mo about du'n?" Tanong ni Gwyneth sa akin.

Natigilan ako.

Wala akong masabi dahil pagdating sa usapang bashers ay nanghihina ako. Marami na akong bashers tapos dadami pa lalo ang bashers ko? Ano na ang mangyayari sa akin? Baka mamaya ipakidnap ako ng mga fans ni Blaze!

"Ahm... Gagawin?" Paninigurado ko sa tanong ni Gwyneth.

Tumango naman si Gwyneth, "Opo, Ms. Cassia."

Oh shit! Malagkit! Omg. What to do na!? I mean what to say na, mga besh? Huhuness. Wala akong masabi because of I don't know. Lols.

Pero seryoso... HINDI KO TALAGA ALAM ANG ISASAGOT KO!!!

Tumingin ako sa mga audience. Lahat sila ay pirmeng nag-aantay ang mga mukha sa isasagot ko. Hindi ko na napigilan ang hindi mag-panic. Paano kapag napahiya ako sa isasagot ko?

Kasi seryoso! Hindi ko din alam kung anong isasagot ko kaya mapapahiya ako kapag wala akong maisasagot! Omg!

Pwede bang mag-sabi ng No Comment?

My ghad, Cassia! Bakit ba kasi napaka-slow mong gagita ka!?

Gaga

Gaga

Gaga

Gaga

Ahhhhhh! Mababaliw na ako!

"Ano... Ang magagawa ko lang ay..." Tumigil ako saka nag-isip ng palihim. Sumagot na lamang ako ng may biglang pumasok sa utak ko.

"... ang hayaan sila. You see? Naiintindihan ko naman kung bakit ayaw nila sa akin dahil hindi naman lahat ng tao ay perpekto. Lahat ng tao ay may sari-sariling kapwa taong kinaayawan. Pero kung tungkol ito kay Blaze, pwedeng magsabi ng No Comment?" Nahihiyang tanong ko.

Shushenginers talaga Cassia! Nakakahiya ka! No comment ka pa diyan!? Gegu ka!

Nahulog ang panga ni Gwyneth pero mabilis din naman siyang nakabawi.

"Sure. Hahaha. So, kamusta ang buhay with Kuya Blaze?" Nakangiting tanong niya ng makabawi.

Hayop 'tong si Gwyneth. Kung ano-anong tinatanong na hindi ko naman kayang sagutin, eh.

"No comment ulit..." Nahihiyang sagot ko. Ayokong sumagot basta't tungkol sa buhay namin ni Blaze ang pinag-uusapan. Hehez.

"Pwede naman nating tanungin si Kuya Blaze di'ba?"

Nagulantang ako nang sabihin iyon ni Gwyneth ang mga katagang iyon. Kahit ang mga audience ay may sari-sariling ekspresyon ang mukha nang sabihin iyon ni Gwyneth out of the blue.

Seducing the SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon