PROPERTY of hanaiagrfx
All rights reserved 2016Chloe's PoV
Tumikhim ako at tumingin kay Natthew. Diretso siyang umiinom sa bote ng alak na inorder niya at walang ekspresyon ang mukha habang nakatingin sa kawalan.
"I think so? Bakit mo gustong malaman?" Tanong ko.
"Wala lang. Kawawa naman 'yang kapatid niya. Naulila sa Ate ng napaka-aga. Hahaha." Saka ko narinig nanaman ang kaniyang tawang mangkukulam. Sumimangot ako. Ayaw na ayaw ko talaga sa tawa ng gagang 'to. Ang hirap kaya makipag-plastikan. My ghad.
"Ilang taon na siya ngayon?" Tsismakers talang itong si Diana. Mano't manahimik at itikom na lang ang kaniyang bibig. Napaka-tsismosa.
"23 na ako ngayon. Minus 2. 'Yun ang edad niya." Bored kong sagot sa kaniya. My ghad. Nauuyam na ako sa pakikipag-usap sa kaniya sa totoo lang.
"I see. Basta 'yung plano para sa akin at para kay Blaze, ah? Sige na. May photoshoot pa ako. Bye, biatch."
Umirap ako sa hangin at saka mabilis na pinatay ang tawag. Hindi na ako nag-abala pang magpa-alam dahil wala naman siyang kwenta. Isa din siyang bitch na malandot na hindot na mas malala pa sa akin. Tsk. Nakaka-kulo ng dugo, seryoso.
Saka 'yun? Ang hayop na babaeng 'yon? Napakasama ng ugali! Akala mo siya ang anak ni Satanas dahil sa sobrang sama ng ugali. Masama ugali ko pero hindi naman ganu'ng kasama na nagpapatay ako ng napakaraming tao.
May sakit 'yata ang babaeng 'yon. May gusto ako kay Blaze pero hindi naman 'yung obsess. Kaya kong idistansaya ang sarili ko kapag nasampal na ako. Lols. Pero siya, dati, kahit ilang beses na siyang nasampal ni Cassia ay hindi pa rin dumidistansya.
May lahi din ang babaitang 'yon na baliw. Nababaliw sa pagka-obsess kay Blaze na napunta sa puntong nagpapatay na siya ng napakaraming tao nu'ng time na 'yon.
Umiling-iling ako habang pumapasok sa aking utak ang nakaraan. The bad memories that happened years ago.
Napatingin ako sa katabi ko. Katulad nu'ng tiningnan ko siya ay ganuon pa rin ang kaniyang posisyon. Umiinom pa rin sa bote at nakatingin sa kawalan.
I'm so sorry, Natthew Hades Persephone.
Cassia's PoV
"Lalalala~" Kanta ko.Malapit na akong mabaliw dito sa totoo lang. Huhuhu. Ilang oras na ang lumipas bago umalis si Chloe sa tapat ng condo ko. At ilang oras din ang lumipas na nakatunganga lamang ako sa kawalan at inaantay na dumating si Blaze.
It seems like forever to me. Huhuhu.
Tumayo ako saka naglakad papuntang kusina. Maghahalukay na lang siguro ako ng makakain para kahit papaano ay mawala ang pagka-bored ko.
BINABASA MO ANG
Seducing the Superstar
Teen FictionSi Cassia Persephone ay isang epic fail na artista, naghihirap, walang project, at higit sa lahat... Sikat, sa mga bashers niya. Well, paano nga ba siya sisikat kung kasabayan niya sa lime light ay ang isang sikat na Blaze Caspius McCole? Ang cent...