PROPERTY of hanaiagrfx
All rights reserved 2016Cassia's PoV
Natulog ako kahapon na hindi ko man lang nakausap si Blaze. Okay lang, mukhang okay lang naman kay Blaze na hindi niya ako makausap kasi ang ganda nu'ng babaeng kalandian niya eh, pwedeng-pwede na niya akong ipalit duon.
Nandito ako ngayon sa condo ni Blaze. Mag-isang kumakain. At katulad ng dati kong ulam. Ang ulam ko ay sardines.
Nakarinig ako ng yabag na papalapit sa kusina kaya mabilis akong umaktong kumakain at hindi nagpahalata na hindi ko napansin ang pag-lapit niya.
Sinong niya? Malamang si Blaze. Kingina. Siya lang naman ang kasama ko dito sa condo. Unless na lang kung may inuwi siyang babae dito.
Pwede rin.
"Morning, Cass." Malambing niyang bati sa akin. Nakita ko sa aking peripheral view na lumapit siya sa akin bago ko naramdaman ang paghalik niya sa aking pisngi.Pinigilan ko naman ang kilig na agad na bumalot sa akin, pagkatapos niya akong halikan sa pisngi.
Magtigil ka Cassia! 'Wag mo 'yang kakausapin dahil may kasalanan pa 'yan sa'yo! Petengene! 'Wag kang magpapadala sa mga halik niyan. Hmph.
Bigla ko naman naalala na 23 ngayon. Kanina kasi tumingin ako sa kalendaryo ng phone ko. Kaya nalaman kong 23 ngayon.
"Anong oras ang flight natin papuntang US?" Tanong ko.
Nagsalubong naman ang kilay niya, kaya akala ko hindi na niya ako sasagutin pero sinagot pa rin niya ang aking tanong.
"Exactly 1:00 PM. May private jet ako at duon tayo sasakay." Tumango-tango ako at hindi na nagsalita.
Ilang minuto siyang nakatayo sa aking tabi at nang maramdaman niya na hindi ako babati sa kaniya ng 'good morning' ay umubo siya ng mahina. "Is there any problem, Cass?" Nag-aalangang tanong niya. Umirap ako sa hangin at walang pasabing tumayo mula sa pagkakaupo at lumayo sa kaniya.
"Don't talk to me..."
Gumuhit ang iritasyon sa mukha ni Blaze. Siya pa ang may ganang mairita ah? Ang kapal naman talaga. "What?"
Bumuntong hininga ako at inulit ang sinabi ko. "I said don't talk to me. Bingi ka ba o talagang pinapaulit mo lang? Which one?" Sarkastikong tanong.
Mabilis kong inubos ang natitirang kanin sa pinggan at saka naglakad sa sink upang hugasan ang pinagkainan ko at saka mabilis na umalis sa kusina ng hindi man lang siya kinausap.
Take that as your punishment, McCole. Ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang niloloko ako.
※※※
Buong magdamag ay nagkulong ako sa aking kwarto. Inayos ko lahat ng gagamitin ko para sa concert nila. Kahit galit ako kay Blaze ay pupunta pa rin ako sa concert para kila Ruhence.
Hindi na din ako lumabas ng kwarto ko kahit na ilang beses na kumatok si Blaze at tinatawag ang aking pangalan.
Manloloko!
Saktong 12:30 ng tanghali nang may kumatok sa aking kwarto NANAMAN. Nakabihis na ako ng damit na susuotin ko papunta sa US. Handa na din ang isang shoulder bag ko na maliit.
Huminga ako ng malalim bago maglakad papunta sa pintuan ng aking kwarto at saka ito binuksan.
Tumambad naman sa paningin ko ang isang gwapong-gwapong Blaze Caspius McCole na nakangisi. Ang kaniyang buhok na Comb Over ay magulo at halatang hindi inayos. Pero bakit ganuon? Ang gwapo-gwapo pa rin niya sa paningin ko?
He rocks the comb over that nobody's business. His lips moved into a sexy smile. Tangina!
"A-Anong kailangan mo?" Tanong ko kahit na nanginginig ang aking kalamlaman dahil sa kaniya.
"I'm here to fetch you." Saad niya at walang pasabing kinuha ang aking kamay at hinila papalayo sa kwarto ko. Nanlaki ang aking mga mata habang nasa likod niya ako.
Nang maka-get over ako sa nangyayari ay mabilis kong binawi ang aking kamay at saka naunang maglakad. Tanging ang takong ng sapatos ko ang maririnig sa buong hallway.
Galit pa rin ako sa kaniya. Hmph!
※※※
Pagkababa ko pa lamang ng kotse ni Blaze ay sumalubong kaagad sa akin ang napakadaming babae sa entrance ng Blassia Airport na pagmamay-ari ni Blaze. Ang weird nga ng name ng airport na 'to. Blassia na ewan. Ang panget gumawa ng may-ari ng pangalan. Tsk.Naramdaman ko naman ang pagbaba ni Blaze sa kaniyang kotse pero hindi niya hinawakan ang aking kamay. Nakaramdam naman ako ng pagkadismaya nang mauna siyang maglakad papasok ng Blassia Airport.
Hahakbang na sana ako papasok sa airport nang may marinig akong busina ng kotse katabi ng kotse ni Blaze.
Kumunot ang noo ko at binigyan ng pansin ang kotseng bumusina. Malakas ang hiyawan ng mga babae dahil kay Blaze pero hindi ko iyon pinansin at tumingin lamang sa kotse.
Bumukas ang pintuan nito. Halos lumuwa ang aking mga mata nang lumabas sa kotse si Chloe.
Yes! Si Chloe Sandoval na haliparot! My goodness!
Anong ginagawa niya dito? Huwag mong sabihin na inimbitahan din siya ng Nexus na pumunta sa concert nila sa States? Kengene nemen.
Ang kaninang malakas na tilian ay mas dumoble ngayon. Sa totoo lang, para silang mga timang na nagtitilian. Hindi pa sila napapagod tumili? ang sakit kaya nu'n sa lalamunan.Tumaas ang isang kilay ko nang kumaway si Chloe sa mga fans niya kuno at dire-diretsong naglakad papasok sa airport at mukhang hinabol pa si Blaze. Mukhang hindi ako napansin at balak makipag-landian sa boyfriend ko.
Tangina. Hindi ako magpapatalo sa higad na 'yan. Leshe.
Lakad-takbo ang aking ginawa upang makahabol sa dalawa. Pero hindi na ako nakahabol dahil ang dami na ng kumpulan ng babae ang nangyayari. Malakas din ang kanilang tilian habang nagkukumpulan.
Halos hindi na nga din ako makalakad dahil nadadala na nila ako gamit ang kanilang pagkukumpulan.
Ngayon ko lang na-realize na ang hirap pala ng buhay fangirl. Kingina. Feeling ko anytime hihimatayin ako sa sobrang siksikan at ingay. Huhuhu.
At hindi ko na din alam kung nasaang part na ng airport ako dahil sa mga punyetang babaeng 'to! Baka mamaya malaman-laman ko nasa gulong na kami ng eroplano. Jusko po!
Naiiyak ako na naiinis! Naiiyak ako dahil sa nararanasan ko ngayon! Naiiyak din ako kasi alam kong hindi ako makakapunta sa private jet ni Blaze dahil nandito ako sa kalagitnaan ng kumpulan. At naiinis ako dahil kay Blaze at Chloe! Hindi man lang ako naalala ni Blaze. Nakakainis talaga! Grrrr.
Nanduon kasi si Chloe kaya hindi ka na niya naalala.
Hmph! Mag-hintay silang dalawa diyan. Pag ako nakawala sa kumpulan na ito, pag-uuntugin ko talaga silang dalawa! Punyeta, huhuhu.
BINABASA MO ANG
Seducing the Superstar
Teen FictionSi Cassia Persephone ay isang epic fail na artista, naghihirap, walang project, at higit sa lahat... Sikat, sa mga bashers niya. Well, paano nga ba siya sisikat kung kasabayan niya sa lime light ay ang isang sikat na Blaze Caspius McCole? Ang cent...