Chapter 26: Chloe's Point of View

2.3K 119 27
                                    

PROPERTY of hanaiagrfx
All rights reserved 2016


Chloe's PoV

Nakangiti akong naglalakad kasama si Blaze sa loob ng Blassia Airport ang pagmamay-ari ng soon-to-be husband ko. Hihi.

Kilig na kilig ako habang kami ay naglalakad papunta sa private jet niya. Tapos dumadagdag pa 'yung mga tilian ng mga fangirls namin ni Blaze.

Bagay talaga kami ni Blaze!

Don't mind that Cassia the bitch. Mang-aagaw at echusera lang naman 'yon sa buhay naming dalawa ng husby ko. Hihi.

Napansin ko ang paglingon-lingon ni Blaze na para bang may hinahanap. Nagsalubong ang dalawang magandang kilay ko dahil sa kaniyang ginagawa.

"May hinahanap ka ba Blaze?" Malambing kong tanong. Tumingin siya saglit sa akin at saka nagpatuloy pa rin sa paglingon-lingon niya sa kung saan-saan. Halos tumalon ang aking puso dahil sa sobrang saya.

"Yeah."

"Sino naman? Nandito naman ako, eh. Hihi." Binulong ko lang ang sinabi ko sa huli at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Baka magulat itong si Blaze sa sinabi ko kaya kailangang ibulong lang. Hoho. Ang ganda ko talaga!

"Cassia is here. And I can't fvcking find that woman!" Galit niyang wika.

Umirap ako sa hangin dahil sa kaniyang sinabi at sa aking nalaman. Cassia is here? Anong ginagawa niya sa airport ni Blaze? Maghahanap ng mga kano at makikipag-landian? Well.

Bagay siyang maging prostitute sa totoo lang. Hahaha!

I heared Blaze cussed, uncountable. Tinikom ko ang aking bibig dahil sa matinding inis para kay Cassia the bitch. Mang-aagaw talaga ang hiprokitang 'yon! Ang sarap niyang patayin at i-salvage! Gosh.

"Manager Zan." Tawag ni Blaze sa kaniyang manager na mukhang nasa 40's ang edad.

Tumigil ito sa pagpipigil ng mga babaeng gustong makalapit sa amin at saka lumapit kay Blaze. Mabilis namang pinalitan ng isang machong lalaki ang pwesto ng manager ni Blaze.

"Yes?" Tanong nito. I looked at him and smiled sweetly. Tumango lamang ito sa akin. Bastos 'tong manager ni Blaze. Hmph!

Parehas sila ni Cassia the bitch! Argh!

'Wag ko nga munang isipin 'yong babaitang 'yon! Basta ako na ang MAS nakakalamang sa kaniya kay Blaze. Hahaha.

Ako ang kasama ngayon ni Blaze, eh. Ang ganda ko talaga!

"Find Cassia and take care of her for me. Kapag nakakita ako ng isang galos sa kaniyang katawan, ikaw makakatikim sa akin, Manager Zan."

Napalitan ng iritasyon ang aking kalamlaman dahil sa inutos ni Blaze sa kaniyang manager na si Zan.

Hanggang ngayon ba naman si Cassia the bitch pa rin ang kaniyang hinahanap? Ang sarap lang sumigaw na nandito ako at burahin na si Cassia sa kaniyang sistema.

Seducing the SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon