Chapter 7

9 0 0
                                    


"Ito na ba ang lahat?" tanong ni aling Helen sa kanyang sekretarya.

"Oho maam. Yan na po ang lahat ng impormasyon na nakalap ko."

Sa kasalukuyan ay tinitingnan na ni aling Helen ang folder na ibinigay sa kanya. Narito ang mga papeles na nagsasaad ng mga detalye na kanyang gustong malaman. Nakaupo siya sa kanyang opisina na nasa pinakamataas na palapag ng gusaling pagmamay-ari niya ngayon. Mula sa kanyang posisyon ay tanaw niyang maigi ang mga nasa ibaba. Maganda ang tanawin na mayroon siya. Malaki ang kwarto kung saan ang mga dingding nito'y mga salamin na makikita ang nasa labas.

"Pasensya na ho Maam pero hindi ko ho lubos maisip kung bakit niyo ho kailangang ipakalap ang mga mpormasyong ito tungko kay Lanze?" tanong ni Darlene.

"Malapit siya sa akin at matagal na rin ng huli kaming nagkita."

"Hindi niyo na ho itatanong maam pero kasintahan ho siya ng kaibigan kong si Grace."

"Kilala mo ba siya?"

"Oho maam. Madalas ko ho kasi siyang makita nung hindi pa ho kayo ang may-ari ng gusaling ito na kasama ang kaibigan ko pero wala na ho si Grace ngayon dito. Matagal na ho siyang umalis at balita ko ho eh nasa isang isla ho siya na malayo dito nagtatrabaho."

"Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?"

"Hindi ho ako sigurado maam pero sa tingin ko ho eh nasa San Agustin siya ngayon."

"San Agustin?"

"Oho Maam. Maganda ho ang lugar na iyon. Dinadayo nga ho yun bilang isang pangturismong destinasyon. Nasubukan ho naming magbakasyon doon nung nakaraang taon at maayos naman ang naging pananatili namin."

"Maaari mo bang kontakin si Grace ngayon?"

"Pasensya na ho Maam pero wala na ho kasi kaming komunikasyon ngayon at hindi ko ho alam kung mayroon ho silang telepono ngayon. Ang huli ko hong balita ay nagtatrabaho ho siya sa isang resort banda doon."

"Ganun ba. Salamat na rin sa impormasyon."

"Wala hong anuman Maam"

Umalis si Darlene at naiwan si aling Helen na tinitingnan ang mga ibinigay sa kanya. Maraming mga detalye na nakapaloob sa mga binabasa niya ngayon ngunit ang tanong na gustong malaman ni aling Helen ay kung nasaan na ngayon ang kanyang anak. Sa kanyang mga pagbisita sa kumapanya nina mang Ronald para na rin sa negosyo ay hindi niya rin ito masulyapan. Ang makita siya ay ang isang bagay na tunay na makakapagpasaya sa kanya bilang ina nito. Sa mga sinabi ni mang Ronald nung huli nilang pagkikita ay nasa isang business meeting ito ngunit sa haba ng panahon na lumipas ay nakapagtatakang hindi pa rin ito bumabalik. Ilang linggo na ang nagdaan at gusto niyang sa mga puntong ito ay matupad na ang kanyang hiling. Sariwa pa sa kanyang mga alaala ang mga pangyayaring nagbigay daan sa sitwasyong ito.

Mahigit dalawampu't taon na ang nakakalipas nang pinuntahan niya si mang Ronald upang pakiusapan ito. Nasa isang bahay sila na tinutuluyan nito at isang empleyado pa si mang Ronald nang mga sandaling iyon nang bumalik siya sa bansa at nakipagkita dito. Naghihintay na siya nang mga oras na iyon at nagpapasalamat na rin siya dahil pinapasok siya ng asawa nito na si Lyka na sa mga panahong iyon ay buhay pa. Isang malaking sun glasses ang kanyang suot ng mga oras na iyon upang hindi makita ang kanyang mga mata. Pagkatapos ng ilang oras na paghihintay ay dumating na rin si mang Ronald.

Sa Isla Mga AlaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon