Chapter 2

12 0 0
                                    

“ring…ring…ring” ito ang tunog ng telepono na inaasahan na may dalang magandang balita. Isang araw pagkatapos mabalitaan ni Mang Ronald ang insidente ay panay ang hintay niya tungkol sa insidente nga sa barko.    

“Hello” sabi niya sa telepono

“Sir, nakita na ho namin ang yate.”

“Nasaan ka ngayon?” tanong niya

“Dito ho sa may isla na pangalan ay Marahat. Isang oras ho ang biyahe mula sa port na sinimulan namin.”

“Si Earl at Lanz. Kumusta ang lagay nila?”

“Nakita na ho namin si Earl pero wala po si Lanz sa barko. Kasalukuyan ho siyang nasa ospital ngayon na binabantayan ni Tony. Kritikal ho ang lagay niya ngayon.” 

“Sa madaling panahon ay pupunta ako diyan. Ikaw na muna ang bahala sa mga tauhan natin at ihatid mo na rin ang pasasalamat ko sa coast guard, mang Rodolfo.”

“Sige ho sir. Makakaasa kayo.”

            Bago lamang kinausap ni Mang Ronald ang driver nila na si Mang Rodolfo na  kung hindi dahil sa ubo nito nung nakaraang linggo ay nakasama sa yate na sinakyan nina Earl at Lanz. Hindi alam ni Andrew na Lanze ang tunay niyang pangalan at wala ring kamalay-malay ang mga naghahanap sa kanya na may amnesia ito ngayon.

            Sa haba ng panahon ng panunungkulan ni Mang Rodolfo ay subok na ang kanyang serbisyo. Pinagkakatiwalaan siya ni Mang Ronald at naging tapat naman ito sa bawat sitwasyon. Nasa edad apatnapu’t lima na si mang Rodolfo at nagsisilbi siyang drayber sa pamilya sa mahabang panahon kaya naman nung nabalitaan nila na nawawala ang yate na sinakyan nila ay pinadala niya ito upang tingnan ang nangyari.

            Kasalukuyan ay nasa sariling study room si mang Ronald sa kanilang mansion. Bilang isang businessman ay kailangan niyang maging mabusisi kung paano magpatayo ng isang negosyo at nakukuha niya ito sa mga libro. Ito ang kwarto kung saan niya inilalagay ang kanyang mga libro. Napakarami kung tutuusin ng mga ito na nakaayos sa kanilang mga pangalan. Mula sa kinaroroonan niya ay tanaw ang magandang tanawin ng dagat sa labas ng kanyang bintana.

            Umupo siya at hindi mawala sa kanya ang pag-aalala sa kalagayan ng dalawa niyang anak. Tanging sila na lamang kasi ang nagbibigay ng mga ngiti sa kanya simula ng mawala ang kanyang asawa. Malayo na nga ang narating niya sa buhay ngunti hindi pa rin ito makakapuna sa pag-ulila niya sa kanyang katuwang sa buhay. Matagal na rin ng nagpaalam ito sa mundo.

            Naalala niya na dito nga pala sa kwartong ito niya kinuha si Mang Rodolfo bilang maging drayber nila. Mahigit sampung taon na rin ang nakakalipas ng araw na iyon. Hindi nagkamali si Mang Ronald sa pagkuha sa kanya. Parang kailan lang ay may buhok pa siya nung una silang nagkita. Sa pagiging drayber ay kumunti ito at mababakas na nga ang mga puting buhok nito.   

            “Ano nga ba ang pangalan mo?” ito ang unang tanong niya kay Mang Rodolfo

            “Mang Rodolfo ho”

            “Ikaw pala ang napili ng mayordoma naming upang maging drayber”

            “Ganun na nga ho.”

            “Umaasa ako na magiging tapat ka sa serbisyo. Mabibigay mo ba yun?”

            “Makakaasa ho kayo sir”

            “Pwede ka ng umalis”

            Naging maayos ang unang tagpo ni Mang Ronald at Mang Rodolfo ngunit bago umalis ay may tinanong na muna si Mang Rodolfo.

Sa Isla Mga AlaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon