Chapter 5

19 0 0
                                    

Nasa ospital si Andew sa mga oras na ito at hinahanap ngayon ang kanyang pakay ng pagpunta. Kailangan pa niyang kabisaduin ang lugar sapagkat minsan lamang nung nakapunta siya dito. Sa malapit ay nakita niya na rin si Jen na lingid pa sa kanyang kaalaman ang presensya ni Andrew. Maulap ang kalangitan sa araw na ito. Kulay puti lamang ang kulay sa iyong pagtanaw sa itaas. Narito na rin ang kanyang pagkakataon. Dapit hapon na sa mga oras na ito nang tinungo niya ang kaibigan.

            “Jen” tawag niya dito.

            “Ikaw pala Andrew”

            “Kumusta?”

            “Anong ginagawa mo dito?”

            “May pinuntahan kasi ako dito sa syudad at napag-isipan kong dalawin ka.”

            “Dito sa ospital?” tanong ni Jen, “May nararamdaman ka bang hindi maganda?”

            “Oo” sabi ni Andrew, “Ang ibig kong sabihin ay maganda itong nararamdaman ko. Este, tama lang pala.”

            TIla nauutal si Andrew sa kanyang pananalita.

            “Gusto sana kitang imbitahing mamasyal ngayon.”

            “Bakit naman?”

            “Baka kasi gusto mong mawala ang stress na maaaring mayroon ka ngayon.”

            Naghintay si Andrew nang tugon ni Jen at batid niya na para bang siya’y natutunaw sa patuloy na pagmasid ng kaibigan sa kanya.

            “Sige” sabi ni Jen

            “Talaga?”

            “Ayos lang sa akin.”

            Muntik ng mapalundag si Andrew sa tugon na ito ni Jen. Mukhang magiging maganda ang araw na ito sa kanya dahil sa pagpayag ni Jen sa kanyang alok ngunit nalaman na lamang ni Andrew na hindi magtatagal ang mabuting pakiramdam niya ngayon. Napukaw siya sa totoong sitwasyon. Hindi makakatulong ang pag-isip niya ng ganitong mga bagay.

            “Aray” sabi niya.

            Hindi niya namalayan ang pagtama ng martilyo sa kanyang kamay.

            “Naku naman”

            Habang inilalarawan niya ang eksena sa kanyang isipan ay bigla na lamang siyang nakaramdam ng sakit na nagpahinto sa kanya. Bumalik siya sa realidad. Mas dapat niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang ginagawa ngayon. Sa panahong nagdaan ay mas nakabisado na niya ang pagkakarpentero. Kasama na rito ang paggawa ng mesa, mga upuan at iba pang mga kasangkapan. Itinigil niya muna ang kanyang ginagawa dahil na rin sa pananakit ng kanyang kamay. Itinabi niya ang martilyo at nagpahinga sa sandaling ito.

            “Kumain ka muna” pagkarinig ni Andrew.

            Lumingon siya sa kanyang gilid at nakita ang kumuha ng kanyang serbisyo na si Mang Thomas. Matanda na nga ito ngunit sadyang napakabait pa rin.

            “Salamat ho Mang Thomas”sabi ni Andrew

            Kinuha ni Andrew ang pagkain at kumain.

            “Tanong ko lang Andrew. Matagal ka na bang nagkakarpentero?”

            “Naku hindi ho. Nung isang buwan ho lmang nang nagsimula akong matuto sa ganitong gawain. Nagpapasalamat nga ho ako sa inyo Mang Thomas sa mga mungkahi niyo sa akin.”

Sa Isla Mga AlaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon