Nagising siya na basang-basa at walang maalala. Nasaan na ba siya ngayon? Anong ginagawa niya dito? Maraming mga katanungan ang ngayo’y nasa kanyang isipan. Paano niya haharapin ang mga bagay na ngayo’y nasa harapan niya? Isang isla ang sa kanya’y magiging isang malaking parte at sa pagbalik nga ng kanyang mga alaala ay ano ba ang kanyang dapat gawin? Sino ang kanyang pipiliin, ang kanyang bagong minahal o ang dati pa’y nagmamahal sa kanya? Sa pagbuklad ng mga katotohanan sa kanyang buhay ay magiging ayos pa ba kaya ang lahat? Isang magaling na tagapangalaga ng kumpanya ang sa kanya’y mabibigay deskripsyon ngunit kailangan niyang maging mas matatag pa dito. Sa pagdating ng isang malaking rebelasyon sa kanyang buhay, sana nga lamang ay mapatawad pa niya ang mismong pulot dulo ng lahat ng mga ito na mangyaring tumangka at dahilan na rin ng kanyang buhay. (Hello: Since almost sa mga babasahin ngayong pocket book is about love, romance and relationships, I decided to make this up. The genre is more on adventure. Kung paano ang isang tao na nagising na lamang sa isang isla na walang-wala ay makakabangon pa sa kanyang sariling mga paa. This is more of a novel so bear with me if medyo mahaba siya. At least, pampalipas oras na to xa. Salamat sa pagbasa. Sana magustuhan niyo ito. P.S. I already completed this novel. Pasensya na sa minor mistakes, I'll do something about it soon enough. Magandang araw!)