Chapter 3

13 0 0
                                    

                “Nasaan na ba yung si Nestor?” sabi ni Aling Presing

            Kasalukuyan ay nasa terminal siya ng jeep at hinihinty na lamang si Mang Nestor. Ito ang nakagawian nilang ginagawa. Hihintayin ni Aling Presing si Mang Nestor upang sial’y makauwi na kasama ang isa’t isa. Nakaupo siya sa waiting shead habang tanaw ang maulap na kalangitan. Dahil sa sama ng panahon kahanapon ay minabuit nilang sa mga kakilala na muna matulog na hindi nab ago sa kanila.

            “Aling Presing” pagkarinig niya.

            Lumingon siya upang makita kung sino ang tumatawag sa kanya.

            “Ikaw pala Albert” sabi niya

            “Sabi ko na nga ba madaaanan ko po kayo dito”

            Si Albert ay katrabaho ni Mang Nestor. Mas bata ito kaysa sa kanya at matagal na panahon na rin silang magtrabaho kung kaya’t naging kampante na sila sa isa’t isa. Di tulad ni Mang Nestor ay wala pa itong maputing buhok. Nasa edad na dalawampu’t lima pa lamang ito.

            “Si Nestor? Nasaan siya?’ tanong niya ditto.

            “Yun na nga po Aling Presing kung bakit ako nandito.”

            “Bakit naman? May nangyari ba?”                       

            “Hindi ho sa ganun. May maliit ho kasi na delay na nangayri kung kaya’t bukas pa po sila matatapos sa pagtrabaho nila ngayong gabi.”

            “Ganun ba” sabi ni Aling Presing.

            May mga pagkakataon sa nakaraan kung kaya’t pareho ito sa mga sandaling iyon. Hindi ito ang unang beses na sasakay ng jeep pauwi si Aling Presing.

            “Eto ho” sabi ni Albert habang may inaabot.

            Ibinigay ni Albert ang ipinahahatid sa kanya ni Mang Nestor.

            “Maayos naman po ang ani naming ngayon” sabi ni Albert “kung kaya’t ipinabibigay ho ito ni Mang Nestor”

            Sa loob ng basket ay nakita ni Aling Presing ang iba’t ibang mga prutas. Ang iba dito’y mga produkto mismo nila habang ang iba nama’y sa mga tindahan nagmula.

            “Salamat Albert” sabi ni Aling Presing

            “Walang anuman po” tugon naman ni Albert “Mauna na ho ako”

            Kahapon ay sabay sana silang uuwi ngunit umulan ng husto kung kaya’t napagpasyahan nilang sa isang kakilala nalang muna matulog. Sa sumunod ngang araw na ito ay uuwi na sana silang magkasabay gaya ng nakasanayan ngunit dahil sa mga nangyari ay bukas pa si Mang Nestor makakauwi sa Sta. Ana. Dadalhin na lamang muna niya ang mga ipinadala nito.

            Tuluyan ng nagpaalam si Albert habang naiwan si Aling Presing na hinihintay na lamang ang susunod na jeep. Hiling niya’y hindi makasagabal ang ulan sa kanilang daanan. Sa tuwing malakas kasi ang tubig ay maputik ang kalimitan nilang nararanasan papunta sa kanilang mga tahanan. Malamig ang simoy ng hangin at presko ang paligid.

            Ilang sandali pa’y nakasakay na rin siya. Madaling napuno ang jeep at dumiretso na sila. Habang nasa biyahe ay inisip niya ang mga sinabi ni Mang Nestor kay Andrew. Ilang araw na rin nilang kasama at naging matulungin naman ito sa mga gawaing bahay. Marahil ay tama nga si Mang Nestor na mas mabuti na rin yung may kasama sila sa bahay. Mag-isa lamang ito sa bahay sa kanyang pag-aakala dahil sa malakas na ulan kahapon na pumigil sa kanilang makauwi. Sa mga mabuting bagay na nitong nakalipas na panahaon ay mukhang maaari pang maging kapakipakinabang ang pagdating ni Andrew sa kanila.

Sa Isla Mga AlaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon