Chapter 6

11 0 0
                                    


Sa araw na ito ay nakabalik na si Harris sa kanyang mansyon. Isang linggo rin siyang nawala at ngayon nga'y nasa gilid lamang si mang Manny na may mga mahahalagang bagay na sasabihin sa kanyang amo.

"May mga nangyari ba nung wala ako, mang Manny?" tanong ni Harris.

Alaso otso na ng umaga at sa oras na ito ay mababatid ang malamig na panahon. May kaunting pag-ulan na mapapansin at tila basa ang paligid. Nababalot ang kalangitan ng mga ulap at napakaberde ng paligid na nagsesenyales ng mayaman na lupain.

"Mayroon ho boss" sabi ni mang Manny, "Tungkol ho ito kay Lanze."

"Nakita niyo na ba siya?"

"Buhay ho siya boss"

"Ibig sabihin nito'y nakaligtas siya sa pagkasunog ng yate." Pagsuri ni Harris, "Gusto kong malaman ang buong detalye, mang Manny. Sino ang mga tumulong sa kanya, ano ang ginagawa niya ngayon at kung nasaan siya."

"Dalawa ho sa mga kinuha nating mga tauhan ang nakakakita sa kanya. Gumawa ho sila ng plano upang madakip si Lanze at nagawa ho nila pero sa gabi ho bago ang araw ng inyong pagdating ay nahuli sila ng mga pulis at nakawala nga si Lanze."

"Magiging madali ngayon ang mga bagay-bagay."

"Mayroon pa pala kayong dapat malaman boss."

"Ano yun?"

Tiningnan ni Harris si mang Manny sa puntong ito.

"Gising na ho si Earl."

Nagising na rin si Earl sa kanyang mahabang pagkakatulog. Nabahala si Harris dahil dito.

"Mang Manny," humanda ka." Sabi ni Harris, "Ngayon mismo ay pupunta tayo ng ospital. Mas mabuti nang makabisita tayo."

Sa puntong ito ay may dadalaw sa kinarooon ni Earl.

Nagising na nga si Earl sa kanyang coma. Nabahala si Haris sa balitang ito. Maaari siyang maging hadlang sa kanyang mga plano at ito ang kailangan niyang iwasang mangyari. Bago pa lamang ang kanyang pagkagising at ilang araw pa lamang ang nakakalipas. Sa impormasyon na galing kay mang Manny ay mukhang may katagalan pa ang paglabas niya sa ospital.

Sa mga oras na ito ay may isang mahalagang tao sa buhay ni Earl ang papunta sa kanya ngayon. Kalalapag lamang ng eroplano sa pagdating nito. Matagal din nang nakabalik siya ditto sa lugar. Kahit papaano'y sariwa pa sa kanya ang mga alaala nung siya'y narito.

"Maligayang pagbalik ho, sir" sabi ni mang Rodolfo.

"Magandang umaga sa'yo, mang Rodolfo" tugon ni mang Ronald.

Kinuha ni mang Rodolfo ang mga bagahe nito at idinala sa sasakyan. Narito ang kanyang amo upang kumustahin si Earl na sa kanyang balita ay gising na. Sa impormasyong ibinahagi ni mang Rodolfo sa kanya sa telepono ay bumyahe siya sa lalong madaling panahon. Isang kahilingan lamang dati ang makita at makausap ang kanyang anak na ngayo'y nasa ospital pa. Ngayo'y ilang oras na lamang ay magiging realidad na ito. Nasa kotse na sila at patungo na sa ospital. Tatlumpung minuto pa bago sila makarating dito.

"Matagal-tagal din ng huli kayong nakarating dito, mang Ronald" sabi ni mang Rodolfo.

"Oo nga. Parang kalian lang."

Kahit na sa haba ng panahon na ito ay hindi nawala sa kanya ang ideya na siya'y makakabalik muli dito upang tingnan ang kalagayan ni Earl.

Sa Isla Mga AlaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon