Chapter 9

9 0 0
                                    

Nang gabing iyon ay nasa kanyang mansyon si Harris. Buong araw siyang nagpahinga at nakita ang pagdilim ng paligid. Malapit na ang pagpupulong para sa kumpanya at batay sa sitwasyon ay magiging madali na ang pagkuha niya sa kumpanya ng kanyang kapatid.

"Magandang gabi ho boss." bati ni mang Manny.

"Ikaw pala mang Manny. Anong kailangan mo?"

"Mayroon hong gustong kumausap sa inyo sa baba."

"Ganun ba. Bababa rin ako pagkatapos ng ilang minuto."

Bumalik sa baba si mang Manny at naiwan muling mag-isa sa Harris sa kwarto. Pagkatapos niyang ayusin ang kanyang sarili ay dumiretso na siya sa baba. Hindi niya inaasahang makita ang isang dating kakilala. Isang surpresa kung maituturing ang mangyayari pagkaraan lamang ng ilang mga sandali.

"Magandang gabi Harris" ito ang bati na kanyang narinig.

"Helen!?"

"Ako nga. Matagal-tagal rin ang huli nating pagkikita."

Pagkatapos ng ilang mga taon ay narito ang minsan niyang inibig. Hindi makapaniwala si Harris sa kanyang nakikita ngayon.

"Pasensya na boss pero pinilit ho niya akong magkita kayong muli" sabi ni mang Manny

Inutos ni Harris kay mang Manny na umalis na muna ito ngayon. May mga pribadong bagay na pag-uusapan sila ni Helen na kaagad naman nitong sinunod.

"Pagkatapos ng ilang mga taon, hindi ko inaasahang makikita pa kita."

"May rason kung bakit ako naparito."

Ngayo'y pareho na silang nakaupo.

"Bago ang lahat gusto kong malaman mula mismo sa iyo kung bakit sa kabila ng mga nangyari sa atin ay nagawa mo pa rin akong iwan."

"Hindi ako nandito upang ibalik ang nakaraan natin."

"Nakalimutan mo na ba ang mga sinabi mo sa akin noon o nagbago ba ang isip mo pagkatapos ng naging aksidente natin?"

"Pakiusap Harris. Huwag mo gawing mahirap para sa akin ang mga bagay na nangyari. Gusto kong makapagpatuloy sa buhay na hindi naaalintala ng mga hindi magandang alaala ko.

"At sa tingin mo ba ikaw lamang ang may hindi naging magandang karanasan? Nung nawala ka, nagbago ang lahat sa akin. Hindi ako makapaniwala na wala ka na hanggang dumating ang puntong kailangan ko nang tanggapin ang naging kapalaran ko. Hindi mo alam kung paano ko inasam na mahagtan ka sa mga oras na nag-iisa ako."

"Hindi mo rin alam kung bakit ko ginawa ang mga iyon at siguro panahon na nga para ipagtapat ko sa'yo."

May mga mumunting luha na tumutulo sa mga mata ni Helen.

"Nung naaksidente ka, kailangan ng malaking halaga para matuloy ang operasyon. Kung sakaling hindi yun natuloy ay malaki ang posibilidad na maparalisa ka. Hindi ko kayang makita ka sa ganoong sitwasyon. Alam nating dalawa noon na hindi ka gusto ng mga magulang ko para sa akin ngunit para matuloy ang operasyon ay humingi ako ng tulong sa kanila. Kahit masakit man sa loob ko ay umalis ako ng bansa dahil yun ang kondisyon upang sila na ang gagastos para sa iyong operasyon. Tanda ko pa nang sinabi sa akin ng mga magulang ko na hindi na kita pwedeng makita pagkatapos nun."

"Ibig sabihin ba nito'y hindi mo talaga ako iniwan ng kusa?"

"Labis ang pagmamahal ko sa'yo kung kaya't nagawa ko yun. Patawad Harris kung itinago ko ito sa'yo."

Sa Isla Mga AlaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon