Chapter 4

7 0 0
                                    

            Mahabang araw kung maituturing ang lunes na ito. Maraming nangyari at pasalamat niya na lamang na nasa bahay na siya ngayon ngunit ang ibigay ang lahat sa trabaho niya ay isang imposibleng gawain lalo na sa sitwasyon niyang nasa isip pa rin ang kanyang pag-aalala sa kanyang dalawang anak na sina Lanze at Earl.

            Tatlong linngo na ng dumating ang trahedya na ngayo’y nasa sa kanilang buhay ngayon. malayo man siya kung nasaan si Earl ngayon ay kinukumusta naman niya ang lagay nito. Tinatawagan niya si Mang Rodolfo upang malaman kung may pagbabago na naganap sa kalagayan ni Earl ngayon. Nasa coma pa rin ito at gustuhin man ni Mang Ronald na bumalik doon ay hindi ito magiging magandang desisyon. Sa ngayon ay naresolba na ang kalagayan ng kanilang kumpanya at nabigyan ng kasiguraduhan ang kannilang mga kliyente kaugnay sa galaw ng isang kumpanyang kasosyo nila.

            Nagmamaneho siya papunta sa kanyang mansion at ilang sandali na lamang ay makakapgpahinga na siya ng tuluyan. Bago lamang siya nakapasok sa gate na binuksan ng isa nilang katiwala. Pagod siya sa byahe at pasado alas syete na sa gabi. Kailangan niya na lamang ipark ang sasakyan. Nakapasok na siya at ngayo’y papakos na sa mansyon.

            “Aling Rosalin” tawag ni Mang Ronald

            Walang narinig na tugon si Mang Ronald. Bago pa man siya makapaghanap dito ay may narinig siyang isang pamilyar na boses.

            “Hello Ronald” pagbati sa kanya.

            Napatigil si Mang Ronald. Tiningnan niyang mabuti kung sino ito at matagal na panahon na rin ang nakalipas. Muli ay nagkita sila. Hindi siya pwedeng magkamali.

            “Helen” sabi niya.

            Hindi alam ni Mang Ronald kung paano niya titingnan ang sitwasyon. Isang surpresa ito na hindi niya inakalang mangyayari.

            “Matagal-tagal na rin Ronald” sabi niya.

            “Hindi ka pa rin pala nakakalimot”

            Dumating si Aling Rosalin at binati si Mang Ronald.

            “Magandang gabi ho sir” bati nito sa amo. “Pasensya na ho hindi ko po kayo natawagan na dumatiing ho pala si Aling Helen dito.”

            “Ayos lang yun” tugon ni Mang Ronald “Mabuti pa’y ipaghanda mo na lang ang ating bisita ng maiinom.”

            “Huwag na Ronald” sabi ni Rosalin “Hindi rin naman ako tatagal.”

            Lumapit si Mang Ronald at napaupo sa sofa na malapit kay Rosalin.         

            “It’s been quite a while since bumisita ka.”

            “Oo nga. Parang kahapon lamang nung huli tayong nag-usap.”

“So to what do I owe the pleasure na bumisita ka?”

            “I just want to see how you are doing.”

            “Parang may nagsasabi sa akin na ‘it’s more than that’. Ano ba talagang sadya mo?”

            “You’re still the same Ronald na I know. Always getting to the point.”

            Tiningnan ni Rosalin si Mang Ronald ng maigi na klarong may gustong ipahiwatig.

            “Nagpapasalamat ako na inilagaan mo siya pero its time na makilala na niya ang kanyang ina. Nandito ako para kay Lanze.”

Sa Isla Mga AlaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon