Chapter 10

8 0 0
                                    


Nagising si Lanze sa isang kama at ngayo'y inaalam pa lamang niya kung nasaan siya ngayon. Mahaba din ang kanyang pagkatulog at ang aparato sa kanyang gilid ang sumusuri sa kanyang kalagayan. Tila ito ang kumukuha sa kondisyon ng kanyang puso. May mga inilagay rin sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan.

"Nasaan ako?" tanong niya.

May nakapansin ng kanyang paggising na labis nitong ikinatuwa.

"Sa wakas ay gising ka na rin." sabi nito.

Bigla siyang niyakap at halatang masaya ito sa kanyang paggising. Hindi nagtagal ay nakita niya ang mga luha na tumutulo sa kanya ngayon.

"Matagal din kitang hinanap, anak" sabi nito.

"Sino ho kayo?"

"Ako ang ina mo."

Agad idinala si Lanze dito sa ospital pagkatapos ng naging aksidente kagabi. Dito ay ipinaliwanag sa kanya ang mga nangyari. Nabalitaan ni aling Helen ito kung kaya't naging mabilis siya sa pagpunta dito. Nang nakita niya ang anak sa sitwasyon na kinasangkutan niya ay hindi niya napigilan ang kanyang mga luha. Pagkatapos ng ilang taon ay nakita niya na ring muli ng personal ang kanyang kaisa-isang anak. Sa wakas ay narito na rin ang oras na kanyang inaasam. Matagal siyang umasa para dito. Ang masigurong buhay si Lanze ang kanyang hiniling at pagkatapos ng tatlong oras na pag-asikaso ng mga doktor sa kanya ay unti-unti na siyang na makakarekober. Buong gabi niyang binantayan ang anak hanggang magising na nga ito. Walang ikalalagyan ang tuwa na nadarama niya ngayon.

Kailangan pa ng oras upang tuluyang matanggap ni Lanze ang mga nangyari. Ikinatuwa niya ang makita at malaman na mayroon siyang ina kahit pa man mailahad sa kanya na isa siyang ampon ni mang Ronald na kahit ganun pa man ay itinuturing pa rin niyang ama. Ito ang unang pagkakataon na nagkita ang mag-ina pagkatapos nga ng mahigit na dalawampung taon. Batid niya ang labis na pagluha ng ina. Sa natupad nitong pangarap na makita siyang muli ay ginawa na lamang ni Lanze na ikatuwa ng husto ang sitwasyon.

Ilang oras ang lumipas at dumating ang isang kaibigan ni Lanze.

"Pumunta ako sa oras na narinig ko ang balita." sabi ni Jen.

"Jen" sabi ni Lanze sa pagkakita sa kaibigan.

"Nasabi sa akin ni James ang mga nangyari. Hindi ko inakalanag naaksidente ka."

"Salamat sa pagpunta mo."

"Ang importante ay gumaling ka. Pag-ayos ka na saka na lang tayo mag-usap tungkol sa mga naging karanasan mo, Andrew."

Pagsapit ng hapon ay dumating si James upang kumustahin ang kanyang lagay. Kailangan niyang makasiguro na magiging ayos lamang ang sitwasyon ng kaibigan. Dito niya ikinwento ang mga nangyari sa kanya. Papunta na sana siya sa istasyon ng pulis upang palayain siya pagkatapos niyang puntahan sina mang Nestor nang nakita niya ang pagliko sa kanyang harapan ng isang sasakayan. Lingid sa kanyang kaalaman sa mga oras na iyon ay sakay pala si Lanze nito pati na rin si mang Erwin. Napatigil siya at tiningnan ang mga sunod na pangyayari. Nilapitan niya ang kotse na nabangga at nagulat nang nakita si mang Erwin. Agad niya itong tinulungan. Bago pa man sila magdiretso sa ospital ay inalerto muna ni mang Erwin ang ibang mga pulis tungkol sa mga nangyari. Ito ang dahilan kung paano humantong sa kanyang pagkaligtas ang nangyari kagabi. Kung hindi naging mabilis ang pagresponde ng mga pulis ay malamang wala ngayon si Lanze dito sa ospital.

"Salamat James"

"Natural lang iyon. Magkaibigan naman tayo, diba?"

Bago pa man matapos ang araw ay isang muling pagkikita ang magaganap. Sa pagkakataong ito ay dumating si Earl. Maingat ito sa kanyang paglalakad sapagkat sariwa pa ang kanyang naging operasyon sa paa. Kasama niya si mang Rodolfo na umaalalay sa kanya. nagkaharap silang muli pagkatapos ng ilang mga buwan. Ngayo'y naaalala na ni Lanze ng tuluyan ang kanyang itsura.

Sa Isla Mga AlaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon